nung nagsimula akong mag college nung 1983, buhay pa si ninoy aquino at rolando galman. ang tuition ko ng isang sem ay 975 pesos. galante ang mapua nung araw at walang increase sa tuition fee from first year hanggang sa mag graduate ka. magkano ang ginastos ko para sa limang taong pag-aaral? teka at ma compute nga: 975 rounded off to 1,000 pesos taymis 2 sems per year equals 2,000 pesos taymis 5 years of engineering equals 10,000 pesos. sige, sabihin na nating additional 500 para sa summer classes every year, that’s still… teka at ma compute nga: 500 taymis 5 equals 2,500 plus 10,000 equals 12,500 pesoses. still cheap para sa isang engineering degree.
Category Archives: SCHOOL
Be an opener of doors for such as come after thee
nung umuwi kami ni jet sa pilipinas last december, nagkaroon ako ng opportunity para makita ulit ang dalawang tao na malaki ang influence sa buhay ko. mahigit 20 years ko na silang hindi nakikita. meet the husband and wife team of mr. and mrs. chaves, my high school principal/assistant director and kindergarten teacher, respectively. nagtataka nga ako kung bakit parang hindi sila tumanda. una ko silang nakilala, 5 years old ako at uhugin pa. 35 years later, kami ang tumanda samantalang hindi sila nag bago. in fact, nagmukha pa silang mas bata sa amin. may magic yata talaga ang pagtuturo. si mr. chaves nga, nung high school kami, wala nang buhok – aba ngayon, mas mahaba pa ang buhok sa akin. hehehe. joke lang sir. baka ibilad mo na naman ako sa araw.
TALES FROM BEHIND THE WALL, PART 1
si mr. bonus ang isa sa mga instructor ko sa mapua (na ginawang malayan colleges na binalik agad sa mapua dahil maraming nagreklamo) nung early 1980s – isang renaissance man sa mata ko. mayroon siyang double degree sa mechanical at civil engineering, physical education teacher, instructor ng algebra at trigonometry, swimming coach at official din ng philippine swimming team at parating nasa olympic games. bukod pa sa lahat ng ito, twisted din ang sense of humor niya and he never takes himself seriously. my kind of guy.
Continue reading
WHAT WOULD YOU THINK IF I SANG OUT OF TUNE
Remember in elementary school?
dito lang ata sa pilipinas pwedeng magbasa ng dyaryo habang nagmamaneho. ngyehehe. old bad habit ko ito nung dito pa kami nakatira. dahil sa packingsheet na traffic sa ortigas extension pag papasok ako from antipolo to work, i could actually finish reading entire articles bago gumalaw ang mga sasakyan. kanya kanyang pang aliw lang yan pag may traffic. alanangan naman na mag jakol ako. mas nakakahiya yon. ayoko naman mangulangot, kasi marami nang gumagawa niyan dito, lalo na ang mga driver ng mga truck. di ko alam kung bakit. siguro dahil salo nila lahat ng alikabok sa kalye at parating marumi ang mga ilong nila. but i digress… so, ayan nga dahil sa bad habit kong pagbabasa ng dyaryo habang nagmamaneho eh mainit ang ulo ko nang bumaba kanina dahil puro bad news sa pilipinas. puro calls for the president to step down. pati nga mga schools, involved na rin. ang sabi ng de la salle university – “gloria resign”. ang sabi ng up law school – “gloria resign”. ang sabi ng ateneo law school – “gloria should not resign. ang sabi ng ust law school – “gloria should resign but not so soon”. ang sabi ng malayan colleges – “papalitan na namin ang pangalan ng mapua institute of technology”. ngek.
ang sabi naman ng spokesman ng low school of saint andrew fields (mababang paaralan ng san andres bukid). oo siya yung nasa picture. ang sabi niya eh – “bwakanginanamanyan. mga ulul, pati ba naman kayo sumasali pa sa circus. don’t get into the current political shit and just be schools”.
