nung nagsimula akong mag college nung 1983, buhay pa si ninoy aquino at rolando galman. ang tuition ko ng isang sem ay 975 pesos. galante ang mapua nung araw at walang increase sa tuition fee from first year hanggang sa mag graduate ka. magkano ang ginastos ko para sa limang taong pag-aaral? teka at ma compute nga: 975 rounded off to 1,000 pesos taymis 2 sems per year equals 2,000 pesos taymis 5 years of engineering equals 10,000 pesos. sige, sabihin na nating additional 500 para sa summer classes every year, that’s still… teka at ma compute nga: 500 taymis 5 equals 2,500 plus 10,000 equals 12,500 pesoses. still cheap para sa isang engineering degree.
ngayon ang balita ko, kailangan mong magbayad ng 100,000 pesoses para isang taong tuition fee sa mapua. at ginawa pa raw na pito ang semester every year para mas malaki pa ang babayaran mo. putanginangyan. kung ngayon ako nag college, baka natuloy akong mag-aral ng pangkukulot sa beauty school ni madam auring dahil wala akong perang ipambabayad kahit mag callboy ako sa quezon memorial circle ng MWF. sino na lang ang nakakapag-aral sa mga ganitong school?
baka yung mga anak na lang ng mga OFW at yung mga dati nang mayaman. yung mga ibang pinanganak na matalino pero walang perang pambayad ng magandang edukasyon ay nagkakamot na lang ng bayag sa kanto at nag-iisip kung paano magnakaw.
Nagiging classic na itong ganitong blog mo mylab. Totoong totoo lahat ng sinasabi mo and it really is a serious topic when you think of it, pero napaka-down-to-earth ng pagkakadiscuss mo kaya andun pa rin ang humor… hehe. Galing mo talaga, kwentong tambay talaga ang dating.
Grabe nga ngayon e. Imbis na magprogress ang bansa natin into providing opportunities such as free education, o kahit man lang affordable education to the people, lalong lumalaki ang pagkakaiba sa buhay ng mayayaman at mahihirap. Kapag ganito na ang sitwasyon, minsan tuloy mapapaisip ka na baka ok din ang maging socialist state.
But don’t worry, hanggang dito na lang ako. I’m not even going there… not really my cup of tea.
May I just say mylab, in your own kind of twisted way, that this is a great post.
Labyu!
thank you mylabopmayn. for the compliment and all the other simple things that you do. salamat sa re-assurance, for sharing the pain enoldat jazz. labU2
Tama ka diyan BatJay! Sobrang taas ng mga tuition fee na ultimo mga preschools, mas mataas pa sa tuition fee mo sa 5 taong pinag-aral mo. Hindi ko alam kung may ginto ang tinuturo nila at ganon kamahal o baka ang mirienda e pagkaing nasa gintong pinggan pero nabili lang din sa kanto! Hay nakuuu, lalo lang walang mga batang aasenso at makakapag-aral ng matino. 😦
kaya pag naging senador ako, gagawa ako ng batas na kapag natapos nang mag graduate ng kinder ang bata, direstso na dapat agad sa pagsundalo.
“(6) Every child has the right to an education commensurate with his abilities and to the development of his skills for the improvement of his capacity for service to himself and to his fellowmen.”
Nagiging privelege na lang ang education ngayon rather than a basic right…
Sad…
“an education commensurate with his abilities” – wow, great words.
It’s catch-22 isn’t it?
Teachers in the Philippines have not been known to be paid well. Now vis-a-vis with tuition increase should be increase in educators’ compensation. Hopefully the multiplier effect happens and more disposable income would trickle into the economy and the govt would get its fair share of taxes for better public education and higher educ access for more citizens, atbp, atbp…but what comes first the egg or the chicken?
Thought provoking post…and as Jet says, written in your own twist(ed) way. 🙂
thank you.
it’s never going to happen that tuition fee increase increases teacher’s compensation. but there are many teachers our there who still teach because it’s their calling.
its sad to say and sad to see that education here in the philippines is just another business to earn more money, high fees low quality education and the corruption gahhhh!!!!no surprise na nangyari ang leakage scandal sa nursing board, oh well…
hindi naman lahat ng school sa pilipinas ay “just another business”.
