WHAT THE HELL HAPPENED TO ME?

gawan natin ng post op analysis kung ano ang nangyari sa akin:

1. my appendix daw has been ruptured (“sabog na sabog” in the words of my doctor) for at least 3-4 days already. ang taas daw ng tolerance ko sa pain, says my doctor with a bit of admiration and exhaspiration.

2. dahil sa sobrang tagal na hindi na operahan after itong sumabog, necrotic na raw yung appendix ko.

3. my doctors had to clean my abdominal area with water para malinis yung lahat ng dumi na kumalat na sa loob. i was an inch close to sepsis – i.e. blood poisoning dahil kalat na kalat na raw sa loob.

4. for the rest of the week, i will be on very strong antibiotics to counter the possible infection of the ruptured appendix at yung water cleansing aftermath.

5. mayron din akong dalawang pouch na nakadikit sa tiyan ko. dito pumupunta yung residual na tubig na pinaglinis sa abdomen ko. maya’t maya dinadalaw ako ng mga doctor at nurse para tanggalin ang fluid na nakocollect ng 2 kong supot ni hudas.

UNDER THE KNIFE

very early morning, sinigurado na ng doctor na kailangan ko ng appendectomy. di na rin sila nagpa tumpik-tumpik pa. agad nilang inischedule ang operation ko ng 9:30 am. like clockwork, nagdatingan nang mga doctor at iba pang hospital staff para i-prep ako.

di naman ako natakot. una dahil pinainom nila ako ng valium kaya nakangisi na agad ako at sabog maaga pa lang. ikalawa, i was expecting all will go well dahil i was in the best hospital in the country and i had the best doctors. god help them if they fuck this up.

ang experience ko during the surgery ay parang isang taong nanood ng late night movie na inaantok. one moment nakadilat at nakikita’t naririnig lahat ng nasa paligid ko, the next moment fade to black.

THE DAY I EXCHANGE MY MOM’S BIRTHDAY WITH A RUPTURED APPENDIX

nagising ako ngayon with a bad sense of foreboding. medyo masakit pa rin ang tiyan ko at nilalagnat na ako. i make a mental note of following jet’s earlier suggestion a call our doctor friend para makapagpa full check-up bago mag birthday ang mommy ko.

ang takot ko ay may infection ako somewhere sa tiyan. true enough. pag tingin sa akin ng mga doctor sa ER ng st. lukes, ang suspetsa nila ay mayron akong UTI or worse – kailangan ko ng appendectomy.

VERDICT: kailangan daw akong obserbahan sa ospital overnight. we had to call my mom and tell her that i won’t be able to attend her party. dang.

THE PAIN REMAINS

i day before my mom’s birthday celebration. magkikita dapat kami sa labas nina greta at ate sharon. instead, nagpunta na lang sila sa bahay sa antipolo. di ko nakayanang magmaneho dahil sobrang sakit ng tiyan ko… pakiramdam ko eh parang may isang milyong bulateng nagwewelga sa loob.

THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN

lipad ulit pabalik ng maynila. maraming salamat sa frequent flyer miles at makakauwi ng libre. problema ko lang eh tatlong beses na akong umeebak ngayon. pesteng LBM, bad sign.

nagkita kami ulit ngayong gabi ng mga classmate ko. maganda ang topic ng discussion namin: “THE SEXUAL HABITS OF COUPLES WITH CHILDREN”. in particular, ang mga techniques kung paano makipag sex sa asawa na hindi nalalaman o napapansin ng mga anak na kadalasan ay katabi nilang matulog. nakakatawa. hehe.

WHATEVER FATE DECREES

CLICK TO ENLARGE. ngayon ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang bilis talaga ng panahon, parang kailang lang nagsisimula lang kami. isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.

Continue reading

TONIGHT THIS FOOL’S HALFWAY TO HEAVEN AND JUST A MILE OUTTA HELL…

nagpunta ulit ako kaninang umaga sa embassy natin para kumuha ng OEC (overseas employment certificate). uuwi kasi kami ni jet sa pilipinas bukas at inaayos ko nang lahat ang mga certificates para di na kailangan pang magpunta ng POEA sa ortigas. nakaka inis pumunta doon dahil kalahating araw ang waiting time. sa embassy ng singapore, 5 minutes lang.

