“I refer to jet lag as ‘jet-psychosis’ – there’s an old saying that the spirit cannot move faster than a camel” – Spalding Gray

napansin ko, mas mahirap mag byahe ng east to west kaysa sa west to east dito sa merika. mahirap kasi yung 3 hour ahead na difference. isipin mo na lang kung galing ka rito sa california at pupunta ka ng florida. pag gising mo ng alas sais ng umaga, alas tres pa rin ng madaling araw ang body clock mo. ang tendency mo ay gusto mo pa ring matulog kahit tirik na ang araw. kung tulad pa ninyo ako na nakaprogram ang morning ritual, tanghali na bago maka ebak.

Continue reading

I bet living in a nudist colony takes all the fun out of Halloween

dear mommy,

Ang Mahiwagang Daigdig ni Darnita, ang Batang Darna. CLICK to Zoom kamusta na kayo diyan sa pilipinas? sana ay nasa mabuti kayong kalagayan – di ko alam kung ano ang pakiramdam ng isang 81 year old but looking at you, it seems that you are having a great time. halloween na nga pala dito sa amin bukas. ito ang magiging una namin ni jet dito sa amerika at handa na kaming makikisali dito sa sikat na american tradition na ito. nakakatuwa nga ang mga kano, libo libo ang ginagastos para lang makapaglagay ng dekorsasyon sa mga bahay nila. kung titingnan mo, para silang mga sira ulo – bibili ng mga sapot ng gagamba, mga pusang nanlilisik ang mga mata, higanteng daga, mga paniki, at kung ano anong mga nakakatakot na mga maligno. tapos ididisplay ito sa labas ng bahay. tama ba naman yon? pero tama man o mali eh sali kami sa kabaliwan nilang ito! hehehe. napabili na nga kami ni jet ng mga candy para ipamigay sa mga bata, sakaling may maligaw na mag “trick or treat” sa apartment namin bukas.

Continue reading

AND THE LEAVES FELL IN THE WATER OF YOUR SOUL

nagpunta kami ni jet sa lake arrowhead last weekend for a short break. buti nga, kasi naging sobrang abala kami these past two months sa kung ano-anong mga bagay relating to our big move from singapore – simula sa paglipat ng dalawampu’t apat na pirasong bagahe, pagbili ng kotse, sa paghanap ng matitirahan at pagbili ng mga gamit sa bahay. all the while nagtatrabaho na’t dumidiskarte sa bagong opisina. di mo alam kung gaano ka pagod hanggang sa mapansin mo na lang na parati kang aborido, maikli na ang pasensy mo’t madali ka ng mapikon. pag dumating ang ganitong pagkakataon sa buhay mo, huwag mo nang hintayin pa yung oras na hindi na tatayo at titi mo – panahon na para iwanan ang lahat at mag pahinga ng ilang araw. “to chill” ata ang tawag nila rito sa amerika.

Continue reading

There’s one for you, nineteen for me

isa sa mga mahirap ma take dito sa california ay ang damiing bawas sa suweldo. tinitingnan ko nga ang payslip ko eh parang litanya ng dasal ang mga deductions – income tax, preyporas. state tax, preyporas, disability tax, preyporas… enso-on, enso-port. AMEN.

isa isahin nga natin – may income tax na super laki (sabi ko nga 3 times more than what i paid for in singapore). may state tax na pupunta kay governor arnie (bwakanginang i’ll be back na yan), may old age survivor and disability Insurance (ano bang ibig sabihin nito? may suwledo ka pag tanda mo at buhay ka pa?), may disable tax (ano ito – disability insurance na, disable tax pa), may life insurance, mayroong legal fund (para pag nahuli ako ng pulis, may darating na abogado na aareglo sa kaso ko), may 401K contribution, health care deductions (nagamit na namin ito para sa pag pagamot kay jet), may dental plan para pag nagpa pustiso ako ay maliit lang ang bayad (gusto ko kasing gawing puro bagang ang ngipin ko, hehehe) at panghuli ay ang vision plan – para yata ito sa kung sakaling lumabo ang mata ko dahil sa sobrang pagjajakol.

