TURNING JAPANESE, PART 2

hello my love. kamusta ka na? sana ay ok ka lang diyan at di masyadong namomroblema dahil nag-iisa.

kakadating ko lang sa hotel at medyo pagod. nagpunta kami ngayon sa office ng distributor namin sa japan. nag dry run kami sa conference room nila kasama ang interpreter ko. hehehe… mahirap palang mayrong interpreter. di ka pwedeng mag-sabi ng kung ano-ano lang at siguradong mahuhuli ang pambu-bullshit mo. dapat ay puro katotohanan at every sentence ko sa english ay tina-translate sa japanese. di pwede ang style ng mga singaporeans na “etc. etc. and so on and so forth” o kaya “blah blah blah” na ginagawa nilang filler at the end of the sentence, kung di nila ma-express ang sarili nila sa english. medyo nakuha ko na ang style pag may interpreter – kailangan ay mabagal ang pagsalita mo at kailangan simple lang ang mga salitang gagamitin mo. pero yung interpreter ko ay magaling mag-english dahil laking amerika.

Continue reading

TURNING JAPANESE

good morning my love.

pasensya ka na’t di ako makatawag. walang signal ang cell phone ko rito sa japan. di ko alam kung harang lang ang signal dahil sa position ng hotel room ko or wala talagang roaming sa japan. anyway, nandito na ako sa hotel after a long bus ride and a longer plane ride. malamig dito ngayon at sana nandito ka sa tabi ko.

Continue reading

20 minutes before takeoff

lipad akong japan ngayong gabi. my first time to be in the land of the rising sun. i’ll be there for a week which means i won’t be here in singapore with jet for valentines day… di bale, i’ll make it up to here when i get back. kagabi, kumain naman kami sa kenny rogers… advance valentines day date. me-kenny rogers? hehehe… cheap date? treat naman iyon eh – dahil ngayon lang ulit kami nakapunta doon in 2 years.

sige, next time i write again, it’ll be in tokyo.

LAND OF THE RISING SUN

in a week or two, punta ako sa land of the rising sun para magbigay ng seminar sa mga sakang. hehehe… biro lang. kaya etong chinese new year break (last day na ngayon) eh aral ako ng sasabihin ko. one week sa tokyo at osaka. etong first time ko doon at di ko nga alam what to expect. hopefully, everything will come out fine. nagpatahi pa nga ako ng amerikana dahil di naman kami formal dito sa singapore. at saka sino bang luko-luko ang magsusuot ng amerikana dito sa pagka-init na lugar. anyway, looking forward to japan and meeting the japanese – i’ve got my phrasebook ready and i’m all set.

ROAD TRIP PLAYLIST

mga kantang dapat patugtugin sa kotseng papuntang baguio:

baliintawak to tarlac:
1. born to be wild, steppenwolf
2. roll on down the highway, bto
3. highway star, deep purple
4. i feel fine, the beatles
5. rock and roll, led zeppelin
6. ramblin man, allman brothers band
7. the end of the world as we know it, rem
8. not fragile, bto
9. smoke on the water, deep purple
10. you ain’t seen nothin yet, bto
11. bad to the bone, george thorogood
12. the road, jackson browne
13. black mercedes benz, the breed
14. born to run, bruce springsteen
15. hoochie coochie man, eric clapton version
16. break on through, the doors
17. runaway, del shannon
18. jessica, allman brothers band

tarlac to pangasinan:
1. on the road again, willy nelson
2. still the same, bob segar
3. reklamo ng reklamo, jerks
4. probinsyana, anak bayan
5. laguna, sampaguita
6. the thrill is gone, bb king
7. mannish boy, muddy waters
8. layla, eric clapton
9. we got to get out of this place, animals
10. love is stronger than justice, sting
11. the lion sleeps tonight, the four seasons
12. walk on the wild side, lou reed
13. 500 miles, proclaimers
14. gotta serve somebody, bob dylan
15. love street, doors
16. summerfling, kd lang
17. watching the wheels, john lennon

pangasinan to baguio:
1. love needs a heart, jackson browne
2. helplessly hoping, csny
3. birds, neil young
4. damdaming nakabitin, asin
5. circle game, joni mitchell
6. tao, sampaguita
7. ain’t no mountain high enough, marvin gay
8. everybody hurts, rem
9. a day in the life, the beatles
10. kun’ di man, jerks
11. just a song before i go, csn
12. man on the moon, rem
13. after the gold rush, neil young
14. agains the wind, bob seger
15. let it grow, eric clapton
16. what a wonderful world, louis armstrong