Inside every older person is a younger person wondering what the hell happened
dumating ang kaibigan ko na si bong pogi rito sa singapore last monday at nilabas namin siya ni jet kagabi. bihira kasing dumalaw ang mga malapit na barkada kaya sabik din akong maipasyal namin siya. matagal ko nang kaibigan si bong pogi. we went to high school and college together. isang grupo kami sa malayan colleges mafwa na mga notre dame alumni (about 30 or so all in all), kaya parang itinuloy lang namin ang high school sa ibang skwelahan. sa tambayan ng mapua, kami pa rin ang magkakasama. we were really tight. mayron pa ngang time na we almost shared the same girlfriend. hehe. magkakasama kasi kami sa isang inuman sa makati after school: si bong pogi, gelpren niya, ako, si pareng vikoy at si momon. nang magpunta sa toilet si bong pogi, biglang lumapit ang gelpren niya, nag byutipul eyes at tinanong ang telepono ko. sabi ko, “sweetheart, hindi tayo talo. umihi lang ang boypren mo, kung ano ano nang ginagawa mo”. lumayo bigla at umuwi na kami after a while. a few weeks later, nabalitaan ko na lang na lumipat na kay pareng vikoy ang gelpren ni bong pogi. tawa ng tawa tuloy si momon. gusto daw atang tuhugin kaming lahat. THE END. actually, marami pa kaming pinag usapan – katulad ng pagtulo ng laway niya na parang gripo habang natutulog sa economics class namin nung 3rd year high school. kung paano naman nabagok ang ulo ko nang tumama ito sa lamesa dahil bigla akong nakatulog sa sobrang kalasingan. pinagusapan din namin yung time na malakas ang nakawan sa school during our senior year kaya tuloy naplilitang magbigay ang aming english teacher na si miss hojilla ng word power excercise kung saan itinuro niya sa amin ang 20 definitions ng pagnanakaw. dito namin natutunan ang mga salitang “purloin“, “filch“, “snatch“, “pilfer“, “shoplift“, “poach” at “pick” na siyang ginagamit pa rin namin hanggang ngayon pag pinag uusapan namin ang tungkol sa nakawan. e.g. “Uy, may na purloin palang bangko sa kalookan last week”. masaya talagang kasama ang mga matagal mo nang kaibigan. sa circle ko – mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila. salamat sa dalaw bong pogi, here’s to 35 years of friendship. hanggang sa muli.
ALMA MATER THE SONG OF THE BUILDER
madugo ang friday ko. gising ng 6 am at diretso sa airport after spending a night drinking with former buddies in cebu until 3 am. ok naman ang flight from cebu to manila. kasabay pa namin sa airport ang alaska basketball team – kita ko na naman si jojo lastimosa. hehehe. ay oo nga pala, may minor delay na naman. mayron daw on-board navigational intrumentation na ayaw gumana. isip-isip ko nga kung magloko kaya ang navigation intruments ng eroplano, maliligaw kaya ang pilot? hemingway, i still had a meeting in manila na naka schedule ng friday evening. so, to waste time nagpunta ako sa malayan colleges dati kong alma mater para kumuha ng transcript of records. nakakatawa nga ang exchange namin ng pleasantries sa mga taga roon sa school.
And we have just one world, But we live in different ones
di pa na declare ang martial law, magkakasama na kami. a brotherhood that started in 1971, when we were in kindergarten – pakingsheet, we have been friends for 34 years. ang tagal na pala. from left to right: levi, tony, batjay, xoxo and raymund. nagkita kita kami one cold winer night in LA. kanina ko lang natanggap ang mga kodak at natuwa ako nang makita ito. si levi ang enforcer namin nung high school. very tight kasi ang batch namin at pag may umaaway sa amin na higher or lower years, siya ang umaareglo – kadalasan nagugulpi ang mga kinakausap niya. si tony naman, umalis nung 3rd year high school kami and i haven’t seen him since 1982. mayron na siyang pamilya ngayon sa LA, di pa rin nagbago ang katawan at ugali. si XOXO naman ang aming muse. gay to the bone at virgin pa raw sa kaliwang butas ng tenga. another one of my kindergarten classmates – we haven’t seen each other since our high school graduation. masarap yakapin dahil machong bakla at ang bango-bango. hehe. si raymund – one of my closest friends at brother in arms sa EDSA. we were together in malacanang the night marcos left. hetong isang magandang kwento tungkol kay raymund bilang pangwakas ko sa tribute na ito.
A BEAUTIFUL MIND
nung nag-aaral pa ako sa college, mayroon kaming isang instructor na talagang borderline baliw. napaka eccentric niya pero beloved in a twisted kind of way ng buong school. he was a legend even then. ang pangalan niya ay si mr. sison. kahit na sinong graduate ng mapua during my time ay dumaan sa kanya, one way or another. binigyan ko nga siya ng tribute sa isa kong entry dahil talagang ang galing niya. basahin ninyo DITO.
sino ba naman ang hindi matutuwa sa isang teacher na naglalakad sa corridor ng school na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse. na bumababa sa hagdan ng paatras dahil baka raw may tumulak sa kanya. na nagtatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher. pag-tagal siyempre, aalis na yung mga studyante. bigla syang lalabas from under the table at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”. what a character. credit din to my school who ignored his eccentric behaviour and embraced his genius mind with open arms.
