Author Archives: batjay
kuri kong
ayos, mukhang na approve ng supreme court and obama care. ngayon, pwede ko nang ipagamot ng libre yung kurikong ko.
kurikong… bilang na ang araw mo!
salbabida
ang opposite ng salbabida ay salbakontrabida. kumbaga, ang salbakontrabida ay ang paquito diaz ng mga salbabida.
vagisil
minsan pag nasa loob ako ng target para bumili ng gamot, gusto kong sumigaw ng “honey, i need to get some vagisil for my vagina”
2nd opinion
sabi ng doktor ko sa mata, kailangan ko raw palitan yung lenses ng salamin ko kasi lumabo raw ng kaunti ang mata ko over the span of a year. sabi ko how much will it cost?
“250 dollars”, ang sagot ng doktor ko.
“i want a second opinion” ang sabi ko.
“you have bad breath” and balik niya.
eye for an eye
eye exam ko ngayon kaya nag tooth brush ako ng husto, nag ahit at nagtanggal ng buhok sa ilong. kulang na lang nga, magbunot ako ng buhok sa kilay.
nahihiya kasi ako sa doctor ko kasi nakatututok siya sa mukha ko habang tinitingan ang aking beautiful eyes. hindi nga ako humihinga kasi baka sabihin niya, malabo na nga mata ko, bad breath pa ako.
halle-fucking-lujah!
may 31, 2004, the evening of my mom’s 80th birthday was the last day i smoked a cigarette. i drove myself to the emergency room of saint luke’s to have my ruptured appendix taken out and i have never looked back.
eight years later, i do not crave nor dream about smoking anymore. halle-fucking-lujah!
Angela, the 88 year old Angry Bird Pig
happy 88th birthday, mommy.
thank you very much for giving me baon when i was younger (so much younger than today). naalala ko tuloy nung bata ako ay tinanong ko ang mommy ko kung saan galing ang mga baby. sabi niya sa loob ng tiyan daw.
sabi ko naman – “pati ako?”.
oo, pati raw ako ay sa loob ng tiyan galing.
“eh saan ako lumabas” ang follow up question ko.
sa pwet raw niya. hehehe.
i love you so much, mom. i wish i was there celebrating with you.
jay
21 guns
dalawampu’t isang taon na kaming kasal ni jet ngayong araw na ito. nagugulat nga yung mga hindi nakaka-alam sa milestone na ito. una, dahil sa sobrang taas ng divorce rate dito sa california, medyo may pagka anomalya ang situation namin. ikalawa, kahit betlog brown ang kutis ko, hindi nila inaakala na mayroon akong relationship na umabot na sa 21 years dahil siguro, sa mata ng mga amerikano naming kakilala, mga baby face kaming dalawa.
simple lang gusto kong celebration – kakain kami ng paborito kong sinigang ngayon, at saka bukas ay magpapamasahe kami sa massage parlor na mahal sumingil.
happy anniversary mylab. maraming salamat sa pagmamahal at sa pagtawa sa mga corny kong jokes.
big brader
pagkatapos na pagkatapos kong makipag-usap sa Apple tech support tungkol sa telepono kong sumakabilang buhay, bigla akong nakatanggap ng email sa best buy. oo virginia, binibentahan nila ako ng iPhone.
paano nila naamoy ang inaagnas kong telepono?
TA-NA-NAN (scary organ music)
