But you don’t really care for music, do you?

minsan yung tatlong oras ay mas mahirap bunuin kaysa twelve hour time change. nasa east coast ako ngayon. sa montreal canada, to be exact. kakarating ko lang kaya yung body clock ko, sinasabing 4:30 pa lang ng madaling araw pero 7:30 na ng umaga rito. pag silip ko sa bintana ng hotel room ay tirik na ang araw pero inaantok pa ako.

Continue reading

Rich men wanna be kings

isang linggong conference sa carlsbad. over 100 powerpoint presentations showing 2000 slides. bwakanginang yan, kung di ka ba naman mahilo. kawawa naman ang mga kasama kong galing pa ng europe at asia. punta sila rito sa amerika at hindi pa nga nawawala ang jetlag ay ikukulong na sila agad sa isang malaking kuwarto ng buong araw para makinig sa walang katapusang pagsasalita.

na experience ko na rin yan nung sa singapore pa ako naka base. pupunta kami sa amerika para sa conference at hindi mo talaga maintindihan yung nagsasalita kahit anong gawin mo dahil pinipilit mo ang sarili mong maging gising, akyat baba ang ulo mo habang nilalabanan  ang antok.

Smells Like Teen Spirit

masarap palang magtrabaho sa opisina ng walang underwear. pakiramdam ko kanina, para akong si britney spears na nag commando. huwag mag-alala, hindi ko naman pinakita ang short comings ko. nakalimutan ko lang mag baon ng boxers (oo virginia, baduy na kasi ang briefs) dahil sa pagmamadali kong umalis sa bahay. tumakbo kasi ako during lunch at nalaman ko lang na wala pala akong spare underwear ay nung tapos na akong mag shower.

Continue reading

All the vampires walkin’ through the valley

last saturday, nag sponsor ang company namin ng indoor skydiving sa perris, california. ito yata ang mecca ng skydiving sa southern california. ang daming sira-ulo roon na tumatalon sa eroplano.

IDSkyDive-043

ang sarap pala ng pakiramdam ng skydiver, kahit simulated lang ang ginawa namin sa loob ng wind tunnel. feeling mo, para kang si darna. sa murang halaga na $20 ay binigyan kami ng tatlong 1 minute “flying time” sa loob ng tunnel. i must say, it was breathtaking and i can’t wait for the real thing. ang isa kasi sa mga matagal ko nang pinapangarap ay mag solo skydive, hopefully before i turn 45 – habang tigas titi pa.

Continue reading

PLANTS AND BIRDS AND ROCKS AND THINGS

nandito kami ni jet sa palm springs for a week of work and pleasure. ako para mag work, si jet para sa pleasure. may conference kasi kami at sinama ko siya para naman makapag relaks. first time ni jet dito sa desyerto ng california kaya enjoy siya. habang sinusulat ko nga ito, nasa balcony siya ng kwarto namin at nagbabasa ng libro. may view siya ng golf course na pumapalibot sa hotel namin. sarap no? sana ako rin. kaya lang hindi pwede dahil in a few minutes, babalik na naman ako sa walang katapusang meeting at death by powerpoint.

Continue reading

TECH SUPPORT ENGINEER

unforgettable encounter with a customer nung tech support engineer pa ako sa pilipinas.

BATJAY: sorry sir, hindi ako nakapunta sa office mo kahapon dahil nagkasakit ako.

ENGINEERING MANAGER: ano bang sakit mo?

BATJAY: may lagnat po ako.

ENGINEERING MANAGER: PUTANG-INA KA, WALA AKONG PAKIALAM KUNG PUMUNTA KA RITO SA OPISINA KO NA NAKASAKAY SA KARO NG PATAY. PAG PINAPUNTA KITA RITO, KAILANGAN PUMUNTA KA!

ang tech support customer service war story na ito ay handog sa inyo ng “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ang gatas na may gata”.

I RUN FOR LIFE

alt= bukas ng umaga, pupunta ako sa newport beach para sumali sa Susan G. Komen Breast Cancer Foundation “Race for the Cure” – naglakas ako ng loob para tumakbo sa 5k timed race. sumali ako hindi para makakita ng maraming magaganda at sexy runners na labas ang pusod (although marami doon bukas). gusto ko lang kasing ibalik yung mga natanggap kong benefits sa aking almost 10 month long exercise program to take care of my diabetes. may group akong sinalihan at sama-sama kami bukas na tatakbo. baka gusto ninyong mag donate. lahat ng pera ay mapupunta sa paghanap ng cure sa breast cancer. kung titingnan ninyo yung aming team page, ako ang may pinaka maliit na donation kaya kakapalan ko na ang mukha ko rito para makiusap: sige na naman, mag donate na kayo para naman medyo lumaki ang amount sa pangalan ko. bilang incentive, lahat ng mag bigay ay papadalhan ko ng picture ko na nakahubo. promise!

NOTE: pwede pang mag donate kahit tapos na ang race, kaya huwag na kayong mahiya.

oo nga pala, ang appeal na ito ay para lang sa mga overseas. kung nasa pilipinas kayo at gusto ninyong mag donate, ibigay ninyo na lang kay pyro. maraming salamat.


Continue reading

SPANDEX BLUES

walang dress code sa kumpanya namin – ngayon ngang summer, marami ang pumapasok sa opis ng naka shorts. kahapon nga, during lunch time, mayroon akong nakitang lalaking naka neon pink na spandex shorts na naglalakad sa campus grounds. bakat na bakat ang titi niya doon sa shorts at ako nga ang nahiyang tumingin. isa siya sa mga androgynous metrosexual male employees na may weird sense of self expression sa opisina. what can i say? marami talagang mga eccentric sa amin. kaya nga gusto kong magtrabaho dito – you never know what you will encounter in any given day.

American cities are like badger holes ringed with trash

nakatanggap kami lahat sa trabaho ng email galing sa facilities department recently. sila yung mga nag aayos ng maintenance ng campus namin dito sa california, simula sa pagpalit ng mga light bulb hanggang sa pag ayos ng garden. medyo nakakatawa yung email kasi pina-alala sa amin na huwag daw gawing personal garbage dump yung opisina. apparently may nagtapon sa trash can namin ng refrigerator during the weekend.

refrigerator? packingsheet.

Continue reading