CLASSMATE #1: basta ako, i graduated high school – a virgin
CM #2: oo… sa kaliwang tenga!
CM #1: hindi kaliwa… kanan yata… im not sure
CM #2: ayan, naulyanin ka na ata dahil sa sobrang sex
CM #1: ulyanin nga. stick na lang siguro ako sa jakol dahil doon, mabubulag ka lang
Category Archives: FRIENDS
IT’S ALL ABOUT JOY THAT COMES OUT OF SORROW. IT’S ALL ABOUT SOUL
isa sa mga pangarap ni boss idol kaibigan kong si dengcoy miel ay lagyan ng kaunting ‘intellectual stimulation’ ang cartoons ng pilipinas. kung nabasa na ninyo ang comic strip niya sa philippine star, makikita ninyo na mayrong laman ang kanyang gawa (‘substance besides form’ as he’d always like to call it). kung kaya, bukod sa humor na parating kasali ng kanyang artwork, you will also notice an inherent intelligence. at dito sa McBayan, dengcoy has shown how an intelligent strip could look like. basahin ninyo ito sa comic section ng philippine star and enjoy the work of a true pinoy artist. nasa 2nd month na ang strip at ang star of the show ngayon ay isang pusa na nagtatago sa pangalang SPIDERMANX (isang spoof ng spiderman). masaya talaga ang mundo ng idol ko kaya masarap basahin. click na sa pic to enlarge, para masampolan ang gawa niya.
SOUNDS OF LAUGHTER SHADES OF EARTH ARE RINGING THROUGH MY OPEN VIEWS INVITING AND INCITING ME
isang beses ko pa lang siyang nakita pero alam ko na agad that he has a kind hearted soul. nakakatawa ang una naming pagkikita dahil ito yung time na ako’y naospital. medyo nahihiya nga akong humarap nung time na yon, kasi hindi pa ako nag toothbrush. hehe. sa mga online kaibigan sa pilipinas, siya lang ang dumalaw sakin – and for that, i am eternally grateful. very private kami ni jet which is why we value friendship so much. perhaps even more than people with many friends. and these gestures, like making my website template or visiting a sick friend – they mean a lot to us.
HAPPY BIRTHDAY TITO ROLLY! di ko alam kung ano ang ibibigay sa iyong regalo sir. nag-iisip ako kung isang banig na viagra or isang sakong korean bug. hehe, biro lang – alam ko namang tumatayo pa yan. hiling ko sa iyo ay mas maligayang buhay, good health at patuloy na pagdami ng mga taong katulad mo sa mundo.
ONE WAY SUNDAY
nag swimming kami kanina sa condo nina regina sabay dinner na rin. ulam namin ay yung niluto ni eder (ang papa ni leah) na sinigang na baboy. tapos, bumili rin kami ng apat na spring chicken (oo virginia, tumatalon na manok. bwahaha). enjoy kami ni jet. nakita ko na naman si leah na nag synchronize swimming mag-isa (pardon da oxymoron) at tawang-tawa na naman kami. nakakatawa, kasi kuhang kuha niya ang facial expression ng mga synchronized swimmers. nung nakita ko nga ito for the first time, mayrong isang chinese kaming kasama sa pool. pigil siya ng pigil ng kakatawa. nakita ko nga parang bumubula yung tubig doon sa tabi ng intsik. siguro nautot sa kakapigil ng tawa.
LOOKING OUT FOR NUMBER 1
dalawa ang school of utot (sa aking pananaw) sa pagsulat ng blog entry. isa ay ang mahaba in the tradition of my wife jet, ate sienna and the prolific sassy lawyer. at isa ang maikli in the style of the renaissance girl. all of them are great because they all write well. sila ang mga sample ng mga idol kong manunulat. siyempre biased ako sa mylab ko. para sa akin ay siya ang da best. hehe. pero talaga namang ok na writer si jet. better than i could ever be.
nabanggit ko ang great writers, kasi na special mention ang site ko ng isa sa kanila. maraming salamat kay “Renaissance Girl” mona para sa pag feature ng site ko. kaya pala biglang dumami ang aking hits. hehe. natuwa ako kasi matagal ko nang binabasa ang site niya and i am a big fan. magaling kasi siyang magsulat: short entries na engaging, interesting at nakakatawa in an intelligent way. and she does it well. para sa akin, one of the best writers in the pinoy blogging world. go and visit her site and find out. hindi ninyo makikita roon ang mga walang kamatayang entrada na kinaiinisan ko: “i have nothing to write so i will just talk about my nose”, or, “nothing happened today so i am writing about the scabs of my surgery wound”. kung wala ka rin lang namang masasabi eh di, you know, huwag mo na lang sabihin.
