dahil commuter ako sa singapore, ang MP3 player ko ang nagtatanggal ng inip sa byahe. imbis na gayahin ko yung kupal na nangungulangot sa train, nakikinig na lang ako ng musika. ang aking gadget of choice sa tugtugan ay ang aking pinakamamahal na iPod.
Category Archives: MUSIC
WHERE BROKEN HEARTED LOVERS DO CRY AWAY THEIR GLOOM…
sa mga di nakakakilala sa akin, ako nga pala si batjay, ang “elvis presley ng quiapo“. tingnan mo yung picture ko doon sa upper right ng screen. hindi yung aso ha. your other right. di ba kamukha ko si elvis na may gitara? gawa iyan ng idol kong pinoy artist na si dengcoy miel. i digress, back to elvis… i’ve loved elvis’ music simula pagkabata. wala pa akong buhok sa pwet, paborito ko na siya. until the end of his life, in spite of the drugs, overeating binges, pagka praning and all that crap, his voice never failed him. i loved that voice and tried to imitate it but all i could come up with is a poor edgar mortiz imitation. dang. pero ok lang, sabi nga ni elvis eh “that’s alright with me”.
o siya. heto na ang tribute ko kay elvis: “are you lonesome tonight“, alay ko sa lahat ng mahahaba ang patilla. pakinggan nyo na lang. habang kinakanta ko nga pala ito, naghuhugas ng pinggan si jet kaya maraming mga platong kumakalampag. pakinggan nyo rin yung ending, parang si elvis mortiz talaga. hehe. andy kaufman man lang sana.
WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN
old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”
nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.
IN MY LIFE
di ako makatulog. excited siguro masyado sa pag-uwi ang tumbong ko at di mapakali. lipad na kami ni jet in a few hours time pabalik sa bayang magiliw. special ang pag uwi na ito: makakapag celebrate kami ni jet ng aming 13th anniversary with our family and friends. siyempre 80th birthday din ng mommy ko. it’s also about the same date that jet and i decided to move to singapore, three years ago.
looking back nga, ang dami nang nangyari sa buhay ko itong mga nakaraang taon. hanggang ngayon di ko pa rin alam kung saan kami dadalhin nitong byaheng ito. ok lang, kahit saan. pero teka, huwag lang sa india. marami kasing holy cow doon eh.
isa sa paborito kong kanta ng beatles ay yung “in my life”. somehow, it best describes how i feel about this trip home. ni record ko nga kanina. practice lang dahil baka ito ang kantahin ko sa program during my mom’s party. alay ko rin ito sa mylab ko. pakinggan nyo. bibilisan ko lang siguro ng kaunti. nababagalan ako at para akong lasing na DOM. kulang na lang magsuot ako ng puting pantalon, bulaklaking polo at alahas.
THE MESSAGE MAY NOT MOVE ME…
eto ang mga nadagdag sa cd collection over the past year. not much, but it’s a weird mix. kinda tells you what kind of person i am. hehe. di na ako bumibili like i used to. siguro, dahil masaya na ako sa collection namin ni jet. at saka at one point, naging suki kami ni kazaa.
SUICIDE IS PAINLESS
two weeks ago, pinanood ko ang “M*A*S*H” (yung masterpiece ni robert altman, hindi yung tv series). ever since, di na nawala sa loob ng ulo ko yung paulit-ulit na pagkanta ng “suicide is painless“, the lyrics of which incidentally, was composed by altman’s son. kahit saan na lang kinakanta ko ito – sa banyo, sa opisina, sa train (much to the amazement of the other passengers). nung di ko na matiis, kinuha ko yung gitara kanina at nirecord ang aking take sa kantang ito. pakinggan nyo na lang.
ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK
nag simula akong mag-aral ng gitara ng 1979, a great music year. it was also a time of great change for me. i was 13 years old at bukod sa problema ko about my daily erections, my mom and dad had just split up. para matanggal ang lungkot, nag-aral akong mag gitara. self study lang, kaya amateur pa rin ako to this very day.
nalaman ko: ang pinakamadali palang paraan para matuto ay basahin ang jingle magazine beatles chordbook. pag tiningnan mo kasi ang mga kanta ng beatles – from their early days to their final “abbey road” LP, mayroong progression ng degree of difficulty. so, you start with the 3 chord, “love me do”. then as your skill grows, you try their “revolver” songs then graduate with the hard songs of “sgt. pepper’s” and the “white album”.
one weekend, i took out my guitar and recorded some songs. no overdubs, no practice – just plain 1 take eveything kaya recorded lahat ng mga mali, tawa at background coaching ni jet. online na ang mga ito ngayon at pwede nyong marinig (kung gusto nyo, hehe) sa “MGA KANTA NI BATJAY, ANG DATING FOLK SINGER NG MA MON LUK”. hindi naman ako magaling kumanta but i’ve got a lot of soul (and a lot of lakas ng loob). kaya, pag pasensyahan nyo na.
LAST SONG SYNDROME NG MGA MARTIAL LAW BABIES
narining nyo na ba yung term na last song syndrome? bueno, kung ikaw ay lumaki during the ’70’s, bibigyan kita ng magandang last song syndrome song that will bug you for the rest of the day. ARE YOU READY? here it is… click nyo na lang yung kanta below para masaya.
(guitar intro: trang-ta-ra-rang-rang-rang)
JUST THE TWO OF US
“Good things might come to those who wait,
but not for those who wait too late”
bill withers, from “just the two of us”.
mas masarap kung kakantahin mo ang linyang ito. it flows out of your mouth perfectly. kanina ko pa nga kinakanta eh. itong isang linya lang na ito, paulit-ulit…paulit-ulit…paulit-ulit…paulit-ulit. oops, nandyan nang mga pulis, nagreklamo ata ang mga kapitbahay.
INDUSTRIAL STRENGTH BLUES
si binky lampano – idol kong artist. he may not be as big as the e-heads or parokya ni edgar, but binky lampano is in my top 10 list of the best rockers in the philippines.
he’s right up there with pepe, bosyo, lolita carbon, sampaguita and the jerks in my list. watch these guys perform live and you’ll know what i mean. sayang nga lang, you won’t have the chance to watch edmund “bosyo” fortuno because he is already playing drums, right alongside keith moon, john bonham and gene krupa, in that great big rock and roll gig in the sky.
nasan na ba ako… ah ok. binky lampano.
i still have his tape at home. tangina kasi, hindi gumawa ng CD ang record company niya eh. pinapakinggan ko ito from time to time pag nasa pilipinas kami. nung araw parati akong may balita tungkol sa kanya dahil maraming beses na siyang nakasama ni dante, sa mga concerts at minsan naiimbita sa pinoy rock and rhythm show niya sa RJ.
jet and i watched BINKY and the NIC in makati for 2 straight weekends many many moons ago. there weren’t many people but it was one of the best concerts we have ever attended. he is one hell of a guy to watch live, i can tell you that.
he also played with the jerks and tropical depression during the benefit concert for the brain surgery of my brother dante. they sang “reklamo ng reklamo“, covered the doors’ “riders on the storm” and for their finale sang van morrison’s classic, “G-L-O-R-I-A“, with papadom, rolling on the stage and stealing the show.
while searching the net, napansin ko na may website pala si binky. mayron siyang Lampano Alley at naron lahat ng information sa mga bago niyang material. mayron din siyang menu page kung saan napansin ko na lahat ng kantang binaggit niya dito eh nasa play list ng MP3 player ko. ang galing man.