Unknown's avatar

About batjay

I am an overseas filipino worker. Now, I am part of that "babalik ka rin crowd" you see around christmas time, arriving at the NAIA in droves from all over, gold chain around their necks, in jeans and maong jacket, ray-ban shades, goatee, and baseball cap, pababa pa lang ang eroplano kinukuha na ang hand-carry luggage at nagpapalakpakan na't handang halikan ang lupa pagka-landing!

NOSE PICKER

kakadating ko lang sa office. yung katabi ko sa bus, ang lakas mangulangot. gusto ko ngang sapakin eh! kakadiri… tinitingnan ko nga yung pantalon ko, dahil baka nahulugan ng tiny bits and pieces.

last friday, national day dito sa singapore – version nila ng independence day. parada ulit ang mga politica, led by LKY. good news: no decrease in our CPF (pension plan), no price increases on basic goods, pwede pa ring installment ang bayad sa taxes at tuloy pa rin ang $35/month rebate sa kuryente, LPG at tubig.

balitang singapore: may isang case na naman ng maid abuse dito… indonesian maid na-plantsa sa kamay ng amo. gusot siguro ang kamay.

balitang hongkong: filipina maid wins discrimmination case against amo. she was sacked because she only had 3 fingers.

balitang malaysia: one datu in malaysia wants to eliminate all the tigers in their province dahil it interferes with his rubber harvest. sayang…

ZOMBIE

21 july 2002

remember yung amo na pumatay sa indonesian maid nya? 18 years and caning ang parusa for the murder. bummer… bakit si flor contemplacion binitay on suspicion pinatay nyang anak ng amo, etong among nang torture before murder, kulong lang?

only in indonesia: kahapon isang eroplano ang nag landing sa expressway ng jakarta causing a massive traffic jam – gusto atang magbayad ng toll ng pilot dahil pasok siya sa tollgate.

the cranberries and no doubt will have a back to back concert here in singapore on 18 august. nood kaya kami ni jet, mura lang ticket eh… “Another head hangs lowly, child is slowly taken, And if islands cause the silence, Who are we mistaking, But you see it’s not me, It’s not my family, In your head in your head, They are fighting, With their tanks and their bombs, and their bombs and their guns, In your head in your head they are crying………..In your head…In your head…zombie zombie zombie ei ei, What’s in your head…In your head…Zombie, zombie, zombie, ei, ei, ei , oh…..do,do,do,do,do,do,do,do

PA'NO MAGLUTO NG PEPPER STEAK

ingredients:

beef, preferably t-bone, mas malinamnam kung may konting taba sa gilid. sesame oil (kung gusto mong malasa) or olive oil (kung gusto mong malasahan ang beef ng husto) black pepper (ground) kikoman na toyo o kaya asin (pampaalat)

directions:

ibuhos ang sesame oil sa t-bone

dag-dag toyo or asin

sprinkle black pepper (kailangan marami!)

marinate ng isang oras kung nagmamadale (hehehe), pero overnight para mas masarap.
para di mawala ang lasa ng sesame or olive oil, mas maganda kung pan fried. pag grilled, mawawala ang linamnam yung mantika ng sesame oil ang gamitin mong langis sa pan fry till done

mas gusto ko kung medium well lang para malambot ang karne pag luto na ang karne, ibuhos mo sa pan yung black pepper at sesame oil na natira sa marinate at ipainit, ito ang magiging sauce mo.

pag naghalo na yung pepper at sesame oil sa pan at medyo kumulo na – pwede mo na itong ibuhos sa t-bone (pwede mo rin itong ihalo sa kanin tulad ng ginawa ni edwin narciso, hehehe)
simple lang, pero rock! hehehe… subukan nyo. garantisado ito.