NOTRE DAME OUR MOTHER. TENDER, STRONG AND TRUE…
kahapon ang homecoming ng high school ko sa pilipinas. di ako naka-attend kaya eto akong naiinggit sa malayong lugar. sana nag-enjoy ang mga barkada ko. marami raw beer sa school na inihanda para sa kanila. nag start sila ng 4:00 pm. knowing them, malamang nagsimula silang uminon sa school at makipag chikahan sa mga teacher naming nandoon pa. pagtapos tinuloy nila ang inuman, either kina nes or mas malamang ay pumunta sa QC para mag karaoke. kung nasa pilipinas lang sana ako…
IT WAS TWENTY YEARS AGO TODAY. twenty years. ganyan na katagal since i stepped out of high school. pumasok ako rito ng five years old at lumabas at seventeen. i am what i am (ano sa tagalog ito? “ako ano ako”. hehehe. i digress) dahil sa school ko. lahat ng mabuti at masama sa akin, natutunan ko sa loob: disiplina, pag-inom, friendship, paninigarilyo, charity, pagmumura, love of books (hindi love of boobs, pero pwede na rin), pagiging alaskador at sutil. balikan natin ang nakaraan…
ang mga section namin sa elementary ay galing sa pangalan ng mga santo. tanong: mayron bang section na San Judas? hehehe. wala siyempre. pero mas maganda kung mayron ano? anyway, eto ang litanya:
KINDER AND PREP, ST JOHN BOSCO, ADVISER: MRS. CHAVES. si mrs. amelia chaves ang aking kindergarten teacher. the first among the many teachers i love and respect. mabait siya at parang nanay ko sa school. naging malapit din siya sa mga parents namin. so close that our parents petitioned the school na siya pa rin ang maging teacher namin sa next school year. na approve ito kaya naging nanay namin siya sa school for the first two years. huli kaming nagkita nung bago kaming ikasal ni jet sa huwes. ipinakilala ko si jet sa kanya at nag request kung pwede ko siyang kuning ninang pag kinasal kami sa simbahan. open pa rin itong invitation na ito sa kanya. perhaps one day. she left the school after a while at nagtatrabaho sa munisipyo ng kalookan to this day.
GRADE 1, SECTION: ST. STEPHEN, ADVISER: MISS SIMON. i have no great recollection of her except mahilig siyang magbenta ng mga mattel na laruan sa mga estudyante. hehehe. hindi pa bawal nung-araw paghaluin ang negosyo at pagtuturo eh.
GRADE 2, SECTION: ST. ISIDORE. ADVISER: MR. CAPISTRANO. great teacher. never looked down on our youth and treated us like we were his age. siya ang nagturo sa amin ng basketball kaya mahal na mahal namin siya. hehe. nanalo ako ng 1st place sa declamation contest and my mom and dad pinned my medal during our recognition day. they were so proud. naka discover sa talent ko ay si miss patao. hehehe. i swear to god. teacher namin siya sa pilipino and we didn’t start out great dahil pinalabas niya ako sa clase early in the school year. tinanong niya kasi kung anong gulay ang nagsisimula sa letter “P”. bigla akong sumigaw nang “Ma’am PATAO!”. kaya iyon, sinigawan din niya ako nang “GET OUT!”
GRADE 3, SECTION: ST. INNOCENT. ADVISER: MS. REDONDO. one of my beloved teachers. siya rin ang teacher namin sa english sa grade 3 at 6. more than anybody else, siya ang nagturo sa akin ng pag-enjoy sa pagbasa. jet and i have this huge collection of books in our library sa bahay sa antipolo. perhaps, i will call this the “MISS REDONDO ROOM”, she probably would like it. sa 3rd grade rin namin naging teacher si mrs. sarmiento. taon taon na lang, either buntis o manganganak. hehehe… parating naghahanap ng manggang hilaw, o kaya, nagpapautos bumili ng banana-que pag naglilihi.