Dark waters yang pinasok mong entry ka-BatJay.
Low paid primary & secondary teachers who prefer to be DHs abroad.
Low paid college instructors/professors who are leaving the academe to earn money in the “real world”, or worse go abroad and start a new life outside Pinas.
Both scenarios leave our beloved country’s education system in the gutter.
And to pour salt to the gaping wound, does the government care? Did any government in the past cared? Will the coming election or future elections ever mean change for the better to resolve this problem?
I hate to be a cynic, im too much of a realist. The answer to all my questions is NO. Ang sakit. Tama ka yung mga talented, deserving pero walang pera sa atin, will end up starving & “burden to society”.
Bwiset na inflation. Hay buhay.
negligence din. gusto ko sana, mas maraming mga state universities lalo na sa mga probinsya.
hi batjay!
buti nga po at inabot nyo ang ganyang sistema sa mapua. pumasok kasi ako ng 1999, inabot ako ng quarter-system nung 2nd year na ako. simula non ang pagdecline ng mga nagiging topnotchers sa mga board exams ng mga mapua students. ang batch nga namin sa mech eng ay top 3 lang ang inabot. lalo pa ngayon na suwerte na kung may makapasok sa top20. kasi ba naman 3.5 years lang eh matatapos mo ang isang engineering course as long as meron kang pang-tuition. di tulad dati na halos 7 mapuans ang nasa top 10 nga mga board exams.
mabuhay!
Waw! Ganoon na pala kataas! P9,000 na ang inabutan namin (noong 1994), one of the cheapest para sa isang sikat na school at the time. Nag sky rocket lalo ang tuition nung binenta ang MIT. Ang mga sem naging tatlo na. Mabilisan at mahal pa, parang konti lang ang matututunan mo tsk tsk … nakakalungkot.
haynaku…pati kami nga, unkle b., we’re scratching our…eyebrows…dahil sa mahal ng education ngayon sa pilipinas. dati ang tuition ko sa nursing school at one of the better medical colleges in cebu was, if i’m not mistaken, around P18-20K per year (this was in the 1990s). now i’m helping one of my younger bros through nursing school (he’s one of those “second coursers” being debated over by so many), and his tuition is around P25K per sem! and i hear in other schools it can go as high as P40-50K per sem! ay grabe.
it’s not only education…the same can be said for real estate. one of my best friends was telling me on the phone and via email about some good real estate deals near our place…it did sound great – master-planned communities with fabulous amenities, etc…but the price tag was somewhere around P25-35K per month for 3-5 years for lot only (you have to build the house yourself), excluding downpayment. i kept wondering who could afford this kind of expensive housing in my beloved cebu. apparently there are people who could, because i hear they’re selling like hotcakes, and developers can’t put up new communities quickly enough. but who are they? the old-time millionaires who already have several other houses? expats and retirees from the u.s. and other western countries or from our asian neighbors? ofws returning home or retiring after years of working abroad? kaya nga mag-bakasyon na rin kami sa pilipinas soon, partly so we can see and understand this phenomenon for ourselves. until then, if anyone can shed light on this, i would greatly appreciate it.
ooops…i wanted to add to the previous post (re: people who might be able to afford the expensive real estate in my hometown): “yuppies and executives rising up the career ladder? entrepreneurs and businesspeople who’ve done well in business? speculative investors?”
mahirap ngang magpa-aral ngayon dahil sa sobrang mahal. Hindi mo pa kinukwenta yung allowance mo at materials na kailangang bilhin like slide rules (hehehe calculator na ba gamit mo nun?) Anyway, talagng napakahirap magpa-aral. I should know, I have four kids.
