CHARACTERS

PI_SEPT02_173

ganda ni tj ano? si tj ay anak ni donna. si donna ay anak ni gigi. si gigi ay anak ni angela. si angela ay mommy ko. lahat sila ay magaganda. pinapatay kasi ang pangit sa amin eh. matalino si tj, mahilig siyang magbasa ng mga libro na bigay ng kanyang mabait na tito jay at tita jet. three years old na si tj. diretso na siyang magsalita at may accent ang english niya na slang na amerikano (di ko alam kung saan niya napulot ito). minsan naman ay sumasayaw din siya. mahilig siyang magpatugtog ng cd (alam na niyang i-operate ang cd player sa bahay) at mayron siyang sariling music collection. pag nag-swimming kami ay ayaw niyang umalis sa pool kahit nanginginig na sa ginaw. magaling siyang kumanta. manang mana sa mommy niya, sa lola niya, lola at lolo niya sa tuhod at sa kanyang mga tito at tita – lahat sila’y may magagandang boses. bukod sa lahat ng mga nursery rhyme songs ay kabisado niya ang “dancing queen” ng abba at lahat ng mga kanta ng sex bomb girls.

XMAS_02_138

luneta, chrismas vacation 2002: from left to right – si kuya bong, lucas, darlene, jet, dennis,axl at si ate lannie. si kuya bong ay classmate ko simula kinder. simula 1972 (30 years) ay kakilala ko na siya at isa sa pinakamalapit kong kaibigan. si darlene ay kapatid ni jet. anak nila si lucas. si lucas ay makulit. nagkakilala si kuya bong at darlene dahil napangasawa ko si jet. pinanganak si lucas dahil kaklase ko si kuya bong simula kinder. si axl ay si axl dahil rocker ang tatay niyang si dennis. si dennis ay bilas ko dahil napangasawa niya si ate lannie na kapatid ni jet. si ate lannie ay interior designer tulad ni darlene. di masabi ni axl ang pangalan niya kaya tawag niya sa sarili niya ay “atoy”. si atoy ay tahimik at parating umiiyak pag nilalapitan ko siya. si axl at lucas ay magpinsan, ibig sabihin nito ay bilas ko rin ang kaibigan kong si kuya bong. lahat sila ay magaganda at guwapo. pinapatay din kasi ang pangit sa pamilya nina jet.

linggo ngayon at family day. dahil family day, ipinapakilala ko sa inyo dahan dahan ang pamilya ko.

XMAS_02_118

ito si mang boy. kapitbahay ko siya sa antipolo. magaling siyang magluto ng bibinka, palitaw at ginataan. hindi ko siya kamag-anak kaya di ko masasabi na guwapo siya. malamang ay hindi pinapatay ang pangit sa kanila kasi buhay pa siya. pero sa kasuwertehan ay maganda naman ang kanyang anak. ganumpaman, katulad ng marami kong kapitbahay sa antipolo, likas siyang mabait, mapagbigay at marunong magpintura, magtanngal ng anay at gumawa ng mga sirang tubo.

disclaimer: (sabi ni jet ay gumawa daw ako ng disclaimer eh dahil baka raw may ma-offend ako, kaya eto…) sabi nila ay “beauty is in the eye of the beholder. sabi rin nila ay “beauty is relative”. kaya, para sa akin na beholder, lahat ng mga relatives ko ay magaganda at guwapo. kung sa tingin ninyo ay di kayo maganda o guwapo, sorry na lang. para kasi sa akin ang kagandahan at kagwapuhan ay hindi lang sa mukha. lahat ng nasa litrato sa taas (kasama na si mang boy) ay tunay na tao. mga magaganda’t guwapo sa aking paningin. in short, yung main lesson ng “the little prince” ang nangingibabaw sa aking definition ng beauty, i.e. what is essential is invisible to the eye. maliwanag ba? ok. bilang panghuli: doon naman sa mga naniniwala na “pinapatay ang mga pangit sa amin”, eto lang ang masasabi ko: mga uto-uto!

ayan, happy ka na my lab?

ANTIPOLO SUNSET

Antipolo Sunset

pag ganitong nag-iisa ako sa opisina at walang kaingay-ingay, nasesenti ako. iniisip ko ang pilipinas, ang mga naiwan namin doon, at siyempre, ang aming munting tahanan.

