dear mommy,
kamusta ang pasko ninyo sa pilipinas? sayang, hindi kami nakatagal diyan. kung di lang dahil sa duty si jet nung pasko at sa bagong taon, sana nariyan pa kami. kung diyan kami nagpasko, mag re-request sana ako sa iyo na magluto ng paborito kong morcon. naalala ko nung araw, parating mayroong morcon kahit panay ang reklamo mo na napakabusisi nitong gawin. naiisip ko nga na kasama sa sarap ng pagkain ang reklamo sa hirap nitong gawin. bakit mo ba ito ginagawa taon-taon na lang kung mahirap itong gawin? ang naiisip ko lang na sagot ay dahil mahal mo kami.

























