yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.
Category Archives: MY WIFE
ANG MABUTING BALITA AYON KAY SAN HUDAS, PART 4
ang mabuting balita? may trabaho na si nurse jet.
kaya huwag na tayong mahiya mga brader and sister – (in the style of brother mike) iwagayway na natin ang ating mga puting bimpo at sabay sabay nating isigaw – “WOOHOO, PRAISE THE GOD!”
EMEN.
And if I should fall behind
ang topic namin ngayon sa “The Rebels Without Because” ay tungkol sa poverty at ito ang contribution ko. this isn’t really a poverty post but it’s very close. this is about our struggling years as husband and wife. i’m sure you know the story by now, but i’ll tell it again because it’s a great story. i met jet when i was just out of college, oh maybe 18 years or so ago. i didn’t have any job at that time but i was confident (or maybe even stupid or naive to believe) that i’d immediately get work. our family also didn’t have much and was struggling. i didn’t have any money myself – all i had was my education and a lot of bullshit. well, i did get a job a month after graduating and it paid big: 2,000 pesos. just enough to give my mom some money and expenses to get to and from work.
Moon appears to shine
hello mylab,
happy birthday. hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, heto ang isang regalo para sa iyo:: awit galing sa puso. sana magustuhan mo itong cover ng isang classic ni frampton. naghahanap ako ng angkop na kanta na magsasabi kung gaano kita kamahal – naisip ko nga para talagang senti, bakit hindi na lang isang 70’s song na mayroong lyrics na bagay nga sa gusto kong sabihin sa iyo: “baby, i love your way. i wanna be with you night and day“. sige na magkabaduyan na tayo sa special na araw na ito, ok lang sa akin. paraan ko lang naman para masabi na – maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. maraming salamat sa mga tawa at ngiti. maraming salamat for being by my side kahit nakakalbo na ako’t malaki ang tiyan. happy birthday mylab.
lab U.
jay
PS oo nga pala, gumawa ako ng “haikung hindi” para sa iyo. sana magustuhan mo rin. heto…
ako’y iyong minahal,
kahit minsan ako’y kupal.
you are a wonderful.
Only the beginning of what I want to feel forever
ngayon ang ika labing apat na anibersaryo ng kasal naming mag-asawa. labing apat. packingsheet – seven year itch taymis two. bwahahaha. ang tagal na namin ni jet ano? pero hanggang ngayon masarap pa rin ang sex life namin. buti na lang. pero teka, taympers… bago tayo magpatuloy, imagine nyo na lang muna na tumutugtog ang “ode to joy” ni beethoven para mas madrama. ok, tuloy ang kwento: alam nyo, ngayong taon eh pakiramdam ko, maraming magbabago sa buhay namin ni jet. parang natatakot nga ako dahil hindi ko alam what the future will bring. i just take comfort in the fact na sa 14 years naming pagsasama, wala kaming hinarap na hindi namin nalamapasan with flying colors. in fact, di ba, nagsimula nga kaming magsama eh wala kaming ka pera pera at hindi na nga kami nakapag pakasal sa simbahan. doon lang kami sa munisipyo ng kalookan sama ang dalawang kaibigang naging ninong at witness.
tapos ang reception pa namin ay sa jollibee sa sangandaan ginawa. kaming dalawa lang ni jet – chicken joy at french fries with large coke and extra rice lang ang handa. pagtapos ng kasal, nakitira lang kami sa mga mommy ko at nakituloy sa isang maliit na kwarto na may single bed. simple lang. siguro kaya rin kami naging close na mag asawa: kasi pag nag-away kami, hindi pwedeng hindi kami mag bate bago matulog dahil pang isahang tao lang ang kama. wala kang tatakbuhan kaya mapipilitan kang makipag areglo. hehe. nakakatawa nga – ngayon, king size na ang kama namin pero magkadikit pa rin kaming matulog. and just as well. you don’t know what hapiness is hanggang hindi mo nararamdaman kung papaano gumising sa umaga na katabi ang mahal mo na nakaakap ng mahigpit sa iyo. yun yung sinsasabi kong mga maliliit na bagay na pag pinag dugtong dugtong mo ay nagiging isang makabuluhang pagsasama. may request nga pala ako, punta naman kayo sa website ni jet at mag iwan kayo ng comment. sabihin ninyo, inutusan ko kayong magpunta roon para batiin siya ng isang happy 14th year wedding anniversary. sa pagsasama kasi namin, napakalaki ng naitulong niya para marating namin ang narating namin. hindi man kami mayaman sa salapi, eh busog naman kami sa pagmamahal. at malaking bagay dito ay dahil sa aking mylabopmayn.
When you realize you want to spend the rest of your life with somebody
GENTLE READER: dear unkyel batjay, gusto ko lang po kasing magtanong. mag aasawa na po ako this year – ano ba ang dapat naming gawin ng boypren ko para tumagal kami ng tulad ng pagsasama ninyo ni ma’am jet?
BATJAY: buti naman at natanong mo iyan gentle reader. una sa lahat, masaya na ako kasi narito na nga sa singapore ang mylabopmayn ko after 4 months naming paghihiwalay kaya tapos nang maliligayang araw ko sa pagjajakol. alam mo, parati na lang tinatanong sa akin ang sikreto ng isang relationship. ang parati ko namang sagot ay – ewan ko. i guess it’s the small things na ginagawa ninyo sa isa’t isa na pag pinagdugtong dugtong mo ay makakabuo ng isang napakaganda’t makulay na tapestry. sabi ng kaibigan kong matanda sa akin eh kailangan daw ng Ajinomoto sa isang relationship. dapat daw kasi parating malasa ang inyong pagsasama para di madaling magsawa. siyempre, importante rin ang sex. kaya kayong mga kalalakihan, huwag puro slam bam thank you ma’am. kailangan matagal ang foreplay at sabi nga ng mga kaibigan kong babae eh kailangan daw huwag mag premature ejaculation. importante rin ang sense of humor sa pagsasama. kailangan sa gitna ng adversity ay may tawanan pa rin. pero kailangan pag nag premature ejaculation ay walang tawanan.
