habang sinusulat ko ito. kasalukuyan pa rin akong nasa gitna ng aking “the great singaporean shrimp allergy attack“. ewan ko ba kung saan ko ito nakuha. hindi naman ako nakatikim ng hipon nung lunes. although nakasubo ako ng ilang pirasong manggang hilaw na may bagoong during last saturday’s dinner with eder, leah and helen. siguro yun ang dahilan. pero napaka arbitrary naman. nung isang buwan, nag ulam pa kami ng kare-kare at ang dami kong nakaing bagoong. hindi naman ako simumpong. siguro may masamang feng shui na nangyari: baka mali ang ikot ng plato, o kaya iba ang korte ng tinidor na pinangsubo ko kaya ako kinakati. baka naman may natuwa sa akin at na usog ako? if so, kailangan akong malawayan.
at talaga namang napakahirap abutan ng allergy attack. in my case, it takes a week before the allergy finally runs its course. during this time, lahat ng parte ng katawan ko ay kakatihin. and yes virginia, kasama na roon ang kati ng betlog. one time it’s your entire arm that’s itchy tapos lumilipat na parang virus sa paa. random itong nangyayari na palitapat lipat sa kung saan saan. parang science fiction na story ano? reminds me tuloy of the michael crichton book called “PREY”, kung saan isang swarm na micro-robots ang sumanib sa katawan ng mga characters sa novel, transforming them into beautiful people with attitude problems. hmmm… marahil ito na rin ang dahilan ng bigla kong pagka gwapo lately.