There Are Three Kinds of People – Those Who Can Count and Those Who Can’t

my ito ang hitsura ng opisina ko dito sa california. mayroon akong “room with a view”, bagay na labis kong ikinatutuwa. pag silip ko nga sa labas, bukod sa mga sira ulo at malilibog na kuneho, nakikita ko ang basketball court at ang beach volleyball area. tuwing tanghali, maraming mga taong naglalaro at pinapanood ko sila habang kumakain ng lunch. ang galing nga ng opisina namin (actually “campus” ang tawag namin dito), it has something for everyone. i love my job. bagay kasi ang kumpanya sa personality ko. i love the irreverence and the culture. i also love the free food, but that’s another story. dito lang ako nakakakita ng mga nagtatrabaho ng naka shorts, mahilig sa rock music at kung ano anong mga twisted na personality ng mga empleyado. gusto ko rin yung individual na dekorasyon ang ginagawa sa mga kwarto at cubicle sa opisina. bawat pwesto ay reflection ng personality ng mga taong nagtatrabaho doon. mayroong cublicle na para kang nasa loob ng sports car, mayroon namang para kang nasa space ship, mayroon parang amusemnt park, ang iba naman ay puno ng mga gadgets, maraming mga litrato ng mga anak at kung ano ano pa. yung opisina ko ay medyo ‘ala pang laman dahil kulang sa oras mag ayos. pero at the moment, hindi naman siya exactly totally bare. bukod doon sa “bird poop for sale” sign ko, mayroon akong mga sumusunod:

Continue reading

Where there is a stink of shit there is a smell of being

Glorious, suwerte ka raw pag nataihan ka ng ibon. at least yan ang kasabihan ng mga taga asia. naniniwala ako rito. nung grade five kasi kami, yung isang classmate ko, nabagsakan ng ebs ng tarat habang kumakain kami sa gym. muntik na ngang ma shoot sa lunch niya, pero lumihiis ito at tumama sa balikat niya. naiyak nga siya (siguro dahil napahiya). pero look at him now – isang successful na negosyante. panay na lang ang pasok ang pera sa bulsa niya automatically at kahit di na siya magtrabaho hanggang sa mamatay siya eh hindi na siya magugutom. all that good luck later on his life, dahil lamang sa isang fateful shitty day. sana ako rin swertehin – nung first day of work ko kasi dito sa america, yung bintana ng kuwarto ko ay nataihan ng ibon. hindi ko alam kung anong ibon pero betchabygollywow, ang laking kalat ang ginawa niya (please see picture). sabi nga ng room mate kong si claus eh baka ostrich daw ang tumae sa bintana ko. impossible naman kasi, una, walang ostrich dito sa california. ikalawa, hindi naman lumilipad ang ostrich (oo nga pala, PYI: nasa top floor ang office ko). baka agila o lawin – marami kasing umaaligid dito. siguro hina-hunting nila yung mga sira ulong kuneho na takbo ng takbo sa office grounds namin. heniway, gumawa nga ako ng “FOR SALE” sign para naman malagyan ng kaunting dekorasyon ang opis. lahat nga ng dumadaan ngayon ay humihinto at natatawa – nagiging conversation piece tuloy (“what you got there, jay?”, “can i get one of them bird shit too?”, “what in the hell is that thing on your window?”, “fucking shit!”, “holy shi!t”, “hey jay, you’re full of shit!” and many other words to that effect). sikat na nga ako ngayon – “you know who jay is, right? he’s that new guy from building 1 with the big bird shit on the window”. for all the crap i’ve been getting (pun intended), sana naman mas swertehin kami ni jet dito sa amerika. sabi nga ni brader mike eh – “emen to dat, ale-luya!

