The nice part about living in a small town is that when you don’t know what you’re doing, someone else does

lumaki ako sa barrio talipapa, novaliches.

hayan, nasabi ko na nang hindi ako nahihiya. nung araw kasi, pag tinatanong ako kung saan ako nakatira, ang sinasabi ko lang ay “sa novaliches”. hindi ko masabi ang “talipapa” kasi pinagtatawanan ako dahil nakatira raw ako sa palengke. hindi na siguro obvious ngayon dahil marami nang nag-bago, pero nung 1970’s, mayroon talagang maliit na palengke sa kanto, kaya nga tinawag na “talipapa” ang barrio namin. gustong gusto kong mamalengke doon kasi “pogi” ang tawag ng mga tindera sa akin. ang hindi ko alam eh pogi pala talaga ang tawag ng mga tindera sa lahat ng namamalengkeng lalaki roon in the hope na bibili sila ng mga paninda. sucker.
Continue reading

Memory is a complicated thing, a relative to truth, but not its twin

may nabasa akong article nung araw na nagsasabing ang earliest memories daw natin ay, more often than not, emotionally tragic events. ewan ko kung tutuo, sa sobrang tagal na kasi eh hindi ko na maalala ang detalye nung article. baka nga na twist ko ang information na ito with childhood amnesia. memory plays tricks on you sometimes. kanina ko pa nga iniisip kung ano ang pinaka earliest childhood memory ko at heto ang mga snapshots na lumalabas.
Continue reading

ALIVE

dear kuya,

naalala mo ba nung bata ako, parati mo akong kinukwentuhan tungkol sa mga iba-ibang animals? nung nasa novaliches tayo, parati mo akong pinapasyal sa ilog para tingnan yung wildlife doon. kahapon kasi, nagpunta kami sa dana point para mag whale watching. ang layo na ng narating ko ano? thirty years ago, magkasama tayo sa tullahan river para panoorin yung mga gurami at isdang kanal na lumangoy doon. ngayon, eto na ako, nakasakay sa isang malaking bangka (‘dapor’ ang tawag natin dito nung araw. naalala mo ba?) para panoorin ang mga blue whale sa california coast. migration season nila ngayon at sinuwerte kami kahapon dahil naka ilang sighting kami.

Continue reading

DEATH BY POWERPOINT

halos isang linggo na akong nakakulong dito sa isang hotel sa southern california. annual company conference at mahigit limandaan kami ritong galing sa iba’t ibang parte ng mundo ang parang mga gagong nakikinig sa iba’t ibang mga presentation simula 7:30 ng umaga hanggang 5:30 ng hapon. habang lumilipas ang mga araw, nakakaramdam na ako unti-unti ng pagod. ito ata ang tinatawag nilang death by powerpoint. pero ok lang, bilang kunsuelo de bobo kasi, binigyan kaming lahat ng bagong iPod nano. ok na sales tool ano? lahat ng mga recording ng mga topic ay nakaload sa iPod para pag uwi mo sa kung saang parte ng mundo ka man galing eh pwede mong balikan ang mga presentation na narinig mo during the conference.
Continue reading

OCCAM’S RAZOR

happy 15th anniversary mylabopmayn! yung daing na bangus na ulam namin ngayong week ay further proof ng matagal ko nang paniniwala – the simple things in life are the ones that provide the greatest pleasures. minsan sa sobrang kasimplihan, you take them for granted. but in your heart of hearts you know that they are the ones that matter the most. sa pagsasama namin bilang mag-asawa ni jet, ito ang isa sa pinaka importanteng lesson. hindi ko naman sinasabi na ang pagsasama namin ay parang daing na bangus. ang point ko ay ito: una – ang mga simpleng bagay sa relationship namin ang nagbibigay sa akin ng pinakamalaking satisfaction. ikalawa – pag pala ginawa mong uncomplicated ang pagsasama ninyo, malayo ang inyong mararating. kung mapapansin ninyo siguro, naka instrospective senti mode ako ngayon. hindi ko mapigilan kasi major milestone ang araw na ito para sa aming mag-asawa: 15th wedding anniversary kasi namin ngayon.