Continue reading

EVERY FLOWER TELLS A STORY

every flower tells a story. ang bulaklak na ito ay galing sa orchid na bigay sa akin ng isang kaibigang es-pulis. minsan kasi nagkainuman kami sa bahay ng kumpare niya malapit sa amin at kinaplog niya ang halaman na ito. ang bulaklak na ito ay may kwento. ito’y galing sa orchid na bigay sa akin ng kapitbahay kong ex-pulis na dating reporting sa isa ring ex-pulis na ngayo’y tumatakbo ng presidente. marami akong tsismis tungkol sa ex-pulis na ito, pero di ko sa inyo ikukwento. i-ping nyo ang site ko at baka mapilitan ako. mwahaha. masipag itong mamulaklak (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). almost year round. ang tawag nga pala rito ay phalaenopsis (yung orchid ko ha, hindi yung tumatakbong presidente). ilagay sa parte ng garden na may shade (ayaw niya kasi ng direct sunlight) at kaunting dilig ng tubig. pwede mo na siyang pabayaan.

malapit ko na ulit makita ang mga halaman ko’t bulaklak. uwi kasi kami ni jet sa mayo para sa 13th 14th anniversary ng aming kasal. at siyempre, para sa 80th b-day ng mommy ko. isang linggo lang kami pero alam kong sulit ito. miss ko na kasi ang pamilyang naiwan. miss ko na rin ang bahay sa antipolo. miss ko nang matulog sa sariling kama sa sariling kwarto sa sariling tahanan. anim na buwan na pala kaming di nakaka uwi. ang bilis ng panahon.

STIR FRIED NA PAG-IBIG

nininerbyos ako ngayon. mas enjoy ko pa kasing mag hiwa ng bawang kaysa magtrabaho. hehe. nag-aaral akong magluto at pinag eekspereminentuhan ko ang asawa ko. pag di niyo siya nakitang on-line itong mga darating na araw, ibig sabihiin, hindi ako nagtagumpay. bakit cooking? ala lang. gusto ko lang idagdag ito sa listahan ng aking spectacular talents. nagsabi na ako sa kanila. suportado naman ako ng pamilya sa balak kong ito. mwahahaha. aaminin ko, hindi ako natutong magluto nung bata ako. yan ang napala ng spoiled na bunso. ngayong taon nga lang ako natututong magsaing. lately, nag-aaral akong mag stir fry. stir fry this, stir fry that.

para sa hapunan ngayong gabi, nagluto ako ng beef and mushroom with oyster sauce at stir fried spinach. hindi masyadong masarap yung beef dish pero may pag asa yung stir fried. ok lang, bata pa naman ako. at 38, i am learning to become a cook. today, stir fried. tomorrow? the world! BWAHAHAHAHA! (tawang demonyo)

baka mayron kayong gustong matikman, sabihin nyo lang sakin. pero huwag yung mahihirap tulad ng adobo o kaya sinigang. sa stir fried muna tayo mag concentrate.

I READ THE NEWS TODAY, OH BOY

narito na sa singapore ang mommy ko. she arrived yesterday with my sister emy, her husband rene and their daughter paola. my other nieces kim and sarah will plane in today from manila. i’ll try to post some pics before the weekend. in the meantime, kwento lang muna ako about my mom. here goes:

ang mommy ko ay 79 years old (turning 80 next month). nag-asawa sila ng daddy ko when she was 17. ak-shu-ly, nagtanan nga sila sakay sa trambia. eto yung LRT nung unang panahon. nabuntis siya with her firstborn gigi during the war. she doesn’t talk about it much these days pero alam ko, nahirapan sila during the japanese occupation. all in all, anim kaming magkapatid na inalaagaan niya. ako ang bunso. ang baby. ang peborit.


IN OTHER NEWS…for the first time this year, i’ve got my first non-travel related cellphone SMS spam. gardemet. the text message says “HOME FACIAL, BODY OR FOOT MASSAGE AT $20! STRICLY FOR WOMEN ONLY”. dang.

STILL OTHER NEWS…happy birthday to ate sienna, our good friend from west covina and the chief cook of the pansitan blogging community. ninang, sana maligaya na bati pa ang bertday mo!
Continue reading