PUMUPUGAY SA MGA BAGONG BAYANI

first full day ko sa bahay ngayong araw ng linggo. maraming nangyari nitong mga nakaraang araw simula ng dumating kami last friday sa pilipinas. kwento kong lahat…

contrary to popular belief: suwerte para sa flight namin ang friday the 13th. dumating ang eroplano namin sa NAIA ng mga 8:30 PM na walang kasabay. in short, solo namin ang airport at mabilis ang clearing ng immigrations at customs. masaya kaming sinalubong ng malaking litrato ni GMA na “pumupugay sa mga bagong bayani”. thank you madam president.

mas-masaya kaming sinalubong (may kiss sabay-hug pa nga!) nina kuya bong, darlene at ng anak nilang si lucas. sa may parking lot, nakita ko kung gaano kami ka-suerte. talagang (sabihin mo ito with an ilocano accent) “bumper to bumper” ang mga sasakyan. apparently maraming flight ang dumating pagkatapos namin.

Continue reading

GANESH

i just got back from a 2 week swing that brought me to china and indonesia. back in singapore and trying to rest my tired bones. when i was in indonesia – i jumped from jakarta to surabaya back to jakarta then home to singapore. mahirap talagang maging biyahero. hehehe…

i got a few souvenirs… a bust of a java princess and three masks. additional pieces to a growing number of “artifacts” from my travels. i have a luck wooden frog from thailand that croaks when you drum its scales…bone sculptures from china… and three ganesh statues from india. anesh of course is the cute and beloved hindu god with the head of an elephant. ganesh holding a book is installed in our book case, a ganesh na nakahiga at ang favorite ko – ganesh na sandal wood piece that we have in front of our pc.

Continue reading

SHOPPING SA CHINA

kuya bong! si jet ang nag-shopping ng husto… ubos nga yung dala naming pera eh. hehehe… mahirap pala pag maraming mga asawa ng companya ang nagsama-sama, panay shopping ang gusto. hehehe. ako, nakakulong sa conference room habang namimili at namamasyal ang mga misis.

binili ni jet ay puro pang-regalo pag uwi sa pilipinas. masarap mamili sa china. lahat mura! kaya lang karamihan at peke. hehehe… pero magaling ang mga copya nila, di mo malalaman kung ano ang original. kanina nag-punta kami sa tiangge nila, napabili tuloy ako ng bag at jacket. mahirap palang mamili sa china. pag nagtanong ka ng presyo, di ka nila titigilan hanggang bumili ka. sarap ngang tumawad eh – original price na 450, makukuha mo ng 100. hehehe…

Continue reading

CHINA WITH JET

marami rin kaming napuntahan dito sa beijing. we arrived last sunday morning. diretso agad kami sa forbidden city (kahit bawal – hehehe). iniisip ko kung anong pakiramdam ng isang chinese na tumira nung kasikatan ng kanilang kultura. ang china ay isa sa mga sentro ng civilazatioin dito sa asia at makikita mo ito sa architecture ng kanilang mga historical site.

this is my first time in china and it is really an eye opener. so much is happening here so fast and you can feel the energy in the air. iba ang pulso ng china – parang sasabog sa opportunity. malinis sa beijing, malalaki ang mga kalye at maganda.

oo nga pala – nagpunta rin kami sa great wall nung wednesday. talagang maganda ito. mahirap lang ngang lakarin dahil matarik ang mga paakyat-pababa. yung mga kasama kong intsik dina sumama. siguro sa kanila, parang regular lang na bakod ang great wall of china.

BEIJING

nagpasyal kami kanina sa mga eskinita ng beijing. nakasakay kami sa tricycle na de-padyak. dinalaw namin ang lumang bahay ni chairman mao. very historic ang lugar – ghetto sa beijing, maliliit na kalye, maliliit na bahay, mababait ang mga tao.

maganda rito sa china, lalo na dito sa beijing. ibang klase ang dating. malayo na ang narating nila – from a communist state to a soon to be economic super power. lahat ng mga signs ay nandito na. sigurado ako na di magtatagal ay aabutan na nila ang mga maunlad na bansa sa europa at malamang pati na rin ang usa.

malamig dito ngayon at malapit nang mag-winter. pupunta kami sa great wall sa wednesday. sana may snow… hehehe