hello mylabopmayn.
umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.
dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.
Continue reading



