PUMUPUGAY SA MGA BAGONG BAYANI

first full day ko sa bahay ngayong araw ng linggo. maraming nangyari nitong mga nakaraang araw simula ng dumating kami last friday sa pilipinas. kwento kong lahat…

contrary to popular belief: suwerte para sa flight namin ang friday the 13th. dumating ang eroplano namin sa NAIA ng mga 8:30 PM na walang kasabay. in short, solo namin ang airport at mabilis ang clearing ng immigrations at customs. masaya kaming sinalubong ng malaking litrato ni GMA na “pumupugay sa mga bagong bayani”. thank you madam president.

mas-masaya kaming sinalubong (may kiss sabay-hug pa nga!) nina kuya bong, darlene at ng anak nilang si lucas. sa may parking lot, nakita ko kung gaano kami ka-suerte. talagang (sabihin mo ito with an ilocano accent) “bumper to bumper” ang mga sasakyan. apparently maraming flight ang dumating pagkatapos namin.

diretso kami sa bahay nina jet sa novaliches dahil birthday ng mommy niya. nakarating kami mag pasado 11:30 na. dito na rin kami natulog dahil ang lekat na driver na maghahatid sa amin sa antipolo ay tulog na. di tuloy natuloy ang plano ko na matulog sa sarili naming bahay sa gabi ng aming pagdating. pero ok lang, ang importante ay nasa pilipinas na kami.

sabado ng umaga, bago umuwi ay dumaan muna kami sa bahay ng mga mommy ko. kita ko ulit ang mga dear relatives – kamustahan all over, siyempre.

sabado ng tanghali, sa wakas: nakarating na rin sa antipolo, nakapasok na rin sa sariling bahay. nakita na rin ang mahal na alagang aso na si datu at ang kasama namin sa bahay na si anna banana. di nagtagal ay kumain na kami ng lunch at ako’y naligo. birthday kasi ng classmate kong si edwin, kailangan mag-attend ako. ang party niya ay sa valenzuela. medyo mahabang maneho pero ok lang… minsan minsan ko lang naman silang nakikita dahil nasa singapore na nga ako.

ibang klase ang batch namin sa notre dame of manila. karamihan sa amin ay magka-klase na simula pa 1971 (nung kami ay kinder). galing ano? kung tutuusin, ang turingan namin ay mahigit pa sa magkapatid (sa haba ba naman ng pagsasama namin). biro mo 1971-73 kinder-prep, 1973-79 grade 1 to 6, 1979-83 first to fourth year high school. tapos marami rin sa aming batch (around 35 people) ay nag-tuloy ng pag-aaral sa mapua.

next year, 20 years na ang batch 83 namin! 20 years after graduating from high school, nagkikita pa rin kami ng at least once a month… kadalasan ay inuman o kaya golf, minsan inuman at golf! hehehe… so last saturday, just in time sa pag-dating ko eh nagkita-kita ulit kami para sa birthday ni edwin. maraming handa, maraming inumin. pero higit sa lahat, maraming dumating na kaibigan, ka-kopyahan, kainuman at lahat lahat na.

halos lahat ng mga anak ng batch namin ay kami ang mga ninong. kaya lagot ako ngayong pasko! hehehe… mayron pa ngang nakakatawang relasyon: si kuya bong ko eh classmate ko since kinder. napangasawa niya ay si darlene na hipag ko dahil kapatid niya si jet na asawa ko. in short, si bong na classmate ko since 1971, ngayon ay bilas ko na. may anak na sila: si lucas. sila ang mga sumundo sa amin sa airport. paano nagkakilala sina bong at darlene? mahabang istorya pero ang buod ay nagsimula at namuo ang pagmamahalan nila nung kami ay mag-outing sa dakak, zamboanga kasama ang isa pa naming classmate na si raymund at ang kanyang asawa na si marlene. hehehe… magulo bang kwento ko.

natapos ang inuman namin ng mga pasado alas-12 ng hating gabi, kaya pagapang kaming nakarating sa antipolo ng ala-1 ng umaga. medyo lasing ng kaunti, natulog kami ni jet, kasama ang alaga naming si datu sa may salas ng bahay. dito na ako inabutan ng umaga, kasama ng masakit na ulo at isang malaking “over-hang” (kung tawagin ni kaibigan kong si brother willy).

PANGHULI: napansin ko nung kami’y nagkita: iba iba nang naging estado namin sa buhay, iba-iba nang napiling mga hanap-buhhay, iba-iba nang tirahan, iba iba nang nangyari sa aming mga buhay. pero ang nag-uugnay pa rin sa amin ay yung pagkakaibigan na nasimula nung aming kamusmusan. ika nga eh – what binds us together is the strong brotherhood nortured since we were six years old. ito ang isa sa aking tanging yaman, bukod sa aking pamilya: ang aking mga kaibigan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.