Continue reading

THE MEANING OF HOME

huling gabi na ng christmas vacation…shitdapwetnamalagkit talaga, ang bilis ng araw. nakakainis. tangna talaga, sarap sana kung pwede pang isang linggo na extension pero wala na talaga – balik singapore na kami bukas.

three weeks din ang tinagal namin dito. three weeks, parang ang bilis pag nagbabakasyon. pero hindi na rin masama: ang daming nangyari itong mga nakaraang araw, maraming kaibigang nakitang muli at maraming napuntahang lugar.

masarap talaga dito sa pilipinas. kahit maraming problema ang bansa natin, di mo pa rin siya matatalikuran. iba talaga pag nasa sariling bayan. mas masaya, mas makahulugan.

Continue reading

KAPIT-BAHAY

kanina, mga alas 4 ng hapon, nagulat na lang ako nang dumaan si mang boy kasama ang pamangking niya’t kapatid. galing pa sila sa pasig at umakyat dito sa antipolo upang tuparin ang kanyang pangako na pakainin ng ginataan si jet bago umalis papuntang singapore. noon pa kasi niya ito binibida, bago pa mag-pasko.

sa madaling sabi, bumaba siya sa pasig galing dito sa antipolo upang magpaluto sa kapatid niya ng ginataan. di lang ginataan ang dala niya, may kasama pang palitaw na binudburan ng niyog, anis, asukal at sesame seeds. masarap!

ginawa tuloy namin ay nag-lagay na naman kami ng mga lamesa sa kalye para sa impromptu merienda. nilabas ang mga plato at kubyertos, malamig na pop cola at sinistensyahan na ang masarap ng ginataan at palitaw.

ang sarap talaga sa pilipinas. aalis ka na lang papunta sa ibang bansa, di pa rin nakakalimot ang mga kapit bahay na pasayahin ka’t busugin.

NAKADAPA

madaling araw na pala… sige tutulog na ako. dito ako ngayon nakahigang nakadapa sa kama habang nagsusulat… minsan nakadapa at naghahanap ng palakang may buhok, pero ibang storya naman iyon.

habang sinusulat ko ito, malakas ang hangin sa labas. may kalamigan ngayon dito sa bundok ng antipolo. nagsimula ito kagabi, bisperas ng bagong taon: bigla na lang lumakas ang hangin na may dalang konting lamig. sarap nga eh. pero teka…nagugutom ako! kumain kaya ako ng fruit salad? gumawa kasi si jet ng kanayang espesyal na fruit salad… frozen na ito dahil magdamag na sa freezer. tapos mayron din itong topping na grated cheese. hmmm….

teka, maka-baba na nga nang masistensyahan na ang fruit salad na iyan.

new year celebrations, antipolo – part 2

masaya ang new year namin dito sa antipolo. ito ang aming unang new year simula nang maging OFW ako. nung isang taon eh sa singapore kami nag bagong taon at talaga namang ubod ng boring at walang kalatuy-latoy. hindi nga pala ako bumili ng paputok at nanood (at nakinig) na lang kami sa mga paputok ng kapitbahay. sa trabaho ko kasi, importante ang kamay at ayokong mabawasan ang mga daliri ko… nga pala, yung isang kaibigan ko, muntik nang mawalan ng daliri. hindi dahil sa paputok kundi dahil sa isang aksidente sa plantang pinagtatrabahuhan niya sa new zealand. ok na naman: pagkatapos ng mahabang operasyon at theraphy ay nakakapag-jakol na raw siya… hehehe.

asan na ba ako: ah… yun nga, pagkatapos ng isang boring na bagong taon sa singapore, itong bagong taon na ito ay masaya. marami ring mga kapitbahay ang may magarbong paputok mula kwitis hanggang sa mga chinese firecrackers na talagang mapapa “wow” ka sa kulay at epeks.

espesyal din ang salo-salo. nagluto kami ng tacos, crepe, hamon at fruit salad. kapitbahay namin eh may pansit at palitaw (lulubog-lilitaw). sa labas ulit kami kumain pagtapos ng putukan ng bagong taon, limang pamilya naman kami ngayon.

