kung mangarap ka’t magising… kailan ko kaya ito mapapanood ulit?
Author Archives: batjay
SINGAPORE WEEKEND BLUES
sunday afternoon na naman. let’s see… ano bang gagawin ko: nood ng DVD, mag-basa ng comics, mag-trabaho, magpagupit ng buhok, manood ng tv, plan mg week, sleep. it’s been raining since i woke up…matutulog na lang ako ulit.
AKYAT BAHAY
kagabi, nag-uusap kami ni jet habang naghahapunan. pinag-uusapan na naman namin ang mga pwede naming gawin sakaling bumalik na kami sa pilipinas. sabi niya eh mag-start daw kami ng NGO. tatawagin daw siyang… “TAHANANG WALANG PINTO”, half-way house para sa mga reforming magnanakaw at miyembro ng akyat bahay gang.
HORROR MOVIE REVIEW
Singapore, THE RING, mali mali naman: kanina sa mrt, may 2 pinay na naman akong nakatabi na nag-uusap ng malakas. pinagkukwentuhan nila ang pelikulang “the ring”. habang nakikinig ako, napansin ko, mali-mali ang kwento ni bruha sa kasama niyang bruha. hehehe… pati ako nalito sa istorya, eh kakapanood pa lang namin dito nung sabado.
DON'T TOUCH MY BIRDIE
perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE…
this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.
DON’T TOUCH MY BIRDIE
perhaps you want to hear a funny parokya ni edgar song while watching the video of a group of friends who have been together for 32 years… ginawa ito ng kumpare kong si edgar maderazo, based na siya ngayon sa melbourne at siya ang network administrator ng monash university. kung interesado kayong mapanood ang MTV eh, punta na lang kayo by clicking on my BIRDIE…
this song is lovingly dedicated to my wife JET, who is celebrating her birthday today. happy happy birthday, my love.
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART 2
to continue about Lauan ang OPUS DEI…. yung in-charge sa study center ay in charge din sa spiritual welfare ng mga members. mayron silang mga counseling sessions para sa mga tulad naming immature high school students na utu-uto. during the counseling.
ito ang typical Q&A:
OPUS DEI: “Nick, do you masturbate?”.
HORNY STUDENT: “well…uh, eh, yes…”
OPUS DEI: “how frequently?”
HORNY STUDENT: “often”
OPUS DEI: “how often?”
HORNY STUDENT: “uh, ah… everyday!”
LAUAN, KABASTUSAN NG PAGKABINATA, PART 1
lauan (isang klaseng philippine hard wood) ang pangalan ng isang study center sa may qc na pag-aari ng opus dei… hindi laong-laan (ever-ready), na isang pen name ni jose rizal. ito ang ginamit nya nung pinublish ang tulang “las flores de heidelberg” (ang tula ng mga OFW) sa la solidaridad nung dec 15, 1889. ngayon, kalye na rin ito sa sampaloc – hehehehe. but i digress, let me proceed…
GOLLUM
pinanood namin ni jet ang “Lord of the Rings: The Two Towers” kagabi – namatay silang lahat sa pelikula! hehehehehe… nakakainis pag may nagkwento sa iyo ng pelikulang gusto mong panoorin ano? hehehe… mapapa pakingsheet ka!best actor sa two towers ay si gollum!
speaking of the lord of the rings, two towers: may commemorative MRT at bus electronic tickets dito sa singapore. sold out na sina ARAGORN, GIMLI, GANDALF, LEGOLAS AT ARWEN. si FRODO at SAM na lang ang mayron. what does this say about the singaporeans? ayaw nila kay FRODO. hehehe…
By chance two separate glances meet
katabi ko kanina sa train ay 2 maingay na pinay na tulad kong papunta rin sa office. pinag-uusapan nila ang kilay ng kaharap naming blond babe na intsik (ang kilay nga pala niya ay manipis na parang tinato, maganda naman talaga at dahil sa kanila, pati ako eh napatingin. hehehe).mga pinay talaga oo, lahat na lang nakikita.