Not everything that can be counted counts, and not everything that counts can be counted

gumagawa si jet ng maikling bio para sa PINOYEXPATS ni melissa. medyo complicated pala ito. ano ba ang dapat ilagay na qualifications sa bio to describe yourself in the shortest possible way? ang identification mo ba as a person ay dictated ng career? hobbies? pamilya? kung pag-iispan mong talaga, very interesting pala ang thought process involved sa pag-gawa nito. kung ako ang gagawa ng bio, eto ang isusulat ko:

jay has been a systems engineer all his life but all he ever wanted was to become a shepherd or a lighthouse keeper. he is left handed and is partially color blind. his wife jet adores him so much because he is good looking and doesn’t spill his food when he eats… most of the time. he loves to take a bath although there are times when he forgets to brush his teeth. he is always sleepy but sometimes he is hungry.

jet has gone from nursing patients with heart ailments to managing a value-added telco service sales team, Now she’s a stay-at-home wife to her husband, jay, in singapore. asked how she would describe the twists and turns of her career track in one word, she calls it progress. jay loves jet so much because she is loving, caring and has a very hearty laugh that could be heard miles away. she also loves his corny jokes and doesn’t flinch when he farts, even if he farts under the covers.

even after 13 years of marriage, jay and jet still have a great sex life, much to the discomfort of their neighbors.

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Continue reading

Sing, burn, flee, like a belfry at the hands of a madman

siraulong luko-luko pero di na naninigarillo ngayon ang sixth month anniversary ng paghinto ko ng paninigarillo. i had my last stick, the day i entered the hostpital for an appendectomy (i had a ruptured appendix and i almost died, the doctor dramatically said). siguro daw dahil sa sobrang ginamit na anaesthesia kaya ganito ako karetarded. bilang celebration sa aking 6th smoke free month ay bumili ako ng isang kahang winston nag lunch kami sa labas ng mga kaopisina ko. kumain kami ng masarap na chicken rice sa dover road (sikat ito sa singapore). presko rito dahil malakas ang hangin at sa ilalim ka ng malalaking acacia nakaupo. medyo minalas nga lang ako dahil nataihan ng ibon ang kamay ko. tanginangyan. buti na lang tapos na akong kumain, kundi baka kung ano pang kahihiyan ang nangyari. wala namang nakapansin kaya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa ilalim ng lamesa at pinunasan ko ng bimpo. iniisip ko na lang, sign ito from heaven. sana lalo akong swertehin dahil dito. taya kaya ako sa lotto?

Charades, pop skill, water hyacinth, named by a poet, imitation of life

eto na naman ako with my weekend listahan ng musika, libro, pelikula at laro. mga kalipunan ng mga ek-ek na gusto kong i-share. isa isahin natin sila:

SONG OF THE WEEK: “imitation of life” by R.E.M. isa na namang paboritong kanta galing sa isa sa aking paboritong grupo. masaya ang kantang ito at pwede mo itong patugtugin kahit saan. ako nga, pinapakinggan ko ito pag nagluluto ng weekend breakfast namin ni jet.

KASALUKUYANG NILALARO: ang titi ko. bwahaha. seriously, “HALO 2 Limited Collector’s Edition“. ang galing talaga ng game na ito. editor’s pick sa lahat halos ng mga reviews. yes virginia, the master chief RULES.

