my mom’s mango tree.
hitik na hitik sa bunga pag summer. hilaw pa lamang eh pwede nang isawsaw sa bagoong. pag nahinog eh sobra ang tamis.
kasabay kong lumaki ang punong ito. para ko siyang bunsong kapatid.
kung minsan, ang tingin ko sa mga munting dalaw sa mga kaibigan ko’t kamag-anak sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay tulad ng pagbagsak ng maliit na bato sa karagatan. bigla na lang kasi akong sumusulpot sa buhay nila’t bigla ring mawawala.
lumipat na ako sa amerika pero muli kong binabalik-balikan ang aking pinakamamahal na fish head curry sa kok sen.
dumating kami ngayong gabi at punong-puno ang restaurant pero yung auntie na hindi ako nakita ng tatlong taon ay bukas kamay na sumalubong, nag bigay agad ng lamesa at alam na agad niya kung ano ang gusto kong kainin. hindi nagtagal at naluto na rin ang inorder, kakainin namin ito sa labas ng kalye, pinapawisan dahil sa anghang pero enjoy na enjoy.
isa sa mga hindi ko nakahiligan ay ang pagsabong. nung bata kasi ako eh may pinag sabong akong dalawang inaheng manok. walang nangyari. sa mura kong pag-iisip, isa itong walang kakwenta kwentang laro.
Captain Sum Ting Wong
Wi Tu Lo
Ho Lee Fuk
Bang Ding Ow
any 12 yr old would know that these are not the names of the pilots of that downed asiana flight. tangina nyo, KTVU. pinatawa tuloy ninyo ako sa trahedya na ito.