Kaya if there are students reading this blog, pag-isipan nyong maigi what you’re wasting kung iskul-bukol lang ang ginagawa nyo.
salamat sa feedback tito rolly, gusto ko ngang malaman ang perspective mo bilang guro tungkol sa rising cost ng education sa pilipinas. mahirap nga ano? yung mga may pera lang ang may mas malaking chance makakuha ng edukasyon.
hi petite. law of supply and demand ata yung prevailing ngayon especially sa property prices. malaki ang market sa mga OFW kaya maraming mga packages sa pagbili ang available for OFWs. i hear that they do sell well and i know of people here in california who have purchased a lot especially around makati and tagaytay. problema lang nito ay it raises the prices and the people who can afford are the people who are abroad. the people who have regular jobs probably will not be able to buy any property in the near future. our home in antipolo ay 3 years to pay. the monthly payment was really sky high.
hey zerovoltage – 9000 in 94. not bad.
so bakit nag decline ang mga top20 passers? dahil nagkaroon ng quarter system o dahil nagtaas na sobra ang tuition kaya wala nang magaling na nag-enroll?
para sa akin po ay both. yung ibang matatalino na cant afford ay hindi na kaya pumasok sa MIT dahil sa taas at bilis ng pagbabayad ng tuition. samantalang ang mga may kaya naman na nakakapasok, hindi masyado maabsorb ang mga pinagaaralan dahil sa bilis ng transition ng mga subjects (every week ay may exams, every 3 months ay final exams, samahan pa ng mga prof na once a week na nga lang ang meeting nyo, hindi pa papasok!). yan po ang napansin kong dahilan ng pagdecline ng mga board passers sa MIT every year. sayang.
Ok nga’t naka abot pa sa ganun. Buti’t nagtake effect pa rin yung dagdag ng konti (P1000 ata) kada sem. Pwede na. Yung mga sumunod sa amin e P18,000 na ata nagsimula. Doble! Walang hiya!
Mapuan Batch 2004 in Sakhalin LNG – quarterly na rin pala sa inyo. kala ko tri sem pa rin …
Kahit UP rin magiincrease na ng 200%, they’ve been distributing breakdowns of the possible fees if ever. Buti na lang grumaduate na ko. So kung mahirap ka, kelangan mong mkakuha ng lahat ng klase ng scholarships para lang matustusan ang gastusin. Yung mga magagaling na guro nangingibang bansa na halos lahat.
“Ang kabataan ang pagasa ng bayan”… baka bumangon si pareng Rizal
kahit mag increase ng 200% ang UP, it still is the best deal in town. sana lang hindi magbago ang quality ng edukasyon doon.
maraming salamat ulit sa feedback ninyo mga schoolmate.
re: UP… “ana lang hindi magbago ang quality ng edukasyon doon”
Ewan ko ka-Batjay pero ang prediction ko in 10 years time magkakaroon na ng severe brain drain sa Pilipinas. Even my former instructors and some professors have gradually left the academe. Those left are mostly new-grads themselves just waiting to finish their MS and then fly off, too.
They keep leaving because of the poor pay. At dahil public position yun, ginawa ang karamihan sa kanila na contractual na pwedeng i-dismiss the following sem or year. Instead na bigyan ng offer to stay as permanent. “Cost-cutting” measures daw yan, sabi sa akin nung isang umalis & ngayon nasa SanFo.
Imagine the situation, mauubos ang magagaling teachers. Yung may mga talents na graduates, aalis din. Sino matitira sa Pinas? Latak?
It’s a grim situation. In my mind I just keep hoping that on my retirement I have enough funds and contacts. Gusto kong mag-establish ng NGO/outreach-whatever “computers and computer lessons” or something education-related para sa mga liblib na lugar sa atin. Tulad ng sabi mo, dapat may magagaling na StateU sa provinces, pero as we all know, mas liblib sa atin mas ignored.
nabalitaan mo na ba yung tungkol sa mapua prof —
http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=68697
BWAHAHAHA… extortionist instructor sa malayan colleges. WTF?
ako rin, dream ko one day na bumalik sa pilipinas to teach. pwede naman siguro akong magturo ng math. maybe a rizal course or two.
