EMPLOYMENT PASS RENEWAL

just found out that my employment pass has been renewed by the singapore government. mayron ulit akong permission to work for 3 more years. siyempre, si jet, may dependent’s pass din na 3 years. mukhang nagustuhan nila ang beauty namin at hinabaan ng husto ang aming stay dito.

medyo good news na rin in a way dahil headline ngayon sa isang dyaryo dito sa singapore: “Foreigners took most of the new jobs in recent years”. in the article, parang sinasabi nila na perhaps its time for the government to rethink its position regarding the hiring of foreigners (i.e. send them home, or mas malupit, don’t hire them anymore)

sa mga usap usapan din, maraming akong naririnig na mga reklamo na kinukuha raw ng mga foreigners ang mga trabaho ng mga locals and this study proves that it is indeed happening. pag kausap ko ang mga intsik na kakilala ko, sinasabi nila “ADB raw dito sa singapore ngayon… Ang Daming Bumbay!”

maghihigpit kaya ang gobyerno sa pagpasok ng mga foreign talent? kung na-approve na nila ang employment pass ko eh siguro ang sagot ay hindi. hindi pa.

BACK TO THE DAILY GRIND

nandidito na ulit ako sa singapore. balik daily grind. home to office. ride bus, ride train, walk to office. work, coffee break, work, lunch, work, coffee break, work, uwi. walk to train station, ride train, ride bus. office to home.

the first day at work after a trip is always hard. tinatamad akong magtrabaho at madali akong mapikon. gusto ko nang umuwi at mag shower, manood ng news, watch a movie, have dinner at makipagkulitan kay jet.

naiinip ako at kung ano-anong pumapasok sa isip ko: tick tock tick tock… alas singko na ba? ah matagal pa. tick tock tick tock… ayoko talaga ng office work, a desk job for me is like a death sentence. tick tock tick tock… mag resign na kaya ako? tick tock tick tock… ano kayang ginagawa ni jet ngayon? tick tock tick tock… teka muna, pag nag-resign ka ba, saan ka pupunta? tick tock tick tock… kamusta na kaya ang garden ko? tick tock tick tock… sa CHINA ka na lang magtrabaho, di ba may job offer ka doon? tick tock tick tock… bakit ba kanina pa kinakati ang siko ko? tick tock tick tock… may field work ka rin naman dito hindi ba? tick tock tick tock…putangina, gusto kong magbakasyon. pagod nako.

KRRRRRRRRRRRRING!!!! Coffee Break! Makayosi nga muna.

FISHERMAN’S VILLAGE

kagabi, pumunta kami ni jet sa fisherman’s village sa pasir ris park. kasama namin si antonia at sharon, at yung aming bagong kaibigan na sina leah at eder. si leah ay isang pinay na singaporean citizen at asawa niya si eder. masarap silang kasama, cool na cool lang ang dating nila. si antonia naman ay dati kong officemate at kayosi. kahit singaporean chinese, eh napakatakaw niya sa adobo ni jet. hehehe… minsan kinulang nga ang kanin namin sa bahay dahil sa kanya eh. si sharon naman ay dj sa isa sa mga radio stations dito sa singapore.

nakilala namin si leah dahil nag-comment siya minsan sa isa kong kwento. simula nuon ay nagkausap na rin sila ni jet and the rest, as they say, is herstory. believe it or don’t, in 2 years dito sa singapore, sila pa lang ang pinoy na nakasama namin na lumabas. ewan ko ba, mahiyain kasi kami eh (lalo na pag walang suot na damit. hehehe). masarap talagang makipagkulitan sa mga kapwa pinoy, yung sense of humor kasi natin eh minsan di nasasakyan ng mga tagarito.

mayrong bandang pinoy na tumutugtog sa beach kagabi. pagkaupo namin ay nagsimula ang set nila. laking tuwa ko dahil una nilang kanta eh cover version ng “honky tonk woman” ng stones. “rock and roll!!!”, ang bulong ko, “this is going to be a great evening”. and it was.

ANG BAGONG JAGUAR SA OPIS

mayron bagong securty guard sa opis namin. long hair, may malaking tinted na reading glasses. either malay siya or bumbay, or maybe a mix of both. kamukha niya si Roy Orbison. bihisan ko lang siya ng itim na amerikana, pwede nang pakantahin ng “only the lonely”, “crying” at “pretty woman”.

idol ko si roy orbison. paborito din siya ng halos lahat ng mga paborito kong rockers, in particular, the beatles, who toured with roy orbison in the 60’s. kung titingnan mo yung mga early mtv ng beatles, yung shades ni john lennon ay pareho ng kay orbison. sa isang interview, paul was talking about how roy started composing “pretty woman” at the back of a bus while he was touring in england with the beatles. “please, please me” was inspired by roy and later on when they were touring, their song writing really became competitive. the stones also loved orbison and “pretty woman” inspired them to write “i can’t get no satisfaction”.

