half day ng buong buwan ng enero nung senior year ng high school ko ay devoted sa career orientation. nag iimbita yung guidance counselor namin na si miss yap ng mga alumni galing sa iba’t ibang mga propesyon para magsalita tungkol sa kanilang mga career. ang objective ng activity na ito ay para malaman mo kung ano talaga ang gusto mong maging, pag laki mo.
araw-araw nung buwag na iyon ay may nagsasalitang mga tao: doctor, dentista, accountant, pari. all boys school kami pero maramng mga sister na bading. sayang at walang nagsalitang madre. anyway, yung nagsalitang engineer nung career month namin nung january of 1983 ang naging dahilan kung bakit ako napunta sa kinaroroonan ko.
nakakatawang isipin na isang oras lang na pagsasalita ng isang taong hindi mo naman kaano-ano ang magtuturo sa iyo sa kung anong landas ang paroroonan mo.
yan nga bossing ang dilemma ko ngayon. gagraduate yung anak kong babae ngayong May at gusto nya ay engineering. pasok na nga sya sa University na gusto nya with full-tuition scholarship.
ang kaso lang, hindi nya malaman kung sang specific field sya. medyo kumikiling sa chemical tapos magtatanong na sa akin, e wala naman akong masabi kundi nasa sa kanya kung saan nya talaga gusto. sana, me lumabas din sa bibig ko na magiging inspirasyon nya tulad ng nangyari sa iyo.
ikaw ba boss, ano linya mo? at baka ikaw na hinihintay nyang maging “modelo”.
kailangan bang piliin na agad ang major niya? sa amin kasi nung araw, although kailangan mong i-specify ang major mo during the first year of school, pwede kang mag request ng change pag majoring na.
chemical engineering is a great field. kung kumuha pa siya ng computer courses as a minor, pwede siyang maging controls engineer pagka graduate, tulad ko.
pero ang pinaka importante siyempre, gawin niya ang gusto niyang gawin. you know: Climb ev’ry mountain, Search high and low, Follow ev’ry by-way, Every path you know and all that shit.
unkyel, i’ve been on both sides ng ganyan sa Notre…I’ve been both a spectator and a speaker…at oo, nakakaaliw isipin na naging ganito ako dahil sa isang tao na nagsabing maraming pwedeng trabahong pasukin ang isang accountant/economist…pero mas na-high ng may minsang lumapit sa akin para sabihin na “ser salamat, naging accountant ako dahil sa talk mo nung career day”…
may career month pa ba sa notre dame ngayon? kung tinaggal nila, sayang.
wala na po. pero pabugso-bugsong career orientation at isang career fair. bagong graduate po ako ng notre.
sayang. para sa akin, yung career month sa notre ay importante kasi ito ang naging basis ko para piliin kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko.
maswerte ka at bata ka pa lang e may focus ka na agad. Ang daming basta tumuntong ng college na hindi nila alam kung ano ang gusto nilang mangyari.
buti nga sinuportahan ako ng parents ko at tinulungan ako ng school. sila dahilan kung bakit ako napunta sa pinuntahan ko.
parang nung first week ko ng college bossing, me mga titser na itinatanong kung bakit eng’g ang kinuha ko, sabi ko sabit lang po ako sa barkada ko nung nag-take sila ng exam dito, eh pumasa kaya andito po ako ngayon.
awa naman ng mga prof ko, naka-graduate at nagkatrabaho naman. ehehehe
ang importante eh kahit iba yung experience mo ay napunta ka rin sa career na hilig mo.
sabi nga ng sa kasabihan – “matalino mang ang matsing, sa simbahan pa rin ang tuloy” or is “it sa pagkahabahaba man ng prusisyon, unggoy pa rin”
It’s different when you grow up here in the States, first or second generation. I think your parents play a HUGE role into what career path you will (or won’t, if you’re a rebel like me) be taking.
it’s the same, i think, in most asian families where parents almost bully their kids into choosing course and eventual career.
i know of someone who took up engineering in a really good university in northern california because her parents wanted her to. she did graduate but now she’s in the entertainment industry because that’s her passion.
a very nice reflection 🙂
thank you mylabopmayn.
Serious at malalim ka din po pala..ü nung kapanahonan ko i initially took up Accountancy because my mom was a frustrated accountant and my favorite uncle is a successful one. Good thing bumagsak na ako before kami mag3rd year! Hehehe! Kundi boring life ko trying 2 compute and balance those damn numbers hanggang ngayon! Whew!ü pareho kami ng isa kong cousin.. We can’t help but do a high 5 just thinking out loud about it..
Wala kasi kaming ganyan sa school namin dito banda ng world. May series of psychological tests naman na binigay ng counselling nung freshman kami sa ateneo but kasi nga magaling ako mang-psycho, at cguro nga psycho din ako (bwahahahaha), yung answers na sinasagot ko dun sa questionnaires ay sadyang pina-incline ko dun sa course na knuha ko.. Thinking about it, bad yung gnawa ko kc i am not truthful about it. May tinatawag kasi na “honest” at “correct” answers… Kagaya kong tinatanong ko asawa ko kung maganda, sexy o kung masarap ba niluto ko sinasagot talaga nun ay a superlative YES!ü hehehe! Kaya ang sunod na tanong ko “is that an honest or correct answer neney ko?”. Haay magaling din palang mang-psycho.. Mabilis na natututo..hehehe!
paminsan minsan may kalaliman sinasabi ko. minsan lang naman kasi kadalasan mundane topics lang na may kagat. ni reverse engineer mo siguro ang mga sagot mo sa psych test sa ateneo ano?
parang ganun na nga.ü feeling ko kasi pag-iiba ang result ng test, ipapa-advice to shift ako.. Twisted ang right and wrong ko,lahat according sa right and wrong Nila. masyadong takot dahil nga sobrang masunurin ako. Dati.ü Ngayon, mas assertive na ako. D na ako takot mgkamali, pero dapat sana dati pa para mas wiser na ako ngyn.. But,well, may bukas pa naman.ü
ganyan talaga, we learn our lessons as we mature. kaya nga sabi ni shaw – youth is wasted on the young.
sinong shaw ba yan? Si lin,blvd o si haw?ü hehehe! Di naman po kasi pwdeng youth is wasted on the old. Toink! Ang corny ko na.hehehe!
george bernard shaw
Buti pa kayo may career orientation. I was so f*cked nung senior year ko dahil di ko pa din alam kung ano talaga gusto ko. In the end, I went for the “newest” trend 😀
Hanggang ngayon I admit that was stupid way of going about it. Ni hindi ako nagka-interest na alamin what the course was about etc.
You’re lucky coz you made the jump with open eyes. Me, I actually struggled and felt trapped on my first year. Kasi nga engot.