GRADE 4, SECTION: ST. AUGUSTINE. ADVISER: MRS. CAPISTRANO. asawa siya ng advisor namin ng 2nd grade. i remember her with great fondness. she was very pretty and very funny. one time, during the school mass, sa gitna ng sermon ay tinawag niya ako. pag lapit ko eh inapakan ang sapatos ko at sabay bulong sa akin: “pabinyag ha, bago pala ang sapatos mo!”. hehehe. huli kaming nagkita nung EDSA II – bigla ko na lang napansin na katabi ko siya malapit sa EDSA shrine at pareho kaming sumisagaw nang “ERAP RESIGN!”. teacher ko rin sa social studies si mrs. mandreza. she made me study hard because i loved her class. she was a great teacher. i remember this was the time when the first geothermal power plant was being started up in leyte and we spent a lot of time discussing the many great benefits of this new technology. little did i know that i would be part of the team that would rehabilitate this same plant twenty years after.
GRADE 5, ST JEROME, ADVISER: MRS. DE GUZMAN. negosyante si mrs. de guzman. bigla na lang siyang sumulpot sa school at naging adviser namin. marami kaming naging project sa school at siya ang bumibili ng mga raw materials. di namin alam eh kumikita pala siya sa perang binibigay naming pambili. isang taon lang siya sa school namin at balita ko eh pinaalis siya dahil sa kasong ito.
GRADE 6, ST PAUL. ADVISER: MR. DUMLAO. kabayo ang tawag namin kay mr. dumlao. kasi mukha siyang kabayo? hehehe. sa grade six ata namin na discover ang magagandang properties ng gin bulag. hehehe. nag get together kami nina nes sa bahay namin, bumili kami ng gin at hinalo sa buko juice na pinitas sa puno namin. sarap! and the rest, as they say, is history. nagsimula rito ang pag-inom, hanggang ngayon, nagkikita pa rin kami para uminom.
during the summer vacation between grade six and first year high school, nag decide ang parents ko na lumipat sa isabela. doon ako nag aral ng first year kasama ang pamangkin kong si den den. i missed my friends and every time na may break umuuwi kami sa maynila para makipagkita sa kanila.
EVERYTHING I LEARNED, I LEARNED IN HIGH SCHOOL
lahat ng dapat matutunan ko eh natutunan ko sa high school. para sa akin, it was the garden of good and evil. it was where i learned all i needed to learn in life. college was a bore, really.
2ND YEAR, SECTION: MABINI, ADVISER: MS. DANAO. ang tawag namin kay ms. danao ay kalansing kasi pag nagsasalita siya ay parang may kumikiskis sa loob ng kanyang bibig. naging instructor din namin sa consumer’s math si ms. dio. much misunderstood siya pero she was also a good teacher. ang kanyang most famous line: “common sense will tell you na maganda ako…” asintado si ms. dio at marami na siyang nabato ng eraser at hinataw ng class record sa mukha. naging instructor rin namin si ms. bendero sa biology, isa ring magaling na instructor. dalaga pa rin to this very day. assignment ko sa kanya ay tungkol sa “digestive system” na hanggang ngayon kaya ko pa ring i-explain. instructor namin sa literature si ms. olifernes. ang tawag sa kanya ay “zombie”. hindi siya nagtagal sa school namin. siguro dahil na rin sa malupit na pang-aalaska ng mga estudyante. ang second year namin was a year of a lot of experimentation with “sex, drugs and rock and roll”. uso pa nung araw yung “diamond inn” at “coronet” sa sta. cruz. pabortong casa ng batch namin. malakas din ang bentahan ng damo sa loob ng school at maraming nahilig dito. suwerte rin ako at karamihan ng mga kabarkada ko sa high school ay mahilig sa musikang gusto ko. patay ka sa alaska sa amin kung mahilig ka sa disco.
THIRD YEAR, SECTION: HOPE, ADVISER: MR. TUMAMBING. si mr. tumambing din ang teacher namin sa chemistry. magaling din siyang magturo at araw-araw ang recitation sa kanya kaya dapat gabi-gabi kang mag-aaral. teacher namin sa pilipino si ms. javier. idol ng lahat dahil maganda at malaki ang boobs. magaling din siyang magturo at dahil sa kanya, hanggang ngayon mahilig pa rin ako sa mga bagay-bagay na tungkol kay jose rizal. dito ko rin unang nakilala si ms. apalin. ang taray niya. siya ang organizer ng musical extravaganza ng school at kasali lahat ng mga section sa choir contest. ang pangalang ng choir namin na puro sintunado ay “nHope”. hehehe. talo kami.
