Unidentified Flying Catsup Soysauce

himala, may toyong pinoy na sa grocery dito sa irvine. tanda lang na kahit pakonti-konti eh pumapasok na sa local na kultura ang kapinoyan.

hinihintay ko na lang ang panahon kung saan magbebenta na sila ng balut. mga bwakanginang amerikano kasi eh ito na lang parati ang tinatanong sa akin, i.e., kung kumakain daw ako ng balut.

Ta-dah! Paksiw na Tiyan ng Bangus

ang isang magandang nangyari sa akin, simula nang ako’y mapadpad dito sa estados unidos eh natuto akong magluto. nung nasa pilipinas pa kasi ako eh, ako yung tipikal na spoiled bunsong anak na lalaki – taga kain na lang parati.

pero iba na ngayon. nagbago ang pagtingin ko sa buhay, simula nang matuto akong magluto ng adobo, sinigang, bistek tagalog, ginisang munggo at binagoongan.

kahapon, sinubukan kong magluto ng paksiw na tiyan ng bangus. panalo.

the spaghetti incident

parati na lang lumalabas ang kapinoyan ng isang pinoy na nakatira sa ibang bansa pag siya’y kumakain. parang ko, pag kumakain ako ng spaghetti, tulad ng mga bikolanong uragon eh gusto ko may maanghang kaya naglalagay ako ng sriracha hot chili sauce. oo mang boy, eto yung hot sauce na may manok na logo.

pero minsan naiisip ko rin sa sarili ko: ako lang ba ang bwakanginang sira ulo na naglalagay ng hot sauce sa spaghetti niya?

turkey burger

sa wakas, narining na rin ng burger king ang hiling ng sambayanan na magkakaroon ng mas healthy option sa kanilang fastfood menu. simula ngayong lingo, maghahain na ang burger king ng turkey burger.

kaya lang daw, di mo siya pwedeng orderin na walang kasamang large fries, large coke at warm OREO® brownie sundae.

Sampaloc de Asin

sa kinaroroonan ko sa amerika, ang minatamis na sampaloc na binudburan ng asin ay parang ginintuang kayamanan. pero ang gusto kong malaman ay kung sino ba talaga sina aldrin at ariel?

magkapatid ba sila?

mag boypren?

sila ba talaga yung special o yung sampaloc ang special?

oh baby jesus, help me find the answer.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


cooking ng ina mo #001: Daing 2CU

nagising ako ng maaga kanina pero imbis na magjakol eh gumawa na lang ako ng aking special super duper daing na tiyan ng bangus.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }


Blowjob the Goi Cuon

the gospel according to mang boy #002: mga kapatid, suriin ninyong mabuti ang kasaysayan ng sangkatauhan at hindi ninyo mapagkakaila ang malakas at taimtim na kaugnayan ng pagkain at pagtatalik.

.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }