yung mga parents ko, hindi rin nila pinili para sa akin kung ano ang dapat kong maging propesyon. maswerte ako dahil hindi sila conventional na pinoy na magulang at the time na halos ipilit nila sa mga anak kung ano ang dapat na kuning course sa college. di ba nga, yung mga ibang mag-asawa, mag-aanak ng anim para mayroon silang doctor, engineer, nurse, abogado, accountant at pari. tapos pa nga, yung mga nasa probinsya, gagawa ng sangkatutak na karatula para i-display nila ito sa labas ng bahay yung mga natapos ng kanilang mga anak. halimbawa, kung gusto ng mga magulang ko na mag paskil ng karatula sa labas ng bahay namin, pwede nilang ilagay:
Nicanor S. David, Jr.
Computer Engineer
(tumatanggap din ng labada pag linggo)
but i digress. siguro, kung yung mommy ko ang nasunod, baka ipinilit niyang maging pari ako dahil very religious siya nung time na yon. eh di sana mayroon nang Fr. Jay sa pamilya namin. buti na lang, hindi ito nangyari dahil siguradong hindi ako tatagal. masyado kasi akong malibog. kung ang daddy ko ang nasunod, baka pumasok naman ako sa broadcasting tulad niya. actually, during that time, nag apply ako ng communications sa UP bilang alternate course, in the hope na susunod ako sa kanilang dalawa ng kuya ko. alas, hindi pang showbiz ang talent ko at hindi ako pumasa sa entrance test. i sometimes wonder what would have happened if i had made a different choice.
yung mga sangandaan ng buhay, punong puno ito ng misteryo.
Isa lang masasabi ko… buti na lang walang Fr. Jay.
at saka buti na lang walang Sr. Jay.
hahaha! Nakupo! Buti na lng talaga di ka naging pari… Naiimagine ko na ang magiging sermon mo.. Hahaha! “Bwakangkang kayo, late nanaman kayo sa pagsimba. Siguro nga talagang pahalang ang peks nyo kaya mabagal at pabakang kayo maglakad.” and the likes na speech. Hahaha!
I remember a very strict jesuit priest, ayaw namin mangumpisal sa kanya kasi biruin nyo bigla na lng lumakas ang boses dun sa kumpisalan. “What?! You masturbated?!” hahahaha! All eyes naman kami sa lumabas na lalaki.hehehe!
isa pa, hindi na ako naniniwala sa diyos.
that’s sad… I will not argue with you with that kasi sa paniniwala at conviction ng tao na yan eh… Never argue about politics and religion, ive read somewhere…ü
by saying it’s sad, you just did.
it’s not sad at all. on the contrary, it’s liberating and fun.
ooopps…ü hehehe!
ok lang. 😀
pero let me clarify: mas agnostic ako kaysa atheist. sa madaling salita, the existence of god maybe true but i am not convinced yet.
oi… Naedit..ühehehe! For a moment, you had me thinking there.. And had me research the net about agnosticism… While ur latter answer is the most honest answer, i think. And i guess, well thought of and with inner reflection pa.ü Many do doubt sometimes, some still holds on to their belief while others do otherwise.. But what is more important is you don’t hurt people, don’t take advantage of others inorder to get ahead,help others in your own little way, making people happy so that in some way ease out problems, loneliness and homesickness even for a moment, loving your family, and of course loving faithfully ur one and only,c mam jet na un..ü if i may dare say “christ-like” sort of?ü Only that you swear bwakang&#@, tang¡£@ and such and so beri malibog and ader kalokohan dat yu tink op ol da taym.ü and wid dat beri makulit-likut mind op yours lies a very very curious and intelligent mind that asks and dissect all info that may cross its path.. May it be God or not.. At sino ba kasi ang di malilito sa dami-dami ng mga religions na pnakakakitaan lang ng iba at tax-free pa.. Bow…
Maybe if you did become a priest, I’d still be going to church — your church! LOL!
thank you. if i became a priest, i wouldn’t be going to my church.
Tumatanggap ka rin pala ng labada. Sayang at ang layo mo samin. hahahaha
compeng ka rin pala bossing..
sabi ng tatay ko nung pa-college ako, kung ano daw sa tingin ko ang feel ko yun ang kunin ko. tapos nung eng ang napili ko sabi sa akin, 5 yr course yan, 6 yr lang ang ibibigay ko sa’yo. heheh
sa school naman during 4th yr HS, sabi ng titser ko magaling ka dito, mas maganda yan ang kunin mo. buti nga kayo bossing me karir ek-ek, sa dako sa amin di uso yun.
nga pala, minsan nakausap ko si erpats ng nauwi ako ng pinas nung nasa gapore pa ako, sabi sa akin: doctor na pala yung kaklase mong si _____, mas magaling ka naman dun ah. hehehehe
bote, hindi como naging doktor, magaling.
gusto maging cool ni erpats, bossing, na kami pipili ng gusto namin pero nahalata na meron syang mas gusto para sa amin. 🙂
mas gusto ko nga kung ano ka ngayon!.. at least may kwentongtambay!
Kung nanay ko nasunod e Nurse din sana ko… Sayang daw kasi yung mga uniforms at books nang sister ko… “Isipin mo matitipid natin!”
Sabi ko “Nanay naman UP yun, gusto ko namang jeep ang sasakyan hindi puro tricycle”
hek hek
naku, curious ko lang anong pangalan ng simbahan mo at anong bibliya gamit mo haha
San Hudas Parish Church
Biblia ko ay yung Principia Mathematica ni Isaac Newton.