dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…
Category Archives: WORK
A SOUND LIKE SOMEONE TRYING NOT TO MAKE A SOUND
dear gentle reader, itutuloy ko na yung pagsagot doon sa 2nd question mo: masarap bang mag abroad? hmm… kahapon ko pa iniisip yan eh kaya nga muntik tuloy mauntog yung ulo ko doon sa poste ng bus stop. well, mahirap ang buhay abroad – wala ka sa sariling bansa and out of your comfort zone. tapos mahirap makisama sa umpisa dahil maraming mga cultural at procedural differences, and you need to look beyond this to make your stay worthwhile. isa pa: may mga language barrier at iba ibang sensibilities relating to this. for instance – sa opis namin, ako lang ang hindi intsik. nahihirapan ako at minsan napipikon pag nag iintsikan sila sa harapan ko, lalo na pag sabay sabay kaming kumakain pag lunch. minsan tuloy gusto kong isigaw: “PUTANGINA NAMAN, PAKI PASA NGA ANG KETCHUP!”
THAT DARKNESS WAS HIS FAVORITE COLOR
dear uncle batjay,
kamusta na po kayo? sana ay gwapo pa rin po kayo hanggang ngayon. eto na naman ako at mayrong katanungan: balak po kasi ng asawa ko na mag abroad. gusto ko lang pong malaman kung bakit kayo nag abroad? at kung masarap bang mag abroad. iyon lang po unkyel – pwede ko po ba kayong tawagin unkyel?
nagmamahal,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
ok lang na unkyel ang itawag mo sa akin. yan din ang bansag sa akin ng mga kaibigan kong bading, bukod sa “fafa batjay”. maraming salamat sa pagsulat mo ulit. oo, cute pa rin ako. lalo na ngayon at pumapayat na ako. iba talaga ang epekto ng excercise at madalas na pag jakol. actually, gingagaya ko lang naman ang mga kapatid natin sa saudi arabia na ngayon ay nagkakanda bulag na sa sobrang pag mariang palad. tigilan nyo na yan, kabayan! asan na ba ako? ah, ok. sasagutin ko na ang mga katanungan mo…
WATCH ME WALLABY FEED MATE
natapos din yung training session na binigay namin ng boss ko. ok naman, mga 12 people ang dumalo – 11 aussie at 1 kiwi. masayang kasama ang mag taga rito. gustong gusto ko ang aussie dry humor. parang ako. hehe. haluan mo pa ng kaunting mura ay ayos na ayos talaga ang mga kwentuhan. ayos din ang kanilang accent. pakiramdam ko nga ay kausap kong parati si bruce the shark doon sa “finding nemo“. hehe. nakakatuwa yung isang estudyante kong matanong – ngongo siya na may australian accent. nakaka tatlong excuse me ako para maintindihan ang kanyang sinasabi. una para maintindihan ang pagkangongo niya, pangalawa para maintindihan ang australian accent at ikatlong ulit para maintindihan yung english.
aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah, eh – say dat agen meyt, yor what sangat eksampol?”
aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “did you say kamatis mate?”
aussie: “ngat ngis na niperens metween ngyor fingt ang sengant ngekngangmol?”
batjay: “ah… what is the difference between my first and second example!”
aussie: NGYET!
batjay: “shit ka rin!”
pero sa tutuo lang, i love australia. i love the friendly people, the good cheer, the food. i love sydney, i love the aussie accent and the humor. kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtrabaho dito. aayain ko na agad si jet na lumipat bukas.
WHERE WOMEN GLOW AND MEN PLUNDER
dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito – una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako – kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh – “you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head” (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).
ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir – mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa… boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!
MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN
ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):
DREAMING OF THE OPEN, WAITING FOR THE DAY
lunch time na kanina nang malaman ko na pumasok pala ako sa opisina na bukas ang zipper. buti na lang naka tuck out ang polo shirt ko, kundi mas nakakahiya. ang yabang ko pa naman kanina sa bus stop – nakatayo ako at pakyut na naka stomach in pa na parang mr. pogi. bukas naman pala ang zipper. gago. ganito ba talaga ang tumatanda? nakakalimot nang magsara ng pantalon. next year 40 years old na ako. natatakot tuloy ako, baka one day, umalis ako sa bahay ng walang pantalon.
pero matagal pa siguro yon. ngayon, paglalaruan ko muna yung spiderman kong manyika
NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD
pumasok na yung technical support engineer namin ngayon after three weeks. may mini salbabida ngang dala-dala. inoperahan kasi sa pwet at hindi makaupo ng diretso kung wala yung kanyang “lifesaver”. ang sabi niya sa akin, may cyst daw na tinanggal kaya kinailangan ng surgery. bull shit! sabi ko, in my country, we call that “PIGSA“.
packingsheet. three weeks para makarecover sa pigsa? PIGSA! pwet niyang blue. unfair yan kabayan. samantalang ako, two weeks lang pumasok na after a ruptured appendix. bwakanginangyan talaga. umiinit ang ulo ko. sana pala, nag 4 week vacation na lang kami ni jet sa pilipinas imbes na nagpilit bumalik agad sa singapore at pumasok. ayan kasi gustong magpaka bayani, pwede naman palang long term medical leave. gago. gago, ga..”furry happy monsters feeling glad “.
FADED PHOTOGRAPHS, MEMORIES IN BITS AND PIECES
nasubukan na ba ninyong magpakuha ng litrato sa mga lumang instant ID picture shops sa pilipinas? i have. one day, many years ago, kinailangan ko ng picture para sa company ID. nagpunta ako as isang cheap studio para magpakuha. eto ang nangyari. putol ang katawan ko dahil naka puti akong t-shirt during the time the photo was taken, tapos white pa ang background. dahil kutis betlog ako, ang ulo ko lang ang nakuha at litaw na litaw ang aking kayumangging balat.
eh wala akong magawa nung time na iyon. kaya imbis na mangulangot eh nag drawing na lang ako ng kenkoy na katawan na karugtong ng aking ulo para naman hindi masayang ang tatlong litrato. ayan ang kinalabasan.
kung kilalala ninyo ako simula pa nung early 1990’s, you’ve probably seen this funny picture somewhere – either posted in a bulletin board in my cubicle or in a frame on my office desk, etc. i love this photo. it reminds me not to take myself too seriously. so go ahead, laugh at my expense. click on the picture and make fun of me.
ESSENCE OF FISH
last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.
