alas singko ng umaga nung nadapa siya sa arina. gumagawa sila noon ng hot pandesal nung maisipan niyang i-praktis yung black magic sipa sa loob ng panideria. dalawang araw din na namuti ang mukha niya.
Monthly Archives: September 2020
3 o’clock prayer
alas tres ng hapon daw sila magkikita sa harap ng national bookstore sa araneta coliseum. kakain kasi sila sa 3M pizza bago manood ng pelikula ni FPJ sa coronet. matagal din siyang nakatayo roon at huminto lang siya sa paghintay nung kasing laki na ng bola ng jackstone yung binibilog niyang kulangot.
meow!
mayroong kaming alagang pusa na nagkukubli sa loob ng kisame. kapag ganitong malapit nang mag hatinggabi, napapatalon ako pag nakakarinig ako ng kaluskos galing sa langit. akala ko kasi eh ito na yung muling pagbabalik ni baby jesus para sa katapusan ng mundo.
Sangandaan ni Cesar Villegas
ngunit bawat pusong naglalakbay
dumarating sa sangandaan
ngayong narito ka,
kailangang magpasya
aling landas ang susundin ng puso?
Sangandaan
Walang kumplikasyon
Walang kumplikasyon
Ang buhay mo noon
Kalooban mo’y panatag
Kalangitan ay maliwanag
Ang daan ay tuwid at patag
Sa buhay mo noon
Ngunit bawat pusong naglalakbay
Dumarating sa sangandaan
Ngayong narito ka
Kailangang magpasya
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya?
Saan mabibigo?
Saan ka tutungo?
Kay daling sumunod
Sa hangin at agos
Aasa ka na ang dalangin
Gagabay sa iyong damdamin
Ngunit saan ka dadalhin
ng hangin at agos?
Alam mong bawat pusong nagmamahal
Dumarating sa sangandaan
Ngayong narito ka
Kailangang magpasya
Aling landas ang susundin ng puso?
Saan ka liligaya?
Saan mabibigo?
Saan ka tutungo?
morton salt

ang pinaka bagong asian model ng morton salt #KutisBetlog
pagsambang bayan
dear mang boy,
minsa’y naging gitarista rin ako nung high school, kung saan ginawa naming rock and roll ang mga awitin sa misa – pagsambang bayan na lubos na ikinagalak ng buong paaralan.
happy notre dame day,
unkyel batjay