Hi KB,
I know you’ve seen this, but I just have to say it’s probably the best article I’ve seen written about your utol. Galing! This renegade spirit sure runs strong in your family…good thing for all of us. 🙂
http://showbizandstyle.inquirer.net/sim/sim/view_article.php?article_id=52732
good evening unkyel b, i’ve been reading your post for the past months, your blog and your book gave me inspiration to go out of my comfort zone and seek out better opportunity into the life’s maze.
ngayon lang ako nag post, shy kasi e…kaso maganda ang topic ngayon, about our alma mater the song of the builder…i’m MIT-EE’96
grabe na nga ang tuition sa mapua, parang mas sulit pa kung sa la salle mag aral. i was a freshman in ’91 and my tuition upto ’96 is only around 4500/sem…hikahos na kami nun to pay for that, e baka ngayon, 2 units na lang ang katumbas nun.
sad to say pa, yung prof na nasa news is my former classmate,he’s an ECE’96 and belongs to the Mapua-Lights organization. sana naman di totoo yung extortion charges, ika nga e innocent pa rin sya until proven guilty.
sige po and more power, you are my idol, schoolmate. ingat dyan sa california.
Halo, alam nyo dito sa central america, di pa man tapos ng college nakakakuha sila ng work as field technician or even sa parte ng administration. Ang level ng education dito-ang baba- very few people aim to have college degrees. They usually graduate at the age of 25-29 (college yan!!). Well I shared this because sa lahat yata ng Third World countries ganan ang situation (except in some part of Africa where education is a right. I heard that if you have children below 18 years of age at wala sa school, ikukulong yon parents. Gayahin kaya natin yon.)
Anyway, it is really sad that the system of education in our country is deteriorating. Buti sana kung yon mahal ng tuition e e ganon din ang quality na binibigay. I am helping some of my nieces and nephews sa school nila– and goodness gracious- kahit ayaw ko na mag work, I still got to kasi nga ang mahal mag paaral.
O sya.. salamat po ulit sa espasyo at pag bibigay ng opportunity para mag share ng aking opinion.
Have a good weekend!
agree ako pero bago ikulong yung parents ng mga nagbubulakbol na students, dapat patayin muna lahat ng mga corrupt at naglulustay ng pera sa pilipinas.
hey loiue, salamat sa pag comment. classmate mo pala yung nahuling extortionist. sana nga hindi tutuo. kasi kung tutuo yon, sana ibitin siyang patiwarik sa gate ng school. biro lang. naabutan mo pala ang no tuition fee increase.
thanks gigi kapitbahay. yes, i’ve seen it and i agree it’s one of the best that’s come out about my brother in recent years. i’ve written a post about it but i haven’t published it yet. perhaps next week. ingat at salamat.
Sa UP Manila, 300% increase sa tuition fee… From P250/unit, magiging P1000/unit na para sa mga freshmen sa darating na sem. So mula sa ~P6,500 na binabayaran namin every sem kasama na ang miscellaneous fee, eh magiging P20,000 na ang kanilang babayaran.
Sabi nga ng kaklase ko, “Education is a right, but it is not free.”
Saan na nga lang ba pupunta ang mga matalinong walang pambayad sa tuition? Hindi naman tataas ang sweldo ng mga propesor dahil under sila ng Salary standardization law ba yun… dahil state U ang UP. Kaya nga umoonti na ang mga prof namin sa College of Nursing. Dapat tutulan natin ito, kasi malamang ang ibang State Universities hindi magpapahuli, magtataas na rin ang mga ito sabi ng prof namin – Mapa-UP ka man o hindi. Laban ng lahat ito! 🙂
Lahat na ng schools pineperahan ang mga estudyante. Malapit na ngang bumangon si Rizal.
6500 to 20K – wow. that’s really a big jump.
eto po yung extortionist instructor news report video. inabutan ko pa at naging instructor yan! wala nang pinagbago, actually mga kapit sa patalim lang ang madalas biktimahin nito … but that doesn’t justify what he did 😛 di naman sya nagiisa, sana matakot na sa ginagawa nila ang mga kadugo nya.
http://www.youtube.com/watch?v=z_QsbBF8Ksw
yes kuya jay, naabutan ko yung no increase since first year, bale P185/unit yung naabutan ko compared to 2thou plus ngayon…although maganda na ang northwest wing ngayon compared dati..tsaka they are already teaching PLC and automation yata.
nagulat nga ako kasi pamilyar yung name nya then naalala ko na si rudy nga yun, laki mama pa man din yun mga 6ft plus.
pero kung totoo nga yun e dapat mabigyan ng leksyon, para di na pamarisan, masisira kasi lalo ang pangalan ang ating ala mater “home of the builders”, baka maging “home of the extortionist”.