PA’NO MAGLUTO NG PEPPER STEAK

ingredients:

beef, preferably t-bone, mas malinamnam kung may konting taba sa gilid. sesame oil (kung gusto mong malasa) or olive oil (kung gusto mong malasahan ang beef ng husto) black pepper (ground) kikoman na toyo o kaya asin (pampaalat)

directions:

ibuhos ang sesame oil sa t-bone

dag-dag toyo or asin

sprinkle black pepper (kailangan marami!)

marinate ng isang oras kung nagmamadale (hehehe), pero overnight para mas masarap.
para di mawala ang lasa ng sesame or olive oil, mas maganda kung pan fried. pag grilled, mawawala ang linamnam yung mantika ng sesame oil ang gamitin mong langis sa pan fry till done

mas gusto ko kung medium well lang para malambot ang karne pag luto na ang karne, ibuhos mo sa pan yung black pepper at sesame oil na natira sa marinate at ipainit, ito ang magiging sauce mo.

pag naghalo na yung pepper at sesame oil sa pan at medyo kumulo na – pwede mo na itong ibuhos sa t-bone (pwede mo rin itong ihalo sa kanin tulad ng ginawa ni edwin narciso, hehehe)
simple lang, pero rock! hehehe… subukan nyo. garantisado ito.

FIRST ANNIVERSARY

august 6 – my first year in singapore! happy anniversary to me.

has my life changed? yes

or the better? yes

how so? no more rushing to here and there, no more tension at work, no more looking behind your back in fear that somebody will harm you

any regrets? to far from family, friends, my house and favorite pets

PROBLEMA SA NAIA

last indignation statement: bayad ako ng poea fees sa airport. 1 hour na lang at aalis nang eroplano, di pa ako nag-checkin. bigay ako ng 500 pesos. wala raw silang barya, samantalang kakabilang lang niya ng kalahating dangkal na 100 peso bills. punta na lang daw ako sa banko para magpapalit.

murang sangkatutak (pero pabulong)!!!

Continue reading

MAINIT ANG ULO SA MGA TAO SA AIRPORT

back in singapore – bummer! hehehe…

one week in rainy and stormy manila, sulit pa rin dahil nagkita-kita tayo at nakapag-toast kahit papano. ngayon may withhdrawal symptoms ako ng manila trip. pag nasa pilipinas kasi ako, parang ayaw ko nang bumalik dito. kahit sabihhin mong hi-tech rito at malinis at malaki ang sweldo, iba pa rin pag naron ka sa sarili mong tahanan.

bad trip na naman ako sa mga tao sa airport – twing umaalis na lang ako, may hassle na nangyayari either sa immigration or sa POEA. para bagang ang trato nila sa mga overseas worker ay maliliit na tao. nagpapanting ang tenga ko na isipin, ginagawa nila ito sa lahat ng umaalis ng pilipinas. kung kausapin ka nila ay napakabastos – either condensending or mataas ang boses or patronizing. nag-iinit lang ang ulo ko – late na nga ako sa flight ko, may hassle pa sa pag-exit ng pilipinas. ang expectation ko lang ay sana naman, dahil din lang na considered ng philippine government na “bagong bayani” ang mga OFW, bigyan naman nila ng respeto at dignidad ang mga umaalis. sana may konting galang sa pag-sagot, ngiti at pagbati sa pagdating at pag-alis.

PEPPER STEAK

natuloy kami nung friday ng gabi… daming pulutan. bumili akong 2 kilong t-bone steak. may dalang liempo si mon. si bong may pusit, tilapia. nagluto si jet ng pansit at yung kapitbahay ko ay may dalang isang basket ng adobong pugo.

sayang nga konti lang kami – ang daming natirang pagkain, pero ok lang – masarap naman kasi. si edwin, mon, bong, rey opena, bong at ako. si kuya bong, sa bahay natulog at nung umaga nag-ihaw ulit kami ng liempo at pusit for lunch. hehehe… sarap!!! clikc na click ang pepper steak ko! hehehe… malakas lang ang ulan – kakainis.