FORBIDDEN CITY

dito kami ngayon ni jet sa beijing. nag-punta kami sa forbidden city kanina. ang galing! 3 oras palang libutin iyong palace. may guide pa nga kami na may hawak na dilaw na flag. para tuloy kami yung mga turistang intsik na nakikita ninyong takbo ng takbo sa la, sf at new york. hehehe.malamig ngayon sa china. kaya kumpleto rerkado kami sa jacket, scarf, sumbrero at gloves. si jey nga nanginginig sa labas. ngayon lang siya naka-experience ng temperature na below freezing. sa wednesday, may field trip kami sa great wall.

ingat mga kapatid!

ON THE WAY TO THE MIDDLE KINGDOM

tuloy kami ni jet bukas ng madaling araw sa china. its time for my company’s asia-pacific distributor conference. ngayon ko lang maisasama si jet – hehehe. ginamit ko yung frequent flyer miles ko para libre ang flight niya.

one week kami sa beijing kasama ang mga iba ibang kaibigan from the asia-pacific region. enjoy siguro itong trip na ito… medyo malamig ngayon sa beijng. ang forecast ay -6 to 5 deg c. bili nga kami ng winter clothing bukas sa mall. hehehe… ewan kung magamit pa ito. siguro naman ay may ibang trip pa kami next time.

next log ko siguro ay nasa china na kami.

INDIA AGAIN

back from india… one week of spending time in a strange land. ewan ko kung paano i-describe ang india. so foreign na para akong nasa ibang planeta. pero sabi ko nga, may beauty din naman sa lugar na iyon, sisilipin mo lang ng maigi.

next week, nasa china naman kami. kasama ko si jet. sanan naman ok ang byahe namin. medyo malamig na ngayon sa beijing. tiningnan kong forecast sa linggo (araw ng pagdating namin): mga -4 to 5 deg c.

44 days na lang – uwi na kami sa pilipinas para vacation.

INDIA TRIP

next week nasa india na naman ako. yung mga officemates ko, ayaw magpunta doon kasi mabahu raw, marumi, maraming mahirap, ibang tsibog. ako naman eh, how shall i say it, “trabaho lang pare, walang personalan”. for me, you take both the good and the bad. india is really different – so alien, so beautiful and ugly at the same time. it’s in your face. and, in that way, i kind of like it.

the last time i was there, we went to taj mahal on an unexpected day off where my boss and i suddnly became accidental tourists. on a 45 deg. c day, there we were under the heat of the @#$$@$% sun but enjoying every minute of it. that in a nutshell is my indian experience and i am probably going to relive it once more next week.

TRAVEL, HASSLE

maraming nangyari sa amin ni jet itong nakaraang buwan. punong puno nga ng actiivities, parang pelikula ni dolphy – may kantahan, may sayawan, may iyakan, may suntukan at siyempre – may tawanan.

una lipad akong orlando for a work related conference – hassle and long delays at the us airports. this is ok and much anticipated. what i didn’t like was the almost look of panic in the eyes of the people at the airline counters (well, not all of them). there we were: asians from malaysia, singapore and the philippines showing our passports to the person at the counter. once she sees where we are from, there’s a look of panic in her eyes, a bit of agitated movement in the way she carries herself, a slight tremble in her voice. all very subtle, but, if you connect all of it – it is fear. fear for us, i guess. foreigners with strange accents from countries where terrorists live. i don’t blame her but i don’t like it one bit. i hate to be in a muslim’s shoes at this point. i guess for them, being profiled is a regular occurence. sayang, nakakainis and too bad for humanity.

ORLANDO MAGIC

good evening from orlando.

habang sinusulat ko ito, kumakanti sa john melloncamp ng pink houses sa concert sa new york. galing.

kagabi, party namin sa invensys. kumanta ng isang set si huey lewis and the news. galing din. iba talaga pag live – magaling din ang showmanship nila at enjoy lahat. nalasing nga ako. hehehe… sobrang tuwa ko, dami ko tuloy nainom. heehee. naka 8 corona ako at 2 malaking basong scotch and soda. pag gising ko umaga na!

Continue reading

ORLANDO BLUES

good morning from orlando… gising na naman ako ng alas-2. hirap talaga ng jet lagged. body clock ko nasa singapore pa rin. hehehe… problemado pa ako dahil may sakit si jet. buong araw nang nagrereklamo na masakit ang sikmura. bummer… tangnatalgangbuhay oo. tuwing umaalis na lang ako, may nangyayari sa mga mahal ko sa buhay. kaya ayokong umaalis eh. tangnatalaga…

Continue reading

INDONESIA LOOKS LIKE HOME

lipad na naman ako sa lunes papuntang indonesia. 2 araw sa jakarta at 3 araw sa surabaya. makikita ko na naman ang sangkatutak na tao sa mga kalye sa jakarta, ang traffic at ang alikabok at init. hehehe… parang maynila rin. minsan nga sa biglang tingin parang umuwi ako. mababait din naman sila at palangiti. masarap din ang kanilang pagkain. kung ang jakarta ay siksikan ang tao – sa surabaya naman ay medyo parang davao o cebu ang dating. laid back ika nga – wala ang gitgitan ng mga tao’t sasakyan at mararamdaman mo na mas matahimik dito. ito ang dahilan kung bakit mas gusto ko sa surabaya kaysa jakarta.

kasali sa trabaho ang pagiging byahero ko. katunayan matapos akong makabalik dito sa singapore lilipad naman ako patungong pilipinas as unangn linggo ng hulyo. i look forward to a trip home. medyo matagal na rin akong di nakauwi. gusto kong makita ang bahay ko’t garden. gusto ko ring bisitahin ang mga kamag-anak at kaibigan.

sana july na…

AIMLESS WALKING

aimless walking… another favorite after-career career. there’s nothing better than walking on a cool morning with just your nose to lead the way. where to go? (a favorite singapore phrase when the people here ask what to have for lunch) where to go indeed… wala lang. nowhere – here, there, anywhere. in my morning 20 minute jog – i just aimlessly wander and really don’t care where i end up… well, anywhere that will bring me back home in 20 minutes. i still have a career as an engineer, you know, and i have to be in the office by 8:30 – but after i’ve retired, 8:30 won’t mean a thing to me anymore.

A PASSAGE TO INDIA

Kakadating ko lang galing ng India. Mahigit isang linggo ako sa init, alikabok at mabangong simoy ng hangin (hehehe). Height ng Summer ngayon doon at umaabot ng 43 degress C sa shade at mahigit 50 degrees C sa direct sunlight. Isipin mo na lang kung anong pakiramdam kapag sumakay ka sa kotse na nakabilad sa araw sa India… Akala ko mainit na sa Pilipinas, mayroon pa palang mas malala. Piso na lang, impyerno na. Niyaya nga akong mag-golf ng Distributor – tumaggi ako. Next time na lang… mga winter time malamang (hehehe). Pero nag 2 bottles kami sa golf club nya sa Delhi. Spoiled din ang mga golfer doon: may 2 taga-hanap ng bola, 1 caddy at 1 taga-payong at taga-hawak ng flag. Parang may basketball team ka sa fairway.

Continue reading