dalawang araw pa lang ako sa australia, apat na beses na akong naliligaw. di maintindihan ng mga taxi driver ang mga sinasabi kong english. ganito ba talaga ang accent dito? kung saan saan tuloy ako dinadala. isip ko nga, baka nililigaw ako para malaki ang kita nila. puro mga immigrant nga pala ang mga driver ng taxi rito – una kong nasakyan ay nigerian, pangalawa bumbay, ikatlo bulgarian at ikaapat ay taga republika ng kupal. kasi, sinisisi ba naman ako – kaya raw kami naligaw ay di ko raw sa kanya binigay ang address ng pupuntahan ko ng maaga. gago pala siya. eh di sabi ko sa kanya eh – “you fix yourself otherwise something pointed will come out of your head” (kako eh mag ayos ayos siya at baka siya mabukulan).
ingat ka diyan mylab! binili kita ng maraming mga aussie souvenir – mayron akong nakuha, murang mura lang. $1 ang isa… boomerang na hindi bumabalik. ang galing nga eh, binili kita ng sampu. lab U!
Jay, lahat ng souvenirs dyan MADE IN CHINA hehehe
sana binili mo si jet ng kangaroo para di sia lonely. hehe ung me boxing gloves
reciprocal link?
Nakakita ka na ba ng aborigines dyan, BatJay? Ingat ka dyan. Balita ko, astig daw si Howard sa mga Pinoy ngayon. 🙂
Ok lang saken yung boomerang na di bumabalik… hehe. Basta gusto ko ikaw bumalik… soon. I miss you so much. 😦 Ingat, mylab and good luck sa training bukas. Labyu! 🙂
isa lang masasabi ko… I WANT THAT DOLL! heheheh!
batjay! kakagulat at di ka maintindihan ng mga taxi drivers dyan? hmmmmm…..sa auckland din, halos puro immigrants taxi drivers. dito sa christchurch halos puro puti pa rin…..ingat ka dyan!
grabe..talagang labs na labs mo mrs mo..sana lahat ng mga lalake..ganyan ka sweet kay mrs.
Hi mate!
langya bosing, sobrang pagkahilig mo kay spiderman Hanggang australia dala dala mo. Hirap intindihin ng english ng mga yan ano? Wag kang mag-alala sa boomerang na di bumabalik. Umuwi ka ng madaling araw ng walang paalam kay jet, babalik sa tuktok mo yun. hehehe
katikim ka na ba hg buntot ng kangaroo? o ng buwaya kaya.
sige ingat.
good dai, spidey. enjoy sydney! batji.
hi jay..musta dyan. may aussie twang ka na ba? hehe
To die is tues die, to die is not good die to die!
(today is tuesday, today is not good day to die)
Ingat si spidey dyan, kumakain ng inihaw na gagamba mga katutubo dyan…
aba, tingnan mo talaga tong si spidey at nasa galaan na naman.
ay si spidey nasa aussie!!!
batjay ano ba mgakakaibang ugali ng mga aussie, di pa ako nakakarating jan eh …
ingat kabayan!
naks! where in the world is spiderman na talaga! hindi lang where in batjay’s flat is spidey, hehe!
kakainggit si spidey!
g’day mate!
naks! palapit ng palapit kuyang pinsan ko! next stop, auckland na ba? woooooohooooooo!!!!yipeeeeeee!!!! ditseeee!!! lapit na tayong magkita!!!!!
ingat ka, fafa. uwi ka agad kay ateng 🙂
sa sunod, isulat mo na lang ang address para di ka iligaw.
bilisan mo dyan at namimiss ka na ni jet.
maganda ba australia? dream ko one day maka-tour diyan at makahawak ng koala at makipagsuntukan sa kangaroo…..ha ha ha
hanep si spidey! may visa ba yan o plano mag-TNT?
ingat na lang para kay mylab mo.
Mylab! 3 days na lang, uuwi ka na. Yeeeheeey! 🙂
naalala ko nung nagtaxi rin kami dyan na dahan-dahan kami makipag usap sa driver with matching malakas na boses. para bang nandito ka din sa SG, hirap din magkaintindihan. hehe.
ingat sa pag-uwi! 🙂
hmmm..boomerang na di bumabalik? defective iyon. hanap ka pa noong bumabalik. tapos swap na lang iyong 10 sa isa. ano naman kasi gagawin mo sa sampung boomerang na bumabalik noh.