friday afternoons

ang mga kupal kong kasama sa opis, nagsi-uwian na porke biyernes ng hapon. dalawa na lang kami rito sa buong floor at sabi ng kasama ko eh itodo ko na raw ang volume ng music player ko, kaya eto, dumadagundong ang show me the way ni frampton.

woohoo.

sopas the voice of an angel

wala pa siyang kalahating oras natutulog nang gisingin siya ng asawang si wally at tinanong kung mas mainam bang maghintay ng umaga bago kumain ng nilagang baka.

oo, ang sabi niya. sabay dagdag ng “kapag ginising mo pa ako ulit, putangina ka, gagawin kong soup #5 ang betlog mo”.

Lakatan Tutan

ang gusto ko ngayong gawin ay kumain ng saging na lakatan. imposible dahil walang lakatang nabibili dito sa kinaroroonan ko sa timog kaliporn-yah. oh yah?

yung mga saging na nakikita ko rito ay malalaki nga, wala namang lasa. iba talaga ang saging ng pinoy. maliit lang pero ubod ng tamis at masarap isubo.

oya!

napansin ko lang, yung mga pinoy dito sa amerika mahilig sumagot ng “oh yah” pag may sinabi ka sa kanila.

oy, dumating nga pala si tino kagabi galing ng maynila

oh yah?

oo, may dala ngang pasalubong para sa yo.

oh yah?

tinapa, nakabalot sa dyaryo.

oh yah?

yah!

mga papanoorin ngayong summer

summer watch list

summer movie watch list.

some i’ve seen a million times but can’t get tired watching – the godfather, apocalypse now, casablanca, to kill a mockingbird, almost famous.

some old friends i’m reconnecting with – yellow submarine, the band’s visit.

concert movies – neil young’s heart of gold, les mis’ 10th anniversary.

some new ones – midnight in paris, moneyball.

a documentary i’ve been wanting to see for the longest time – the criterion edition of the war room.

one i got for a steal – planet earth narrated by david attenborough for $20.

himala ate guy, walang pelikulang tungkol sa kabastusan at kaburikakan

sipon na may bara

dear unkyel batjay,

paano mo ba talaga masisiguro na mayroon kang LBM?

best regards,
gentle reader

———————————–

dear gentle reader,

malalaman mo talaga na mayroon kang LBM kapag na hatsing ka at sa pwet mo lumabas ang sipon.

nagmamahal,
unkyel batjay