mas maganda kung good news ang masusulat about mapua like that remote controlled underwater device na ginamit pang sisid sa subic ship wreck. gawa lang daw sa playstation controller ang ginamit ng mga estudyante na remote.:-)
Mang kanor,
Di naman siguro lahat ng eskwelahan eh ginagawang negosyo na lang ang edukasyon. Meron pa rin mangilan-ngilan na hangad talaga ay makatulong sa mga mahihirap na mag-aaral. Produkto kasi ako ng libreng edukasyon na binibigay ng Meralco Foundation Inst.
Totoo talaga na sa pamamagitan ng edukasyon ay maiaahon mo ang sarili mo sa hirap pati na ang iyong pamilya. Habang buhay ko itong utang na loob sa MFI at sa mga naging guro ko.
Di ko nga maisip kung san ako pupulutin kung di nila ako nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Pangarap ko nga nung high school ako ay maging factory worker na lang kasi tanggap ko na sa sarili ko na malabo talaga ako makaabot ng college.
Sana dumami pa ang mga kagaya nila na institusyon.
hindi ko naman sinasabing lahat ng eskwelahan eh ginagawang negosyo na lang ang edukasyon. marami akong mga dating tao na nakinabang sa libreng pag-aaral.
kaya pala 100,000 pesos a year na ngayon dahil bago na ang northwest wing at may automation at PLC course – hehehe.
salamat. lower batch pala sa akin ang instructor na ito. nagpapabili ng cellphone, nagpapahatid sa pampanga at nambugbog? nakakaawa siya nung pumasok sa kulungan pero kung guilty eh… sorry na lang.
checked out the youtube video of the “mortera scandal”. grabe, TVPatrol pa, primetime bida na ang mapua (malayan)…:-(
mukhang nabugbog pa yata sa loob kasi me blackeye…dumaan kaya sa kamay ni “T-Bag” ala prison break?
“mortera scandal” – parang massacre movie ni kris aquino
Me tanong lang ako? ME socialized tuiton fee (STF- yan nga ba yon?) pa ba sa UP? Non panahon ko noong last year ko ng unibesidad yan inumpisahan na ang mayayaman (bracket 1) ang syang mag su support sa mga mahihirap DAW (bracket 9). Ok sana yan plan na yan e kaso yon mga mayayaman napapaikot pa rin ang system (documents they submitted, etc).
Mahalaga talaga and edukasyon. Sabi nga ng tatay ko, yan lang ang yaman na di pwedeng bayaran, isangla o ibenta, lagi yan nasa tao pag nakuha na..
sya balik trabaho na ako
ewan. hindi naman ako taga UP.
nakakalula na palang magpa-aral ngayon? 100th sa isang taong tuition fee? maryopes galapongges! tapos pa, bago maka-gradweyt magtatanan na lang? nyehehehehehe… aruykupu sabi ni inang!
ang siste pa, dahil alam mong mataas ang matrikula kaya bata pa lang ay ikinuha mo na ng educational fund ang anak mo. ngayon, di pa nagagamit ang educational fund, nagsara na ang kumpanya o kaya ay di na nila kayang matupad ang kanilang mga pinangako sa educational plan. paano na? ang gulo.
hi ateng. oo nga nakakalula. buti na lang maaga tayong ipinanganak.
ingat ka riyan.
jay
dito na lang kayo aral sa Iloilo….mura na tuition…tapos top natser pa ang mga produktong narsing students…magnarsing na lang kayo…dami dolyar…tapos tayo…hanap tayo nars para asawa….para dami rin nating pera…heheheheheh
oo nakakatakot na mag paaral ngayun, elementary pa mga anak ko, pano pag college na. and also to think na may mga hazing pa din na nakamamatay katulad ng napanood ko kanina sa channel 2. natagpuan nalang na lumutang sa ilog. pero di rin ako nakaligtas sa ganoon, pero buhay naman ako, di lang nakalakad ng isang linggo gali na galit nga si erpat, bakit daw kasi may ganoon pa? sabi ko sa sarili ko ewan, di nila alam nabugbog din ako. aray
Bagong tagabasa po mula sa down under!
