sina jet, darlene at lani. tatlong itlog o tatlong maria… bahala na kayo. nagsasaya ang tatlong magkapatid sa bahay at nagkakantahan.
Category Archives: MY WIFE
ILANG ARAW SA PILIPINAS, PART I
ito na ngayon ang hitsura ng bahay sa antipolo, almost 2 years after lumipat kami sa singapore. malalaki nang mga halaman ko. medyo wild na rin ang ibang mga tanim. ok lang yon siguro. wild rin naman ako. malapit nang mag-sunset nang kinuha itong larawan…my favorite part of the day. sina jet ay nasa loob ng bahay at naghahanda nang hapunan. ako naman ay umiinom ng iced tea at naghahanda nang magdilig.
THE DOMESTICATION OF THE ANIMAL HUSBANDRY
di talaga ako magaling sa housework. at least, not at par with the meticulous and very high standards of jet. para sa kanya, dapat fresh smelling at mabango ang labada (na di ko magawa), yung sahig dapat spotless na halos madulas ka (na di ko magawa), pag may nahulog na abubot ay magagalit siya (parati kong ginagwa). those sort of things. it is an understatement to say na control freak siya sa bahay.
UNANG ARAW SA PILIPINAS SA HULING ARAW NG MAYO
nagpakapagod kang magtrabaho sa ibang bansa. bawat araw na lumilipas ay nagdaraang mabilis, tapos gising ka na lang isang umaga, nasa pilipinas ka na. kahapon ng umaga nasa singapore ako, pagkatapos ng pananghalian, nandito na ako sa bahay sa antipolo. parang milagro. isang iglap lang biglang nagbago ang itsura ng mundo ko.
dito kami natulog sa sala ni jet, kagabi. naglatag lang kami ng kutson at nagbaba ng unan. kinaugalian na namin ito nung dito pa kami sa pilipinas nakatira. sina kuya bong, darlene at lucas ang sumundo sa amin. dito na rin sila natulog at pinagamit namin ni jet ang aming bedroom. katabi namin sa higaan si datu, ang aming alagang mini-pinscher.
dumalaw din nga pala sina jun alferez, si edwin narciso at si mon rivera, ang aking mga classmate since kinder (1971) at long time friends. uminom kami ng isang case at kalahating san mig light, ang aming drink of choice since last year. gumawa rin si anna banana ng “menstruation dish” (dinuguan), pansit at sinigang na baka na siyang dinner/pulutan namin. nagpabili rin ako ng andok’s liempo ng tatlong beses dahil na-miss ko ang lasa ng inihaw na baboy ng anim na buwan. umuulan kagabi at sa garahe kami nag-inuman.
nagpunta rin sina lolet at ang kanyang mister na si sir bong at kanilang mga anak. sila ang aming mga kapitbahay rito at siyang umaalalay sa bahay namin habang wala kami. dito na rin sila naghapunan.
masaya ang unang araw namin sa pilipinas. binisita ng mga kaibigan at kamag-anak, narito sa aming sariling tahanan at natulog ng mahimbing sa isang malamig at maulan na gabi.
HAPPY 12th ANNIVERSARY MYLAB

happy 12th anniversary mylab. ang bilis ng panahon. kala mo kahapon lang eh inimbita ako ni alma para sa isang party sa damong-maliit, novaliches. pangalan pa lang ng luger eh exciting na. kung pumunta raw ako eh mayron daw ipapakilala sa akin na “hot date”. fresh out of university at walang kalatoy latoy ang lovelife, eto naman akong si mahilig… eh di siyempre payag agad. night of the party, excited akong makilala ang aking hot date. pasok sa bahay at sinalubong ng isang masungit na daddy.
“good evening sir”, ang bati kong may kasamang pa-kyut na ngiti.
“hrrrmpppf”, ang sagot niya at tiningnan ako ng masama.
DEAR MYLAB,
Kamusta ka na? I hope you are alright upon recieving this wonderful letter… of mine. hehehe. Parang introduction ng isang grade school student nung pinagawa siya ng teacher niya sa English ng assignment: “Write a letter to your best friend about how you spent your summer vacation”.
Unang alis ko dito pala sa isla in 3 months ano? Nakakapanibago. Swabe naman ang byahe ko – simula sa taxi from home to airport hanggang sa flight at bus ride papuntang hotel. Iba ang aura ng Changi International Airport ngayon, siguro dahil konti lang ang bumabyahe dahil sa SARS. Subdued, medyo malungkot. Tulad ng nakagawian ko, tuwing umaalis, bumibili ako ng libro sa bookstore ng airport para mabasa sa flight . Ang napili ko ngayon ay yung “Kitchen Confidential” ni Anthony Bourdain. Siya yung nasa Discovery Travel and Adventures, yung cook na taga New York na umikot sa buong mundo para ma-experience ang mga iba-ibang pagkain. Anyway, uneventful ang 6 hour flight to Seoul, the way I want it to be.
12th WEDDING ANNIVERSARY
iniimbita ko nga pala kayong lahat sa 12th wedding anniversary namin ni jet sa linggo. samin nang lahat ng pagkain at inom, basta punta lang kayo sa flat namin. alis lang ako sandali, pagbalik ko, SAGOT KO KAYONG LAHAT!
BYAHE NA NAMAN, WOOOHOOO!!!
ang pag-pasok ng linggong ito ay medyo exciting na naman. since medyo tapos na ang SARS dito sa singapore, pwede na ulit mag-travel. medyo matagal na rin kaming na buro sa opisina. ang huli kong byahe ay nung february pa. yung boss ko ay nauna na ngayong gabi papuntang tokyo, we will hook-up on friday in seoul, korea. my flight leaves on wednesday. iwan ko ulit si jet dito sa singapore hanggang sa pagbalik ko sa sabado.
DEDICATED TO THE ONE I HEART
Gusto ko lang i-dedicate ang susunod na awitin sa aking maybahay na si Jet, ang ex-nurse na may kaakit-akit. mylab, para sa iyo itong susunod na kanta ng Allman Brothers Band, na pinamagatang “Blue Sky”. hehehe… para tayong may programa sa radyo.
WHAT TO DO WHEN YOU COME HOME AND YOUR WIFE IS SLEEPING
natutulog ngayon si jet, pagod sa kakaplantsa. wawa naman baby ko. alam ko na – ipagluluto ko siya ng spaghetti! at saka fried chicken! at saka kanin! at sala nilagang baka! bwa-ha-ha-ha. sandali lang naman itong gawin kasi… ipapa-init ko na lang! ngya-ha-ha. puro tira-tira lang na ulam namin nung isang linggo kasi ang ulam namin ngayong linggo! he-he-he… isang microwave ka lang! ngya-ha-ha
ang pag-iisip ang siyang nagbibilang.