IN SEARCH OF THE LOST CHORD

maganda ang panahon ngayong araw na ito sa singapore. maulap at malakas ang hangin na may konting ambon. parang panahon sa tagaytay. gusto ko nang umuwi kanina para makatulog ng kaunti.

ginawa ko na lang, in honor of this great windy day, ay pinatugtog ang “your wildest dreams” ng moody blues sa pc ko. wala lang – ito kasi yung laman ng cd sa kotse nung nag bakasyon kami ni jet a long time ago at paulit-ulit naming pinapatugtog habang paakyat-pababa sa bundok ng tagaytay .

i remember the first time i heard the moody blues. i was 11 years old and this was sometime in the late 70’s. nasa bahay ako ng mga auntie ko sa pasay at pinasahan ako ni dante ng “in search of the lost chord”. nakalimutan ko na yung mga cuts dito, pero what i remember is the great artwork of the LP and the admonition of my tiyong amon nung marinig nya yung mga kanta – “tangnang aga-aga, kung ano anong katarantaduhan ang pinapatugtog nyo!“. hehehe. rock and roll!

happy birthday to my brother dante. birthday nya kahapon.

FISH EYES AND DRUNKEN PRAWNS

post conference lunch namin kanina. nagpakain ang opisina in celebration for the success of the conference yesterday. pumunta kami sa isang halal indonesian-thai restaurant at isa sa mga inorder namin ay curry fish head. pag lapag sa mesa, yung kasama naming tatlong babae eh nag-uunahan doon sa mata ng isda. hehehe… kakatawa tayong mga asians, walang kiyeme sa pagkain ng mga exotic animal parts.

pero teka, kagabi, si tom at si ceci (na mga amerikano) eh kumain din ng “drunken prawns”…ito yung buhay na hipong nilasing sa whiskey at kakainin mong gumagalaw-galaw pa.

POST CONFERENCE DINNER

tapos na yung user conference namin dito sa singapore at iniwan na namin kanina sina ceci at tom sa kanilang hotel. pero nag dinner kami at sinama ko si jet para naman makaharap niya ang mga bagong kaibigan ko. bukas lilipad na sila pabalik sa america.

nakakalungkot din. magkakasama kami ng 2 linggo at wala lang… ngayon lang ako talaga nag enjoy sa trabaho ko. it brings back memories of the days when i was working with a group of people whom i respected and whose company i loved. ceci, tom, gk and norman: they are that kind of people. they work their butts off when its time to work but they find humor in every situation. yeah, kinda like me. hehehe. i look forward to the day when we can work together again.

be safe guys, till next time.

WEDNESDAY MORNING BLUES

miyerkoles ng umaga… nandito na ulit ako sa singapore sa piling ng saging ni jet.

hirap talagang mag hanap buhay. kahapon lang eh nasa perth kami at nag bibigay ng isang conference. byahe ng overnight para sa preparations mamaya. bukas naman ay ang singapore version. ang maganda lang sa akin ay madali akong makatulog. kaya kanina, di pa nag take-off ang eroplano eh tulog na ako. pag gising ko eh preparation na for landing sa singapore. binibilang ko yung oras na gising ako sa eroplano… 20 minutes out of the alomost 6 hours na flight. di na masama ito. hehehe.

tumiwalag na ang isa sa grupo namin – si norman ay kasalukuyang nasa eroplano ngayon pabalik ng sydney. iniwan na namin ni gk sina ceci at tom sa hotel nila at magkikita mamayang lunch time. pahinga muna ng 2 oras, tapos trabaho na ulit. in the meantime, quality time muna dito sa bahay with mylab.

PAANO MO PAPARAHIN ANG SASAKYAN KUNG WALA ITONG DRIVER?

grand opening ngayon dito sa singapore ng NEL (north-east line). ito yung underground train system na ginawa nila na umiikot palibot sa north-east part (where else?) ng siyudad… $5 billion cost, 16 stations over 20 kilometers. what’s cool about this new MRT system is that it is the first fully automated underground heavy rail system in the world.

anong ibig sabihin nito? uh, walang driver yung train. hehehe… being an automation engineer myself, interesado ako kung papaano ito tatakbo ngayong commercial operation na siya. i’m sure marami pa itong bugs at yung fact na walang driver ang train makes it more exciting. narinig nyo na ba yung kanta ng soul asylum?

I DON’T FRIEND YOU!

narinig ko na naman yung “i don’t friend you” sa mga taga-rito. ngyehehe… ito ang shinglish nang “di na tayo bate”. pag naririnig ko itong popular singaporean expression, ibig sabahin eh malayo na ako sa bayan ng mga pinoy.

“i don’t friend you”, “i don’t friend you”. bwakanginangyan.