Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

dear uncle nick

Basa Airbase with Uncle Nick

dear uncle nick,

bago po ang lahat hayaan n’yo munang batiin ko kayo ng maligayang kaarawan. alam kong matagal ka nang kinuha ni baby jesus pero hanggang ngayon, naaalala pa rin kita, lalo na pag umuubo ako.

nagmamahal,
unkyel batjay

sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong

nakahinto siya sa stoplight habang nagmumuni-muni: “ang pinakamasaklap na paraan upang mamatay,” isip-isip niya, “ay ang malunod sa septic tank”.

habang abala siya sa pagninilay tungkol sa death by septic tank ay may biglang tumabi sa kanya na isang kotse. babae ang driver at isa itong asian, nakasuot sa ulo nito ang isang napakalaking sumbrero na halos tumakip sa buo niyang mukha. naka long sleeves din ito at nakasuot sa kamay ang makapal na gwantes. “ayaw umitim ng bruha,” ang wika niya, sabay apak sa silinyador. nag go na kasi at gusto na niyang makarating sa opisina dahil may libreng pakaing naghihintay doon.

donut ata at kape para sa unang limang sumulpot sa walang kabuluhang pagpupulong.