ORLANDO BLUES

good morning from orlando… gising na naman ako ng alas-2. hirap talaga ng jet lagged. body clock ko nasa singapore pa rin. hehehe… problemado pa ako dahil may sakit si jet. buong araw nang nagrereklamo na masakit ang sikmura. bummer… tangnatalgangbuhay oo. tuwing umaalis na lang ako, may nangyayari sa mga mahal ko sa buhay. kaya ayokong umaalis eh. tangnatalaga…

buti na lang may mga kaibigan. pasalamat sa mga kaibigan! thank you sa mga kaibigan! maraming maraming salamat sa mga kaibigan! parati na lang may mga tumutulong na kaibigan… tawag ako kanina sa singapore, nag-a-alala – kay helen isaac. baby sister ni david, classmate natin. doctor siya na nag-aaral sa singapore. takbo agad siya sa bahay para alalayan si jet. nandon pa rin siya ngayon at inaasikaso si jet. maraming salamat helen! maraming salamat david! paki sabi na lang sa utol mo, salamat. mag-papaultra sound daw siya bukas. si jet ha, hindi si helen. hehehe… dinadaan ko na lang sa tawa. suspetsya niya (ni helen ha, hindi ni jet) ay baka gall stones or something related to that part of the body. si helen pa raw ang bumili ng gamot. salamat talaga. si antonia rin, kaibigan namim sa singapore – naka 10 text na ata sa akin at nagsasabing huwag akong mag-alala.

kaya kahit anong timpla ng panahon, pumupunta ako sa inuman ng may birthday. alam ko kasi, di ako nag-dalawang salita sa mga kaibigan ko. subuk ko na sa maraming pangyayari sa buhay ko na parating may handadng tumulong. sina nes sa pag-alaga sa mommy ko. sina bong at mon na tumakbo sa bahay para dalhin sa ospital ang daddy ko. kaya kahit anong galit ng mga asawa natin, nagkikita kita pa rin tayo ng wala sa oras.

parati na lang kayong tumutulong sa akin. sa lahat ulit – maraming salamat. ito rin ang dahilan kung bakit minumura ko ang mga hindi pumupunta sa usapang get together. hehehehe…

nasa “americas most wanted” si rolanda ricaforte. siya yung accountant ni erap sa jueteng. ni release ang picture nya sa tv at malamang may magsusumbong na sa kanya next week! hehehe…

florida news… si jeb bush (utol ni “dubya”) governor ng florida, tatakbo ulit. sarap talagang manood dito ng mga commercial ng mga kandidato, tirahan sila ng tirahan. di mo tuloy alam kung sino ang mas demonyo sa kanila. hehehe… so far, nakita ko pa lang sa america sa trip na ito: eroplano, airport, taxi, hotel. anong maganda sa florida: “maraming swamp, maraming pine trees akong nakikita sa taxi. balita ko mayron didn ditong disney world, sea world at universal studios – daw. di ko pa nakikita eh”. sa takbo ng schedule ko, malamang di ko na talaga makikita.

sige mga kapatid, 3am na rito. pilitin ko ulit matulog. inaatok ang feeling ko pero di ako makatulog. typical jet lag symptoms. hehehe… jet lagged and missing jet. hehehe…

tutuo yung sinabi ko sa mga kaibigan. kahit alaskador ako, seryoso ako sa pagtrato ko sa mga kaibigan ko. minsan mahigit pa sa kapatid ko…huwag nyo lang akong utangan! hehehe…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.