FOURTH YEAR, SECTION: MATAPAT, ADVISER: MR. HOJILLA. si ms. hojilla rin ang nagpa appreciate sa akin ng pag basa ng mga libro. sa dami ba naman ng mga required reading namin sa klase niya eh kung di ka ba naman mahilig. well, you would either love or hate books at the end of the school year. there was no middle ground. sa pilipino ay instructor namin si ms. fajatin one of the best teachers i’ve had, ever. she was a liberal nationalist and gave us a lot of room for discussing issues freely. halos buong taon naming discussion ang “fili’ ni rizal at lahat ng mga issues associated dito… from the love life of ka pepe, to bakit “pabor tabo” ang pangalan ng barko sa unang chapter ng “fili” to his “supposed” retraction. nag retract ba si rizal? sabi ni ms. fajatin ay hindi. i believe her. yung mataray na si ms. apalin nung 3rd year, kabarkada na namin sa 4th year. siya rin ang in charge sa pagkanta sa misa at kinuha niya kami ni raymund at ni allan sy na mag gitara sa mga school mass. one time during the mass, gusto kong kunin yung wireless mike, kaya sabi ko sa kanya: “miss apalin, can you please pass me the vibrator”. muntik na niyang malulon yung mike sa kakatawa. a few years ago, nabalitaan ko na namatay siya. di ko alam kung tutuo but wherever she is, i wish her well. teacher naman namin sa christian morality (yes there was such a subject) si mr. chaves, ang aming high school principal. also known as “Tibo”. asawa siya ni mrs. chaves, ang aking kinder teacher. i guess, it was fitting to start and end my school life with a husband and wife teaching team.
all throughout these years, maraming mga characters din ang parang “anghel dela guwardya” namin. eto sila…
MR. REMIGIO DE LUNA, PREFECT OF DISCIPLINE.. public enemy number 1 ng mga estudyante dahil siya ang in charge ng disiplina sa loob ng school. dapat isa lang ang butones sa polo mo ang un bottoned dahil may nakahanda siyang stapler at iistaplerin niya ang polo mo ng wala sa oras. hihilahin ka niya sa pila sa canteen pag naninigit ka. actually, isang pito lang niya eh biglang nagkakaroon ng pila sa canteen. papatayuin ka niya sa harap ng pinto ng faculty room pag may atraso ka. nung fourth year na kami ay naging adviser namin siya sa student council at napalapit din siya sa amin (call me “Remsky”). siya ang dahilang kung bakit hanggang ngayon ay halos sarado ang mga butones ng mga suot kong polo.
MR. SINGSON. ASSISTANT PRINCIPAL. ALSO KNOWN AS “ULO”. si mr. singson ang in charge sa attendance ng buong high school. pag late ka o kaya absent, kailangan mag report ka muna sa office niya. pag absent ka, kailangan ay may excuse letter ka sa magulang mo kung bakit ka absent. minsan ay nasa opisina niya ako, may isang estundante na nag absent for four days. ang dahilan ay LBM. nagsisigaw si ulo: “Ano? Ang ibig mong sabihin sa akin eh APAT NA ARAW kang NAGTAE? Eh di sana patay ka na ngayon! Stand at the corner!”. ang tindi.
MS. YAP, GUIDANCE COUNSELOR . much loved by our batch. she made sure na 100% ang passing rate namin sa NCEE. opening pa lang ng school year, kung ano ano nang testing ang ginagawa sa amin. practice daw para na NCEE. every week, mock tests… so much testing that it was almost a relief to finally take the test proper itself. sisw! hehehe… pasado kaming lahat siyempre. si ms. yap din ang takbuhan namin pag may problema kami sa mga instructor at parati niya kaming pinagtatanggol. she was very gentle and kind. her guidance office was like a sanctuary.
MANG PIDO, SCHOOL JANITOR. simula dumating ako at umalis sa school, naroon na si mang pido. nung kinder kami ay parati kaming tinatakot ni mrs. chaves na kapag makulit daw kami, ikukulong daw kami ni mang pido sa store room ng school. takot na takot nga kami sa kanya nung una pero pag graduate namin, nakikisindi na siya sa amin ng yosi. hehehe.
MR. PEREZ, SCHOOL GUARD, ALSO KNOWN AS “BUTETE”. malaki ang tiyan ni mr. perez kaya siya tinawag na butete. pag pasok ko ng kinder hanggang pag graduate ko ng high school naroon na siyang nagbabantay ng main gate ng school. siya ang lulusutan mo kung gusto mong lumabas ng maaga. parati siyang naka shades kaya di mo alam kung gising o tulog. mahirap lumusot sa kanya.
there you are: my teachers, my friends and my school. i honor them today in celebration of the school’s foundation day. i am 37 years old already and i offer a life well lived as a tribute to all the great characters that were responsible for making me what i am.
