ginagaya ko ang boses ng daddy ko kahapon. wala lang. naalala ko lang kasi siya. gusto nyong marining? eto click here. hehehe. ay mali. yan pala ang magiging boses ko kapag natanggal ang aking betlog. eto ang aking tutuong impression sa boses ng daddy ko. di ko nga lang talaga magaya, kahit anong gawin ko. di ko makuha ang kanyang timbre. di ko kaya ang booming deepnes na parang pinaghalong james earl jones at james coburn.
Category Archives: FAMILY
WISH I DIDN’T KNOW NOW WHAT I DIDN’T KNOW THEN
old pictures… punong puno ng ala-ala. i remember when this photo was taken. sa bahay ito ng mommy ko sa novaliches. dito pa kami nakatira nung araw. siguro mga 1994 ito, kagagaling lang namin sa simbahan ni jet at sinusubukan ko ang bagong bili na camera. that was a long time ago. correction, that was many pounds ago. much younger, bolder, reckless at wala pang masyadong pakialam kung anong mangyayari sa hinaharap. parang kanta ni springsteen: “at night we ride through mansions of glory in suicide machines… ’cause tramps like us, baby we were born to run.”
nakita ko ang litratong ito na nakaipit sa isang lumang librong binabasa ko nung nasa hospital ako. di ko sigurado kung ano – either yung “american gods” ni neil gaiman or yung “a soldier’s story” na world war II memoirs ni omar bradley. typical sa akin kasi na gawing bookmark ang mga paboritong larawan. mas typical din ang iwanan ang larawan sa loob ng libro pagtapos basahin. ulyanin kasi ako.
ESSENCE OF FISH
last entry ko na ito tungkol sa aking ruptured appendix. nagsasawa na ako sa kakakwento eh. pakiramdam ko para akong si eric quizon doon sa “crying ladies” nung paulit ulit niyang kinukwento kung paano namatay ang tatay niya. hehe… oo na. bakya ako, tulad ni AnP. idol ko kasi si hilda koronel simula nang mapanood ko siya sa “kung magarap ka’t magising“, ang aking all time peborit pinoy film. nakakatawa nga si hilda sa crying ladies bilang isang ex-actress whose claim to fame eh isa siya sa mga inapakan ng mga higante sa pelikulang “darna and the giants“. teka muna, asan na ba ako? nawala na… ah. last entry tungkol sa ruptured appendix. ok, tuloy ang kwento.
WHATEVER FATE DECREES
isa sa mga paborito kong kanta ni john lennon ang “grow old with me“. simple lang ito na love song at ang unang dalawang linya ay galing sa tula ni robert browning na “rabbi ben ezra“. bakit ko ba ito nabanggit? nagsesenti lang ako. ngayon kasi ang 13th anniversary ng kasal namin ni jet. ang tagal na nga pala namin ano? almost double the seven year itch. pero parang kailan lang. nagsimula kami, supot pa ako pareho kaming struggling na college graduates at pilit na pinapagkasya ang maliit na kita. ngayon, nakabili na kami ng sariling bahay (pulipeyd!) at saka tuli na ako.
WONDERFUL BABY PERSKASIN
Don Lorenzo de Modesto and The Prada Mama are proud to announce the arrival of their first baby daughter, REANNA LOREN SERENO last Thursday, May 13, 2004 at 9:15 in the evening. She weighed in at 7 pounds 9 ounces and was 18 inches in length.
congratulations to my perskasins. sa wakas naka babae na rin. hehe.
OF MOTHER’S DAY, PRIZE FIGHTERS AND THE ELECTIONS
tinawagan ko kahapon ang mommy ko para batiin siya ng “happy mother’s day”, kahit against ako sa paghold ng mother’s day, father’s day, valentine’s day at lahat ng mga occasion na may “day” sa huli. mga commercial gimmick lang kasi ito to sell more cards, flowers at short time motel room rental. naniniwala kasi ang mommy ko sa mother’s day, kaya kailangan tawagan ko siya. hehe.
MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK
habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.
DALAGA NA SILA, LOLO NA AKO
ang aking mga pamangkin kasama ang kanilang papa. from left to right: my nieces atty. sara and kim, brother-in-law rene, other niece paola. sayang at di nga nakasama ang kapatid nilang si angel. mukhang nag enjoy naman sila rito kahit mainit. nag blend nga sila sa crowd dahil mukha silang mga intsik mga magagandang intsik (pinapatay kasi ang mga pangit sa pamilya namin). masarap daw ang pagkain. pinatikim ko nga sila ng curry fish head…. “ay sheeet tito batjay, it’s so masarap” ang sabi nila. hehe.
sabi ni ate sassy lawyer, ang tanda ko na raw dahil puro dalaga nang mga pamangkin ko. hehe. di niya alam may mga apo na ako (sina tj at az, anak ng mga pamangkin kong sina donna at david). dahil maagang nag-landi nag-asawa ang ate kong si gigi at late na akong ipinanganak, mayron pa nga akong nephew (si denden) who is older than me by 4 months. bunso kasi ako at menopause baby pa. my mom had me when she was 42… yes viginia, i was an afterthought (at muntik nang di ipanganak).
TO VIEW THE WEB ALBUM OF MY MAGAGANDANG PAMANGKIN – click here
MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER
kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.
as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.
TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here
WALANG BUNTIS SA SINGAPORE
biyernes santo ngayon… ang init. etong isa sa nga seven last words na ankop sa akin: “i thirst”. hehe. punta kaming sentosa ngayon. doon kami magkakalbaryo.
here’s a pic of my mom here in singapore. kinuha ko ito sa loob ng zoo. halata bang 80 years old na siya next month? ok ngang makasama ang mommy ko rito. ever gracious pa rin siya at sobrang bait, pati mga waiter sa restaurant ayaw pag hintayin.
mommy ni batjay: “bayaran mo na ang kinain natin at naghihintay na ang waiter.”
batjay: “hayaan nyo lang yan maghintay mommy. kaya nga waiter ang tawag sa kanila eh.”
very observant din siya. kanina, nagpunta kaming suntec city para mag shop. napansin nga niya ang isang glaring na fact – kaunti lang ang mga babaing buntis.
mommy ni batjay: “apat na araw na ako sa singapore, wala pa akong nakikitang buntis.”
batjay: “gusto ko sanang gawan ng paraan yan mommy, kaya lang may asawa na ako.”
marami kami ngayon dito sa singapore… sa picture, from left to right: my sister Emy, Mommy, nieces Kim and Paula, brother-in-law Rene and other niece, Attorney Sara.