Ever has it been that love knows not its own depth
narito na ang mylabopmayn ko sa singapore pagtapos ng humigit kumulang ay mga apat na buwan din naming pagkakalayo. masakit talaga ang mawalay sa mahal mo sa buhay. pero sa isang banda, maigi rin ito dahil nalalaman mo talaga ang halaga ng isang tao pag siya’y wala sa tabi mo (kahit sandali lang as in our case – but it did feel like an eternity). minsan kasi you tend to take for granted, the things that matter the most to you simply because you see them everyday. separation, my dear friends, makes sure you never ever forget. sabi nga ni janice jurado kay johnny wilson doon sa sitcom of my childhood – “johnny baby, what are you taking me for? GRANTED?”
may nakakatawang nangyari sa amin kaninang madaling araw nang sunduin ko si jet – nakarating kami ng bahay from the airport carrying the wrong maleta. siguro dahil na rin sa over excitement namin or sa pagkapagod ko. perhaps both. we ended up going to the airport twice dahil we needed to return the wrong bag and reswitch. kaya pala biglang naging two wheels yung four wheel maleta namin. for a moment there, akala ko na-maligno ang suitcase. pero ok lang. masaya naman kaming nakauwi (ng dalawang beses din siyempre).
THE REBELS WITHOUT BECAUSE ON “PERS LAB”
baka may kaunting oras kayo ngayon para magbasa, dalaw kayo doon sa community website namin na “The Rebels Without Because“. nabanggit ko na previously di ba na each of the thirty three members post entries on a common topic. nasa homestretch na kami ng second topic tungkol sa pag-ibig at masaya na naman ang talakayan doon. basahin ninyo kung papaano umiibig ang mga kuya at ate ninyong mga forty something. some of the stories are funny, yung iba ay serious, yung iba naman ay dreamy but all are interesting.
yung entry ko sa “PERSLAB” entitled “NADAAN AKO SA TAWA” ay tungkol sa unang pagkikita namin ng asawa kong si jet at kung papaano akong nabighani sa napakalakas niyang tawa. iba rin ang epekto talaga ng humor sa pagsasama ng mag-asawa. kung walang tawanan sa relationship ninyo – patay. bagsak agad ang bataan. seventeen years na pala kaming magkakilala this april. not bad ano, for a relationship that started with laughter (or is it “a relationship that was started by laughter“). don’t get me wrong, masarap pa rin ang sex life namin, even if we’re in our fourties. in fact, it’s been fantastic (malibog kasi ako eh). oragon (sa bicol). pero iba talaga pag nagsasama kayo at parating may tawanan. sometimes it’s better than sex.
Cheerful cheerful flashing a big smile
punong puno ng action ang friday ko. muntik na akong hindi nakasama sa bintan, indonesia para sa aming weekend getaway. nakalimutan ko kasi na yung passport ko ay nasa indian embassy. kumukuha ako ng visa dahil may trip ako sa curry land ng end of the month. alas singko ng hapon ay kumakaripas ako ng takbo sa opisina ng travel agent namin upang makuha ang passport ko. nakuha ko ng six. uwi ng bahay at diretso sa ferry terminal kasama sina leah, eder at jet ng seven o’ clock. photo finish. tapos nagsuka ako from start to end sa loob ng ferry. ang yabang yabang ko pa – kain ako ng kain ng tuna sandwich kahit maalon. nakikipag biruan pa’t pakanta kanta. one moment normal ako, the next moment para akong naglilihi. hindi pala maganda ang pakiramdam ng sumusuka sa toilet bowl habang hinahataw ang katawan mo left and right ng malakas na alon. pakiramdam ko eh parang akong na rape ng tatlong sumo wrestler. hah! akala ko ay malakas ang sikmura ko. hindi pala. pero yon lang naman ang masamang nangyari sa buong trip. the rest of the weekend was a blast. one word: PAKINGSHEET ANG SARAP. ay, three words pala. hehehe.
One shade the more
happy birthday mylabopmayn. bukas kasi ang 41st birthday ng asawa kong si jet. siyempre mukha pa rin siyang 28 years old at para nga siyang bumabata every year. di tulad kong tumatandang kalabaw. some girls have all the luck. pero masuerte nga si jet. ever since pinanganak siya ay parang may nagbabantay na sa kanyang anghel dela jaguar. ang tutuong pangalan ni jet ay theresa hazel. ang ganda ano? paano ito naging jet? siyempre may story behind every name. here’s hers… pinanganak si jet ng less than nine months. hindi sa taxi pero muntik na. kasing laki raw siya halos ng kuto ng siya ay lumabas at super bilis. one moment nasa loob siya ng tiyan ng mommy niya, the next moment humahalakhak na siya sa kama. hanggang ngayon humahalakhak pa rin siya, which is one of the things i like in her. if you’ve met her, you’ll know what i mean. she has a laugh that is infectious – parang bubonic plague. nakakahawa! asan na ba ako? ah, ok… oo nga. pinangalan nga si jet na jet dahil para siyang jet na dumating sa mundo: super bilis. ito siguro ang isang dahilan kung bakit kami compatible. kasi siya ay premature baby at ako naman ay premature ejaculation. buti na nga lang at magaling akong mag tumbling tumbling nung sperm pa lang ako at nakaabot din ako sa paroroonan. hanggang ngayon, dala ko pa rin ang talent na ito kasi magaling akong mag tumbling sa kama. but that is another story.