Continue reading

BORN TO BE WILD

ang buwan ng mayo ang isa sa pinakamasaya sa amin sa novaliches nung bata ako. summer vacation kasi at nakakapaglaro kami sa labas hanggang late at night. fiesta rin sa amin sa barrio talipapa at taon-taon na lang ay mayroong dumadayo sa amin na perya. bukod sa mga regular rides ay maraming mga tents kung saan makikita ang iba’t ibang freak show – may taong pagong, babaing pinaglihi sa octopus, mga duwende at kung ano ano pa. pero ang pinakasikat doon sa mga attractions ay si “ANIWAY, ang taong bundok”. mukha talaga itong wild man dahil naka damit tarzan, balbas sarado at mayroong kadena sa kanyang leeg para hindi makawala. gabi-gabi na lang ay nagbabayad kami ng 25 centavos para mapanood namin siyang sumigaw, umakyat sa poste na parang unggoy at ang finale niya na pinakahihintay ng lahat – kumakain siya ng buhay na manok. takot na takot nga kami sa kanya dahil akala namin ay talagang wild man from the jungle siya. sino ba naman kasing normal na tao ang kakain ng manok na buhay?
Continue reading

In every real man a child is hidden that wants to play

simula nang makalipat kami sa bagong apartment, ang daming nagregalo sa amin ng kandila as a house warming present, halos lahat scented – sarap ngang amuyin ng mga lekat. nilalagay namin ang mga kandila sa loob ng banyo at ginagawa namin itong parang air freshner. sarap nga, pag ume-ebs, para akong nasa loob ng simbahan lalo na pag patay ang mga ilaw. hehe. tapos masaya pa pag tapos kong gamitin ang banyo – hihipan ko ang mga kandila at kakanta ng “Happy Birthday to you!” sa loob. para nga akong sira ulo pero di ko talaga mapigilan. hindi pwedeng hindi kumanta ng happy birthday every time i blow candles dahil parang nakaprogram na ito sa aking kaluluwa.

When a man opens a car door for his wife, it’s either a new car or a new wife

bukas na ng tanghali ang actual driving test ko. magmamaneho ako ng kotse habang may nakaupo sa passenger seat na magbibigay sa akin ng grade. pag pumasa ako rito ay mabibigyan na ako ng california driving license. pag sumabit ako eh maglalakad na lang siguro ako papunta sa opisina. kinakabahan na nga ako eh – ano kaya ang ipapagawa nila? magpapa parallel park kaya sila sa akin? ang hirap noon. yung “parallel” nga (eg, palaler, pararer, palerel), hindi ko ma pronounce ng maigi, actual na parellel parking pa.

Continue reading

I saw a rabbit standing in front of a candle

pag uwi ko kanina may maliit na kuneho na tumalon malapit sa paradahan ko ng kotse. muntik na akong mahimatay sa takot. akala mo nga eh may magic show. cottontail ata ang tawag sa kanila at marami nito sa opis namin pag gabi. kung minsan nga eh nasa isang location lang silang lahat – isang barkada ng mga kuneho na nakatambay. nakakatakot nga, lalo na pag lahat sila ang nakatingin sa iyo. parang may malevolence sa kanilang mata, lalo na pag nasikatan ng head light. iba na talaga ang mundong ginagalawan ko. nung nagtatrabaho ako sa pilipinas ang nakikita ko lang na kuneho ay yung nasa candy. pilit ko ngang hinabol yung gumulat sa akin na rabbit kaya lang sobrang bilis ang takbo ng lekat. pakiramdam ko, para akong si alice na nakikpag habulan down the rabbit’s hole, papunta doon sa wonderland tea party. should i take the red pill?