Mapua grad din (ECE 96)…at opo, batchmate ko yang si Rudy (pero hinde ko prend 🙂 )..hehehehe. nakngtokwa, kalaking damulag e, ayaw magtrabaho ng parehas.
More power Ka Batjay!
sana hindi tutuo – kasi siraulo lang ang taong ipagpapalit ang pangalan mo sa cellphone load.
wawa naman ung batch namin ng high school, kami pa ung nadale ng 300% increase sa UP. may ilan pa naman akong classmate na mag-aaral doon. grabe talaga… ginto na rin pala ang edukasyon, tsk, tsk
haay… 3 lang nasa top 10 ng April 2007 ECE Board Exams…
pero hindi ko naman masasabi na dahil yun sa quarterm system…
nasa review center yun…
yung tatlong nagtop ay nasa review center na astig ang resources(uumm)
samantala, yung dalawang cum laude ay nasa review center na hindi masyado maalaga… ganun din yung ibang medalist sa batch namin…
sayang, kung lahat sila dun sa review center na astig, baka nagkasya yung mga taga la salle sa 11-20 slots…
haaay…
FYI: yung top 10 ay nagreview lahat sa iisang astig na review center… 6 are from la salle, 3 are from MAPUA, 1 from UP, 1 from a univ.in mindanao
MAIBA…
kinuha ko yung NAMA card ko kanina… kapansin pansin na umunti na talga ang population sa mapua!!!! nakakainis!!!
TAPOS! yung malayan sa cabuyao laguna, maraming mabibiktimang taga san pablo, batanggas etc… kinukuha pa ko mag prof! ganun ka desparate?
bwisit talga si yuchengco… sinira niya ang isang malalim na kultura na sumibol sa intramuros…
nagpalit na ng kultura ang school siguro. iba na ang appeal niya kaya iba na rin yung type ng students na pumapasok dito.
totoo yan sir…
i entered 2002… kami yung unang batch under quarterm (kung baga guinea pig)… kitang kita ko yung transition ng old mapuan sa bagong mapuan… pero masasabi kong sa batch namin, nagstick kami sa kultura dati… hindi masyadong coño dating nung batch namin pati madaming may kapatid na dating mapuan… kami rin yung batch na nahawakan ng mga prof na lahat ay graduate talaga ng mapua…
naabutan ko yung mga batch na super prior na.. mga batch 1997/1998 di pa rin gumagraduate… yung mga prof naman namin mga batch 1996 nag grad yung iba naman talgang haligi na…
mahilig magkwento yung mga prof namin… bigla na lang nagbabalik tanaw sa dati nilang mga experience … kung ganu kainit sa classrooms, ganu kapanghe sa cr’s at yung foundation week na 7days talga…
so at least me naabutan pa ko na konting old mapuan environment… yung mga nagyoyosi sa wall, mga taong di nagpapagupit, mga OT (di yata yun mawawala hee hee), mga prof na astig (yung nanghahalik ng babae) atbp…
kaso simula nung nagkaroon ng name change issue, talgang bumaba morale ng mga teachers… daming magagaling na lumipat sa industry.. others transferred to other univ…
haay… gusto kasi mag iwan ng legacy ni yuchengo when it comes to education… yun daw ang reason niya…kaso ang pangit talga ng naisip niyang paraan… haay
nung nag aaral ako sa mapua nabubuhay lang kami sa OT. khit mahirap maabsorb ang mga tinuturo eh nakakalusot naman. sayang lang wala na ang dating system ng tuition sa mapua. sana hindi binenta ni Sir OBI ung mapua at hindi nakinig sa mga LIM na walang pakiaalam sa system ng education na binibigay ng institusyon ng tulad ng MAPUA.
mahilig din ako sa OT nung nasa mapua ako
You are right, but still there are existing schools other than MAPUA.Schools that have an excellent service for the students….Di naman siguro papasok ng isang parents ang anak nila sa isang school like mapua not knowing the tuition fee and other miscellaneous isnt’t it?
Nakakapagod ang quarterm. Parang gusto patayin… ikaw at ang mga pangarap mo. Sana nga hindi binenta ni Sir Obi ang skul.