Continue reading

ZEN AND THE ART OF BICYCLE MAINTENANCE

dalawang araw na akong nagbibisikleta papasok sa trabaho. so far, ok naman. mabilis akong nakakarating sa opisina at maaga akong nakakauwi. nakakatipid ako ng pera at mas healthy pa. pakiwari ko, mga 6 months pa, pwede na talaga akong maging star performer sa gay bar. parati kong sinasabi ito – biking is exhilarating. pero bukod dito, binibigyan ka pa niya ng chance na mag reflect. this is important kasi ang dami mong bullshit na natatanggap as you do your work and the time spent alone to think clearly is precious. ito ang listahan ng mga natutunan ko habang nagmumuni-muni pag nagbibisikleta…

Continue reading

The first cut is the deepest, baby I know

THE FIRST CUT IS THE DEEPEST, BABY IT'S TRUE rite of passage ng halos lahat ng mga lalaking pinoy ang magpatuli. o sige, isama na rin natin ang mga sister natin na bading dahil tinuli rin naman siguro sila. kadalasan ang schedule ng tuli ay during summer vacation, ie, the months between march and june. it is a long enough vacation para gumaling ng husto ang sugat na dulot ng pagputol ng balat (foreskin) at ng pagtahi. masakit ba ang magpatuli unkyel batjay? ang nagtuli sa aming mga magkakaibigan sa novaliches ay ang aming neighborhood doctor na si dr. paras. may anesthesia kaya hindi masyadong masakit. i would say uncomfortable. i can still remember everything that happened during that day, 27 years ago. packingsheet ang tagal na pala! yung subdivision namin ay nahahati ng tullahan river, at ang kabila ng neigborhood namin ay literally bulacan. nung 1970’s, probinsya pa talaga ito kaya ang mga kaibigan namin sa kabilang ibayo ay tinuli by “place your dick in the chopping block, hit it with an itak, sabay talon sa ilog” method. ang problema ay napaka unreliabe nito dahil hindi doctor ang gumagawa ng procedure (nagkakatay ng baboy ang nagtutuli? hindi naman siguro) at hindi sanitary kaya malaki ang posibilidad ng infection (pangangamatis ang tawag namin dito) or much worse maaaring ikaw ay maging “sungaw”. sa mga hindi nakakaalam, ang sungaw ay titing tinuli na bumalik sa pagkasupot. mayron mga kapitbahay kaming taga bulacan side na tinuli ng itak na naging sungaw. dumadayo pa sila sa amin para ipa-repair kay doctor paras. naawa nga ako sa kanila kasi alaskado sila ng husto. katulad ng supot, masakit masabihan ng sungaw.

What’s the Frequency, Kenneth?

nung bata ako, tinanong ko sa mommy ko kung saan ako nanggaling… dinala ba ako ng stork? hindi raw. lumabas din ba ako sa pinagbiyak na kawayan tulad ni malakas at maganda doon sa himlayang pilipino? hindi rin daw. eh saan? sabi niya – galing daw ako sa puwet niya. bigla akong natahimik at hindi nakaresbak.

IHI NG BUTIKI

umiihi,
ang butiki
hinuli,
ng pasmadong hikain
kinain.

iniimibtahan ko kayong dumalaw sa aking bagong website – ANG MAKATANG HILAW. ang poetry website na ito ay pang complement sa aking website ng mga awitin. kaunti na lang sigurong bagong skills training ay pwede na talaga akong tawaging “renaissance boy” tulad ni ate mona. iniisip ko nga, mag-aaral akong kumain ng apoy at saka susubukan ko ring matutong magsampay ng batong buhay sa aking betlog.

THE MORNING IS FULL OF STORM IN THE HEART OF SUMMER

GENTLE READER: dear unkyel batjay, ang sabi po ng matatanda – ang allergy daw sa shrimp/prawns ay nanggagaling daw dun sa itim na vein that runs through the back of the spine of the shrimp. so pag-inalis daw yun, pwede mo na itong kainin. kaya lang ang hirap namang gawin nun sa alamang o hipong tanga, ano po? hehehe. nagmamahal, gentle reader

UNKYEL BATJAY: dear gentle reader, ang recommended daw na gamot, kung sakaling magka allergy ka dahil hindi mo natanggal yung itim na vein that runs through the back of the spine ng alamang, ay dilaan mo raw ang kili-ikili ng langaw. at least, yan ang sabi ng kaibigan kong doctor na sira ulong katulad ko. hope this medical tip helps.