SA IKAUUNLAD NG BAYAN, BISIKLETA ANG KAILANGAN

on this day, 32 years ago, marcos issued proclamation 1081, declaring martial law over the entire philippines. tuwang tuwa ako the week of the declaration dahil biglang walang pasok sa school. pero short lived lang ito kasi nabalitaan namin na nawalan ng trabaho ang daddy ko. pero maswerte rin kami kahit papano at hanap buhay lang ang nawala sa pamilya namin. maraming kinulong at pinatay nung panahong iyon.

naging compulsary rin na kantahin ang “bagong lipunan” song sa mga school flag ceremonies. tanginang brainwashing technique na iyan… hanggang ngayon, 32 years after, kabisado ko pa rin ang mga lyrics ng kanta ni levi celerio.
Continue reading

ANG MULING PAGBABALIK NG ITLOG SA SINGAPORE

pepper steak and eggs, the perfect breakfast bilang celebration sa muling pagbabalik ng itlog sa singapore, nagluto ako ngayon ng isa sa mga paborito naming almusal ni jet: tantananan! (torotot epeks to announce something important) – “pepper steak and eggs with mushroom gravy“. bihira ko lang itong lutuin dahil medyo mabigat sa tiyan but when i do, i really enjoy it. nakabili na kami ng itlog last friday, sa wakas (akala ko kasi “sa wakas ng panahon“). rationed pa rin to two trays per customer pero at least mayron na. ang mga itlog ay galing pa sa new zealand. yup, you can say that they are “kiwi na, chicken eggs pa”. at oo virginia, pag kinamot mo – magiging itlog na maalat siya. CLICK on d’piktyur para gutumin kayo, or, you can also CLICK HERE para marinig ninyo ang aking pagbabalita tungkol sa pagbabalik ng itlog sa singapore. i swear (i got more hair), matatawa kayo.

CENSORSHIP AND THE XBOX

isa sa mga kinhihiligan ko lately ay ang pagjakol paglaro ng XBOX. pinalagpas ko ang gameboy at playstations 1 and 2. but i finally succumed to the temptation dahil na-impress ako ng husto nang nakita kong naglalaro sina jet at leah a month ago. ibang klase na talaga ang mga games ngayon. ang layo na ng narating ng gaming console from my days playing “pacman” using our old beloved atari 2600 nung way back 19-something kopong kopong (tangina ang tanda ko na). even prior to that – na addict din ako sa mga lumang arcade games tulad ng “pong”, “space invaders” at “night driver”. dinadayo pa namin nung araw ang fiesta carnival sa cubao o kaya ay harrison plaza para lang makalaro. tapos nga pala – there was nintendo’s “game and watch”. hehe. paborito ko yung “parachute” at “octopus”. teka nga, nasesenti na naman ako. di na siguro alam ng mga nagbabasa nito kung anong mga pinagsasabi ko. hehe. anyway. back to the xbox…
Continue reading

SIR, ANONG GUSTO NYO SA ITLOG NYO? NILAGA? PRINITO? O MAY PULBOS?

alleluiah, dear braderensister. ayon sa aking computation (based on the facts, which cannot be denied). by the power of grayskull, today is my 100th day na hindi nanigarillo. patawarin nyo na ang pagyayabang ko. i have been a smoker for more than 20 years and pakingsheet i am so proud of da pak na nakahinto ako. through sheer guts and determination (not to mention da help of a beriberi labli en byutipul wife), i have stopped. kaya isuot na natin ang ating mga maingay na amerikana at iwagayway na po natin ang ating mga puting bimpo, braderensister, at sabay sabay nating isigaw – SEKSI!

Continue reading

I AM HE AS YOU ARE HE AS YOU ARE ME AND WE ARE ALL TOGETHER

SINGAPORE – gusto ko lang ibalita na hanggang ngayon, bwakanginangyan, wala pa rin mabiling itlog dito sa singapore. bwisit kasing bird flu sa malaysia. nahinto tuloy lahat ng importation ng poultry related products parito. naiinis na ako. malapit na akong magpa rape sa tandang para ako na lang ang mangitlog.