siyempre, nakapula kaming lahat (para suwerte). may pera sa bulsa (para may pera buong new year) at siyempre bagong ligo (para walang anghit buong taon?).

sa bahay naman ay bukas lahat ng ilaw, bintana at pinto (para pumasok ang suwerte sa aming tahanan).

pagsapit ng umaga ay byahe naman kami sa novaliches. lunch sa bahay nina jet at dinner sa bahay ng mommy ko. puro kain, puro kain. kain na lang ng kain. hirap talaga rito sa pilipinas pag bagong taon! hehehe…nakakainis.

new year celebrations, antipolo – part 1

muntik nang di naging happy ang new year dito sa subdivision namin. pano kasi pinag-awayan ang kakulangan sa pondo para sa sweldo ng security guards. nangyari tuloy, nagkaroon ng mga tampuhan ang iba sa aking mga kapit-bahay. ang suma, dapat by the stroke of midnight ng pagdating ng bagong taon, tanggal lahat ng security guard ng aming munting community.

buti na lang at naayos ang mga gusot. paano ito naayos? nag salo-salo ang buong subdivision sa gitna ng kalye. pot luck dinner from 9:00 hanggang 11:30 pm ng december 31. sinabay na rito ang meeting at open forum. eventually, nagkasundo rin ang lahat at nagka-ayos ang mga nagkatampuhan. solve na rin ang problema sa security guards.

buti na lang at nagkaayos ang lahat. ang aking kasing paniniwala eh ang iyong tahanan ay ang iyong refuge at fortress. mahirap ang may kaaway sa iyong place of refuge. at the very least kung hindi mo magawang makipag kaibigan, dapat cordial ka sa lahat ng miyembro ng comyunidad. lalo na dito sa aming tirahan kasi maliit lang ang mundong ginagalawan namin. sa ngayon, 39 na bahay lang kami rito. 39 na pamilya ang miyembro ng aming comyunidad.

very interesting ang mga homeowners sa subdivision namin. iba-ibang nationality, ugali at hanap buhay…

mayron akong 2 kapit bahay na hapon na nakapag-asawa ng pinay (isa nagtitinda ng mantika at isa ay may karaoke sa sumulong highway overlooking manila), may doctor na matandang dalaga, may negosyante na every month ay pinapipinturahan ang bahay niya, may opisyal ng gobyerno, mayrong matandang lalaki na may asawang teen-ager (hehehe), may guro, may tsismosa, may kulang sa pansin, mayrong maytopak, may matandang dalagang us citizen, mayrong magaling magluto ng bibingka at may us navy ng japan.

iba sa kanila ay nakakainis, iba nama’y nakaka-aliw. ang iba naman ay tunay na kaibigan na parating handang makiramay. silang mga tunay na kaibigan ang nagbibigay saysay sa kahulugan ng salitang “kapitbahay”.

MANO PO

taong bahay ako ngayon. bakit? nanood ng sine sine jet kasama si anna banana ang aming alalay. kasami rin nila si elena (ang pangalan ng asawa niya ay constantino, parang flores de mayo na santa cruzan, i kid you not) at ang kapit bahay nilang si lolet. pinanood nila? “mano po” at “dekada sitenta”. back to back na sine ang papanoorin ng mga bruha, ika nga ni mang boy na kapit bahay ko.

ok lang, minsan lang naman mag girls day off ang mga bruha. hehehe… they deserve every minute of it, ika nga. kaya eto ako ngayon, home alone kasama si datu.

christmas day 2002, part ii

matapos ang kapit-bahayang christmas noche buena party at kahit puyat, gising kaming 2 ni jet ng maaga upang dumalaw itong araw ng kapaskuhan sa mga loved ones na kapamilya…first stop, breakfast sa bahay ng mommy ko sa talipapa, novaliches. alas-9 pa lang ng umaga ay nandoon na kami’t nambulabog. labas agad ang mommy ko ng pagkain – pritong manok na binabad sa 7-up, hamon, tinapay at mainit na kape. pagkaing angkop na angkop para sa isang kapaskuhang almusal. habang kumakain ay may running kwento galing sa mga utol ko at nanay na may kasama pang sayaw galing kay tj, ang anak ng anak ng kapatid ko… ano ko na si tj? apo na siguro ano? malamang.

Continue reading