THE ANSWER MY FRIEND IS BLOWING IN THE WIND
dear unkyel batjay,
galit po ba kayo sa mga babaing may edad na walang asawa?
ingat po sa inyo,
gentle reader
SAGOT NI BATJAY:
dear gentle reader,
wala akong issue tungkol sa mga single feminist na over 40. sa katunayan nga, mas gugustuhin ko pa nga na parang pito ng pulis ang tunog ng ihi nila kasya naman mag-asawa sila ng walang kwentang magpapaiyak lang sa kanila. para sa mga kababaihan na nagdecide to remain single by choice dahil walang lalaking worthy sa inyo, ang sagot ko ay “good for you” and more kilikili power! tapos na ang panahon ng pagkamartir. kaya magkantahan na lang tayo. para sa inyong lahat ang awit na ito… PAKINGGAN NINYO.
nagmamahal,
batjay
MERELY BY CHANCE, VERY UNSUSPECTING
medyo masaya ako ngayon. bakit? por a lot of reasons: pers – may booking na kami sa pag uwi namin sa pilipinas sa december. actually nung july pa. dito kasi sa singapore, dapat june-july pa lang bilhin mo na ang ticket mo pauwi dahil pare-pareho kayo ng iniisip ng kulang kulang 100 libong pinoy na nakatira dito: ito ay ang umuwi during the “christmas window” (december 18-24). pag di ka nakabili ng maaga, sa pasko ng intsik ka na makakauwi. hehe. maiba ako: ang alphabet ng bahasa malay at indonesia ay may magandang convention – may characteristic property ang letters “k” at “c” sa pagbigkas ng mga salita nila. ang pronunciation ng “k” ay tulad ng “k” ng mga pinoy. por eksampol “kupal”. yung “c” ang kakaiba kasi ang pagbigkas nito ay “ch”. kaya sa indonesia, ang spelling ng “catsup” ay “kecap”. hehe. actually, “kecap” means “to taste” in bahasa. wala tayong “c” and “k” convention, kaya kadalasan nakokonvert ang “ch” sound into “ts” – as in “tsinelas” “tsamba”, etc. eto ngayon: kung nasa jakarta ka, tapos may lumapit sa iyo at sinabing “cucupain kita”, eh kabahan ka na. bakit ko ba nasabi ito?
Mama’s got a squeeze box, Daddy never sleeps at night
dear boss roland,
bago ang lahat, hayaan mo munang batiin kita ng isang mapagpalayang magandang tanghali galing dito sa singapore. alam kong medyo busy ka diyan sa iyong lungga pero may gusto lang akong tanungin. ano ba yung “humps” na kinalolokohan ng mga pinoy diyan sa saudi? bago yan sa pandinig ko. ang alam ko nga lang diyan ay yung mga kabayan nating nagpapalagay ng bulitas, pero yang humps na yan eh nakakaintriga. hehehe… parang gusto ko tuloy magpalagay. please enlighten me. yun lang muna sir – kamusta na lang diyan. miss ko na ang mga yosi sessions natin especially now na huminto na ako sa pagsigarillo. ingat na lang diyan sa desyerto.
nagmamahal,
batjay
CONFESSIONS OF A DANGEROUS MIND
muli na naman tayong magbalik-tanaw sa true confessions ng mga baliw. ito’y bahagi ng ating radio drama series na pinamagatang “true confessions of a dangerous mind”:
sabi ng kaibigan kong si ting: “kung kaya lang daw niyang chupain ang sarili niya, hindi na niya kailangan pang mag-asawa“. bago nga siya ikinasal ay nag-aral muna siyang maging isang contortionist.
THE END. ang “true confessions” na ito ay handog sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE. ang pomada ng mga nag-aahit”.
DENGCOY MIEL SA PHILIPPINE STAR
ang bagong comic strip ng idol kong kaibigang si dengcoy miel na pinamagatang “McBayan” ay lumabas na sa philippine star. pwede nyo rin mabasa online. si dengcoy ay sikat at respected na artist dito sa singapore. makikita ninyo ang kanyang mga gawa sa kung saan saan – sa editorial ng straits times newspaper, sa mga posters, bus stops, sa mga ads, sa bookstores, etc. one time nga nagulat ako nang makita ko ang drawings niya ang ginawang exterior painting ng isang double decker bus. truly, isang magaling na pinoy na tinitingala rito. may stiff neck na nga ako sa kakatingala eh.