Did you ever see the customers in health-food stores?

first day of work ko ngayon sa bago kong opisina dito sa ‘merika. swabe lang dahil nasa orientation pa rin ako – tinuro sa akin ngayong umaga kung nasaan ang kubeta (“dats damos imfortant fart op da opis” ang sambit ko sa english na halos hindi ko maintindihan). tapos dinala ako sa pantry na kung saan may libreng kape at snacks na nasa vendo machine (“dats dasican mos imfortant fart op da opis”, ang ganti ko na naman sa nag tour sa akin).

BATJAY: “is ebriting here in da pantry por free – oldis pud en sopdrinks?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, batjay!”

BATJAY: “how abawt di chips, di tsokoleyt bars endi beri meni beef jerky en eggs?”
HR GUIDE SA OPIS: “YES, they are all free,batjay!”

BATJAY: “kan i bring my wife en mommy to da opis en can we live here?”
HR GUIDE SA OPIS: “you trying to be cute, batjay?”

BATJAY: “how about balut? do yu hab da balut?”
HR GUIDE SA OPIS: “baloon?”

Oleanders growing outside her door

BATJAY, BIKER DUDE balik bisikleta ako this week after being away for over 3 weeks. kanina lang ulit ako nag bike to work. hirap pala ng nahinto ng matagal, nag cramps ako at medyo nahirapan sa mga paakyat. tapos muntik pa akong na-late papasok kasi hanap ako ng hanap sa helmet ko sa bahay kaninang umaga. ang tagal ko – silip dito, silip doon, silip kung saan saan. kaya pala hindi ko mahanap eh suot ko na pala. sobra ata ang pagka light weight at di ko naramdaman (puro na lang dahilan ano? ayaw pa kasing aminin na ulyanin na). doon nga pala sa mga nahihiyang magtanong, sasagutin ko na po kayo: opo, mayron na rin pong helmet ang asawa ko. matagal na. kaya ngayon, kahit mauntog siya ng paulit ulit eh di magbabago pagtingin niya sa akin.

MAYROONG HIMALA!!!

LUNES ng umaga. nasa POEA office para kumuha ng exit permit at pinagmamasdan ang isang kilometrong pila na malapit nang tayuan…

BATJAY: malapit na ako sa counter ng POEA, kung may diyos – sana naman ay pag dating ko sa harap ay may makakilala sa akin na empleyado na maawa sa akin at i-process ang exit permit ko. sige na naman po bathala… marami pa akong gagawin sa trabaho at ayokong tumayo at mangulangot sa isang kilometrong haba na pila. please, please, pretty please. ayan na nasa counter na ako. o diyos ko, diyos ko, ito ba’y pagsubok mo…

POEA EMPLOYEE: Brother BATJAY – kilala ko po kayo! taga novaliches din po ako at parati ko kayong nakikita sa simbahan ng talipapa. kilala ko rin mommy mo! AAAY! ang pogi pogi mo pa rin kahit gurang ka na – akina yang application mo, ako nang bahala sa iyo.

BATJAY: MAYRONG HIMALAAAAA!

in less than 30 minutes ay na-process ko ang aking OFW exit permit. the shortest time ever na nangyari ito in 4 years. a good sign – sana swertehin ako ng husto dito sa bayang magiliw ngayong linggo. ang sarap talaga sa pilipinas. ang babait ng mga tao at parating silang nakangiti kahit mahirap ang buhay. i love to be back home.

There’s room at the top they are telling you still

magiging seryoso ako ngayon at pag-uusapan natin ang mga katangian na hinahanap ng mga kumpanya sa mga nag a-apply sa kanila ng trabaho at ang mga common questions na tinatanong sa mga interview. isasali ko rin ang mga katangian na hinahanap sa inyo ng mga managers sa evaluation ng iyong first six months. siyempre dahil engineer ako, related ang topic na ito sa mga katangian ng isang magaling na engineer. pero applicable din sa mga non technical positions tulad ng isa kong sideline – ie nagkukulot ng buhok.

Continue reading