medyo matunog ngayon sa news ang isang study na ginawa ng mga researchers dito sa america tungkol sa power of prayer. or apparently the lack of it. ayon sa study, wala raw epekto yung mga dasal na ginawa ng isang group of strangers para sa mga pasyente na kakatapos lang ng heart surgery. actually nakasama pa nga raw kasi yung mga pasyente na sinabihan na may mga taong nagdarasal para sa kanila ay nagkaroon ng mas maraming complications.
kung sabagay, kung ako yung kakatapos lang maoperahan sa puso at nakita ko na may mga nakapaligid na tao sa aking hospital bed, kapit kamay at nagdadasal eh kakabahan din ako. ang unang papasok sa isip ko siyempre ay “tangina, bakit nila ako pinagdarasal? malubha bang kalagayan ko? nagkaroon ba ng complication ang operasyon at mamamatay na ako?” baka mapasigaw pa nga ako ng “hoy mga ulol, huwag ninyo akong ipagdasal at baka kunin akong bigla ni lord”.
pakinggan ang MAHALAGANG BALITA PODCAST. you’ll like it now, you’ll learn to love it later.
