Category Archives: Uncategorized
And the poor little girl's turning blue
dear unkyel batjay,
doon po sa kantang “Itsy Bitsy Teenie Weenie Yellow Polka-dot Bikini”, ano po ba doon ang yellow, yung bikini o yung polka dots?
nagmamahal,
gentle reader
Racin' with the wind
two weeks na akong nagbibisikleta papasok ng opisina. nag decide kasi ako na gagawin kong alternating ang pagtakbo at pag bike to work. nag-iingat lang ako dahil ever since nag basketball ako two weeks ago eh sumakit ang kaliwang tuhod ko. ok naman kasi mas low impact ang pag bike at mas mabilis akong nakakarating sa opisina.
medyo nakakapanibago lang. kasi, pag matagal kang nakaupo sa bisikleta, masakit yung part ng katawan mo na nasa pagitan ng butas ng pwet at betlog. ano na nga ba ang tawag dito?
WISH I DIDN'T KNOW NOW WHAT I DIDN'T KNOW THEN – PART 2
things i know now at 41 that i should’ve done when i was 21:
- huminto sa paninigarillo – maaga akong natutuo magyosi at nagsisisi ako na hindi ako huminto agad. in fact nagpatuloy ang bisyo ko from high school all the way hanggang sa aking late 30’s. kung di pa ako na hospital, hindi ako titigil. hay naku, hindi lang titi ko ang matigas. sana hindi pa huli.
MANANANGGAL'S REVENGE
MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
Garlic Research Shows No Effect on Cholesterol. Although garlic and garlic supplements are widely promoted as cholesterol lowering agents, a randomized study published Monday has found no evidence that garlic works any better than a placebo in reducing blood lipid concentrations.
packingsheet, kain pa naman ako ng kain ng bawang para bumaba ang cholesterol ko. wala naman pala itong ibinibigay sa akin kundi bad breath, malasang ulam at protection laban sa aswang.
So you think you're a romeo, playing a part in a picture-show
nagpalit na ng daylight savings time dito last sunday kaya alas siyete ng gabi ay mataas pa rin ang araw. medyo umiinit na rin. in fact, parang summer na nga ang feel dahil nung weekend ay umabot na sa 100 degrees farenheit ang temperature sa southern california. ‘tanginangyan, mukhang nakakalimutan ko na ata ang metric system. ano na nga ba formula? teka… 100 degrees maynus 32 equals 68 dibaydibay 1.8 equals 37.78 degrees C. piso na lang, impyerno na.
sa sobrang init nga ay nagkaroon ng malaking sunog dito. galing kami nina jet sa las vegas at nadaanan namin yung brush fire sa anahein hills. malaki ang sunog kaya sinara nila yung toll road na papasok sa city namin at kinailangan ko pang umikot para makauwi. pero ok lang, sabi nga ng supertramp – “take the long way home.”
SHE'LL BE THERE AND EVERYWHERE
para sa kapatid kong si gigi – isang awit.
with so much love,
jay
And it's not a cry that you hear at night, It's not somebody who's seen the light
“Hallelujah” – leonard cohen’s masterpiece and my personal favorite. sinubukan kong kantahin pero hanggang first part lang. mahirap kasi itong i-deliver dahil sa bwakanginang phrasing. KD lang covered this song and jet and i love to play it all the time.
opening stanza pa lang, pamatay na…
I’ve heard there was a secret chord
That David played, and it pleased the Lord
But you don’t really care for music, do you?
Well it goes like this
The fourth, the fifth
The minor fall, the major lift
The baffled king composing Hallelujah
‘tangina, sana ganito ako kagaling magsulat.
pakinggan ang batjay’s twisted pinoy version ng “HALLELUJAH” na handog pa rin sa inyo ng “Tito Remy’s Kesong Puti, ang kesong gawa sa kupal” – subukan ang bagong laing flavor na gawa sa kupal ng supot na bicolano.
happy valentines day mylab. para sa iyo ang kantang ito. lab U.
There's a ruckus in the alley and the sun will be here soon
ganitong time last year, nasa 216 lbs ako. sabi ng pamangkin ni jennypeng, “libs” daw ang pag pronounce dito. BWEHEHE. pounds sweatheart, pounds. medyo kinabahan nga ako dahil last january ko ring nalaman na diabetic din ako. 40 year old na overweight diabetic? prime candidate ito para sa atake sa puso at stroke. naisip ko nga: kung wala akong gagawin, baka gumising na lang ako isang umaga, wala nang pakiramdam ang kalahati ng betlog ko.


