ang mga apo namin ni jet… si tj, 3 years old, all around singer dancer, kabisado nang dancing queen. si az, 8 months old, galawgaw, di mapakali. nahulog na sa kama sa sobrang likot, kamukha ko raw nung baby ako.
Category Archives: RELATIONSHIPS
12th WEDDING ANNIVERSARY
iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!
BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!
ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.
NAUTUSAN LANG BUMILI NG PATIS
aalis kami ni jet ngayong hapon para bumili ng patis. hehehe… you can take the pinoy out of the philippines but you cannot take the philippines out of the pinoy.
consider this:
- babyahe kami ng bus to the pasir ris train station, 10 minutes
- MRT from pasir ris to city hall station, 30 minutes
- transfer train, ride again from city hall papuntang orchard, 10 minutes
- get out of the train station, walk to the filipino stores at lucky plaza, 10 minutes
total cost of trip: $ 2.00 taymis 2 equals $ 4.00 dibaydibay 0.033 equals 121 pesoses.
cost ng isang boteng rufina: $ 2.50 (75 pesoses)
BWAKANGINANGYAN… all that time and money para lang sa patis.
mother’s day at parenthood dito sa singapore, part 2
balansihin naman natin: yung isang office mate ko, 12 years bago nagkaroon ng anak. kung saan saan sila nagpunta para lang mabuntis ang misis niya at malaki ang ginastos sa mga fertility clinic. di naman sila nabigo at kinalaunan, nabuntis din si misis. as soon as nalaman nila ito, pinag-resign na niya ang kanyang asawa sa pagiging isang guro at naging full time housewife.
ang anak nila ay 6 years old na ngayon at kindergarten na. sa gabi, dinadala nila ang kanilang anak para i-tutor ng 2 oras sa iba’t-ibang mga klase sa kung saan-saang evening classes. monday, math. tuesday, english. wednesday, chinese. thursday, drawing. saturday, swimming. ang pag enroll ng mga anak sa mga extra courses para mag excel sa school ay typical din sa mga singaporeans parents.
mother’s day at parenthood dito sa singapore
isa ang singapore sa pinakamababang birth rates sa asia. probably, it has the lowest in the entire south east asian region. in fact, it is now a major problem because the current population is not enough to fuel their future growth. ito rin ang dahilan kung bakit ako narito sa singapore. hindi, madumi yang iniisip mo…hindi nila ako gagamitin as a baby maker (o kaya pambulog). kulang kasi ang mga automation engineer rito at walang local skill silang makita kaya ako narito.
anyway, ang typical family rito ay husband, wife and one kid. normally, both husband and wife work para masustentuhan nila ang kanilang 4C’s (car, condo, credit card, country club membership). problema ngayon si anak. kung si mother at father ay working, sino ang mag-aalaga kay baby? solution: day care.
MAHILIG AKO SA COMICS
simula pagkabata, nahiligan ko nang magbasa ng mga comics. naalala ko pa nung araw, pupunta kaming “downtown” (avenida or sta. cruz para sa mga bagets) ng daddy ko, para lang bumili ng mga comics. batman at superman ang paborito ko. naalala ko pa ang daddy ko, nakasimangot siya pag nag-lambing akong bumaba sa sta. cruz dahil napaka-hirap sumakay ng jeep doon dahil maraming tao (yung kanta ni ryan cayabyab na limang dipang tao, tutuo yon!). pero dahil ako si bunso, pinagbibigyan niya ako parati. kaya every month ay may comics ako!natigil ito nang umalis siya dahil may nakilala siyang ibang chickababes. medyo naghirap ang buhay namin at nawalan ako ng pambili ng comics at siyempre naging abala ako sa mga ibang bagay (like growing up fast).
DON’T TOUCH MY BIRDIE
perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE…
this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.
25 may 2002, 11TH WEDDING ANNIVERSARY
tomorrow, 25 may 2002, holiday rin sa pamilya dahil 11th wedding anniversary namin ni jet. wow… it’s been a long trip man! pero di bad trip ah. hehehe… naalala ko pa nung kasal namin, a long long time ago. nasa labas kami ng munisipyo ng kalookan kasama ang ninong ko – ang pangalan niya ay si Dr. Boyet Silverio (kilala nyo ba siya? hehehe), at ang isa ko pang ninong na si mael (hindi siya malibog ha!).
kaming dalawa lang ni jet, kasi simpleng kasal lang ang gusto namin. ni wala ngang kamag-anak, kahit parents namin eh wala… wala kasi akong pera nung araw. nag sisimula pa lang kaming mag-ipon. reception nga ng kasal namin eh sa jolibee lang. nung panahong iyon kasi, pang jr. champ with fries at chicken joy lang ang budget namin. doon pa nga ata kami kumain sa sangandaan. at saka, kaming dalawa lang ni jet, di ko na inimbita ang 2 ninong namin – gastos lang iyon.
wala rin sing-sing, kasi walang pambili. isipin mo, ang suweldo ko nung panahon na iyon ay 2,000 pesos per month. kulang pa ngang pagkasyahin sa pamasahe at pagkain papuntang trabaho, sing-sing pa makakabili. dehins pre. inisip ko na lang, kung mayrong diyos – maiintindihan niya, dahil hindi naman siya tumitingin sa mga bagay na walang kabuluhan.
TOP 10 LIST: WHAT NOT TO SAY TO AN OBLATE PRIEST
one of our class mates became an oblate priest… his name is ed santoyo. this is my tribute to him:
Father…. hehehe. parang ang hirap sabihin kay Ed Santoyo. hehehe… Top 10 List of what you should not say to Fr. Santoyo:
10. Father, tagay mo.. at saka…mamulutan ka naman!
09. Father, mag-pamasahe tayo mamaya, ha…
08. Father, forgive me for I have sinned, nung high school tayo, ninakawan ko ang locker mo!
07. Father, forgive me for you too have sinned, nung high school tayo, sabi ni glen baldivia, ikaw raw ang pasimuno ng ingay at mga gulo eh.
06. Father, punta tayong Love Boat, may GRO doon na gustong mangumpisal…
05. Father, lagyan natin ng Gin-Bulag ang iced tea mo para sumarap…
04. Father, anong iniisip mo kapag may nakasakay ka na magandang babae na naka mini-skirt sa jeep?
03. Father, mura bang condom sa cotabato? hehehe…
02. Father, nasubukan mo na bang mag-wet dream?
and, the top 1 in our list of what not to say to Fr. Santoyo is….
01. Father, gusto mo ng Mother? hehehehe…
Good Luck to Father Ed – idol ko siya! sana makasama natin siya sa Pasko, para may mass muna bago inom, este, party…pero sabihin natin magdala rin siya ng exchange gift, ha. tapos, i-record natin sa video ang top ten list at panoorin natin during the party!

