Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

21 guns

dalawampu’t isang taon na kaming kasal ni jet ngayong araw na ito. nagugulat nga yung mga hindi nakaka-alam sa milestone na ito. una, dahil sa sobrang taas ng divorce rate dito sa california, medyo may pagka anomalya ang situation namin. ikalawa, kahit betlog brown ang kutis ko, hindi nila inaakala na mayroon akong relationship na umabot na sa 21 years dahil siguro, sa mata ng mga amerikano naming kakilala, mga baby face kaming dalawa.

simple lang gusto kong celebration – kakain kami ng paborito kong sinigang ngayon, at saka bukas ay magpapamasahe kami sa massage parlor na mahal sumingil.

happy anniversary mylab. maraming salamat sa pagmamahal at sa pagtawa sa mga corny kong jokes.

big brader

pagkatapos na pagkatapos kong makipag-usap sa Apple tech support tungkol sa telepono kong sumakabilang buhay, bigla akong nakatanggap ng email sa best buy. oo virginia, binibentahan nila ako ng iPhone.

paano nila naamoy ang inaagnas kong telepono?

TA-NA-NAN (scary organ music)

Auntie Nana

si auntie nana ay nakakatandang kapatid ng mommy ko. idol ko siya kasi ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pamilya. hindi siya nakapag-asawa at wala siyang anak pero ilang henerasyon ng angkan namin ang inalaagan niya’t inaruga. hindi siya nagtataas ng boses, parating nakangiti. parating iniisip ang ibang tao, bago siya.

nung lumalaki ako, siya ang takbuhan ko pag kailangan ko ng pera. di siya nagdadalawang isip, kahit gipit siya. pag kulang ako sa pansin, siya parating umaamo sa akin. nung nasa college ako, pupunta lang ako sa bahay niya sa pasay from mapua para makitulog at makikain. pag uwi ko, may iaabot pa siya sa akin na pamasahe. mahal na mahal ko ang auntie ko.

simula ng pinanganak ako hanggang ngayon, malaking bagay siya sa buhay ko. siya ang insirasyon ko kung paano mamuhay ng simple. mahirap itong gawin pero ginawa niya itong career. ang buong buhay niya ay puno ng kabaitan, kagandahang-loob at walang pag-iimbot.  isa siyang tunay na mandirigma ng kabutihan and was a class by herself.

huli kaming nagkita nung umuwi ako last september. tuwang-tuwa siya pag nakikta ako kasi parati ko siyang pinapatawa. medyo nahirapan na nga akong pasayahin siya kasi medyo bingi na

pumanaw si auntie kanina. she was 91.

 

biyernes santo

nung nasa singapore pa kami nakatira, parati akong tinatanong if “i eat pok” pag umoorder ako sa hawker centre. siguro, dahil sa betlog brown kong kutis, napapagkamalan akong muslim at nag-aalala sila na mapapakain ako ng baboy.

minsan gusto ko tuloy sabihin “i eat pok, but i don’t eat pok-pok” but i end up saying “i eat pok, but not during biyernes santo”.

Late night walk to a bookstore

ang isa sa mga nagbibigay sa akin ng matinding saya lately ay ang paglalakad ko sa gabi. kadalasan madadaan ako sa bookstore ng mga 10:30 PM at mayroon pang nagtitinda ng kape sa loob. dadalhin ko ito sa aking paglalakad at matutuwa.