ANG BALITA AY HATID SA INYO NG BIRCH TREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA! di-dit-dit-dit-dit-di-dit (morse code na sound epeks gamit sa pagbalita)

NOT GONNA LET ‘EM CATCH THE MIDNIGHT RIDER

the aisle seat boys and girls of singapore isang bad habit ng ibang singaporeans sa bus ay ang hilig nilang umupo sa aisle seats. kahit siksikan na at marami nang nakatayo, di sila uurong sa window seat. iiwan lang nila itong bakante with a “dedma to the world” attitude. pag nagpilit ka namang umupo, iiwas lang sila na may kasamang masamang tingin pero papaupuin ka rin eventually sa tabi ng bintana. siyempre lulukso ka pa at malaking hassle. kaya, karamihan ng mga pasehero ay tatayo na lang imbis na makipagsiksikan sa pag upo. kanina ay puno ang bus pero may isang row na may bakanteng window seat. nagpilit akong umupo roon pero di umurong ang pasahero. eventually, pinagbigyan naman akong maupo sa window seat, kaya lang nag give way lang siya na may kasamang major na pagtataray. nagmadali tuloy akong umupo, kaya yon: tinamaan ng backpack ko yung ulo niya. naroon pa naman ang lunch box kong matigas. nag sorry naman ako pero parang gusto kong ulitin. hehe.

AS DECEITFUL AS A DAMAGED CONDOM

people watching is a great thing to do pag commuter ka ng train na tulad namin. kailangan aliwin mo kasi ang sarili mo sa mahabang byahe. minsan, hindi sapat ang iPOD, book or newspaper. ang ginagawa ko nga lately ay tumingin sa mga kasama ko sa train and then make up stories about them to pass away the time. por eksampol: yung ale na mahaba ang baba, siguro magaling mag tiklop ng kumot. yung mama na may laugh lines malamang ay bungisngis. yung matabang ale, siguro only child na lumaki sa lola niya kaya spoiled at iniwan sa kusina. yung matangkad na babae, siguro walang boypren kasi ayaw ng mga singaporean na lalaki ang mas matangkad ang mga girlfriend nila. sayang, baka tumanda siyang dalaga at tuluyan nang magsara ang kanyang pekpek. hehe. ay sorry, ang bastos ko talaga. bigla ko tuloy naalala yung paboritong story ng boss ko tungkol sa contraception sa singapore…

Continue reading

Words like, “when you’re older”, must appease him… And promises of someday make his dreams

kumain kami ni jet sa labas para sa dinner kagabi (siyempre, alangan namang lunch. gago!). aba sumasagot ng pa-pilosopo ang kunsensya ko (gago ka kasi eh!). o, ayan na naman. hehehe. ang sarap nga ng kain namin pero medyo bitin ako. doon kami nagpunta sa turo-turo (hawker centre ang tawag dito) malapit sa amin. umorder ako ng dalawang minced meat noodles at fried vegetable dumplings, total cost? around $10 (mga 320 pesoses). di na rin masama. actually mura na ito considering ang 1 mcdo value meal ay uma-average ng around $6 per order. bumili rin kami ng 2 kilong mangosteen (my peborit pruwet). by the way, kumakain ba kayo ng “dyo-wee-see pru-wet“? bawal yan sa singapore. naubos ko ang mangosteen habang pinapanood ko ang coronation ni prime minister lee hsien loong. tinirahan ko naman si jet ng 1 piraso. ang sarap kasi eh.

Continue reading

IT MAY BE THE DEVIL OR IT MAY BE THE LORD BUT YOU’RE GONNA HAVE TO SERVE SOMEBODY

mayroong koreanong temporarily na umupo malapit sa cubicle ko. kahapon pa ito namumuro sa akin eh. non stop kasi ang pakikipag-usap niya sa telepono tapos ang lakas lakas ng boses. di tuloy ako makapagtrabaho. bwakanginangyan, umiinit tuloy ang ulo ko. puntahan ko na kaya at sigawan ng “HEY KIMCHI BOY, WHAT ARE YOU TRYING TO EXIT?” (in madertang: “hoy gago, ano bang gusto mong palabasin?”). distracted tuloy ako… asan na ba ako. ah, pag-uusapan ko sana ang transition ng power sa singapore. ngayon ang first day as prime minister ni lee hsien loong, ang panganay ni lee kwan yew.

Continue reading

PLEASE ALLOW ME TO INTRODUCE MYSELF: I’M A MAN OF WEALTH AND TASTE

TOM CRUISE AND JAMIE FOXX, COLLATERAL AUGUST 9, 2004: importante ang araw na ito para sa lahat ng mga singaporeans. ngayon kasi ang opening night ng singapore idol! bwahaha. AKSHULI, ang tutuong dahilan kung bakit importante eh dahil ngayon din kasi ang national day ng singapore. wala kasi silang history ng pag aaklas from a foreign power kaya “national day” at hindi “independence day” tulad ng sa atin. matanda lang pala ang singapore sa akin ng mahigit apat na buwan. 39 years na siya today. magaling talaga ang mga pinanganak ng 1965 (year op da snik): tulad ko, mga over achieving prick. well, more like laid back over achieving prick. meron bang ganoon?

Continue reading