bilang pagsalubong sa semana santa at dahil biyernes kagabi, nagluto ako ng talong… na may sahog na binagoongang pork liempo. praise god!
Monthly Archives: March 2013
justified
pinapanood ko ang Justified ngayon for the first time, binge style, through Amazon Prime. tungkol ito sa buhay ni us marshall raylan givens, isang gunslinger na may cowboy hat na tumutugis ng mga bad guys sa 21st century kentucky.
tulad ni raylan, gusto ko ring maging anachronism. hey, big word – look it up. an anachronistic pinoy pulis, kung saan kakalabanin ko ang mga masasamang loob ng maynila gamit ang malaking itak, nakasuot ng salakot na may KKK sa harap, naka camisa de chino at may pang ibabang pulang pantalon.
slip sliding away
article sa christian science monitor: Power of the Catholic Church slipping in Philippines. dagdag pa nila – “About 80 percent of Filipinos are Catholic, and they traditionally looked to the church for political and moral guidance. Recent reforms, however, are overriding church positions.”
it’s about madapaking time. sa aking paningin, habang mas nagiging secular ang paningin sa buhay ng sanlibutang pinoy, mas magiging mabait, masipag at matagumpay ang bayang magiliw. maunlad pero hindi hambog. kritikal sa pag-iisip na may kasabay na pag-aalinlangan sa pamahiin. may paggalang sa mga ibang paniniwala at walang diskriminasyon batay sa kasarian .
tawag ng kalikasan
nadiskubre kamakailan ng department of health na extreme confusion ang side effect ng LBM. nadiskubre rin ito ni mang boy kamakailan nung muntik na siyang magbawas sa loob ng dresser ng misis niya dahil sa matinding pagkalito dala ng malakas na tawag ng kalikasan.
Haaaaa-choo!
sa mga asian restaurant mo lang makikita ang mga sign na ganire and i bet it would totally blow the mind of anyone who isn’t used to how we eat and what it takes to cook our food.
hulaan mo, mang boy, kung anong klaseng restaurant ito?
.flickr-photo { border: solid 2px #000000; }
.flickr-yourcomment { }
.flickr-frame { text-align: left; padding: 3px; }
.flickr-caption { font-size: 0.8em; margin-top: 0px; }
Ang Hit
“Out of Odor”
karatulang ilalagay sa noo ni mang boy, habang inaayos ang ilong niyang nabiyak dahil naamoy niya ang kili-kili ni tata forty-five, ang lalaking mas malakas pa sa putok ng kanyon ang putok.
