madapaking slide guitar rocks

maraming magandang nangyayari sa larangan ng musika ngayon mga nakaraang lingo. nag release si boz scaggs ng memphis, si bowie naman ay naglabas ng the next day. tapos mayroon akong nadiskubre na bagong CD na tutuong bughaw. ang pamagat nito’y “Robert Randolph Presents: The Slide Brothers”

madapaking slide guitar rocks.

mga pamangkin ni donald duck

ayon sa balita kahapon, ang lewy dementia raw ang ikatlong pinaka sikat na type ng dementia, at yung mga may sleep disorder daw ang may malaking chance na magkaroon nito. sabi rin sa report, ang pinakasikat daw na dementia ay ang huey dementia at sinusundan ito ng dewey dementia.

may pwet ba ang diyos?

BREAKING NEWS: ang tutuong dahilan ng pagbitiw sa showbiz ni kris aquino? siya raw ang papalit kay eli soriano bilang pastor ng dating daan. ayon sa tagapagsalita ng simbahan: si kris lang daw ang tanging makapagpapaliwanag kung tutuong may pwet ang diyos.

the spaghetti incident

parati na lang lumalabas ang kapinoyan ng isang pinoy na nakatira sa ibang bansa pag siya’y kumakain. parang ko, pag kumakain ako ng spaghetti, tulad ng mga bikolanong uragon eh gusto ko may maanghang kaya naglalagay ako ng sriracha hot chili sauce. oo mang boy, eto yung hot sauce na may manok na logo.

pero minsan naiisip ko rin sa sarili ko: ako lang ba ang bwakanginang sira ulo na naglalagay ng hot sauce sa spaghetti niya?

kasalanan ni pikachu

dalawang araw na siyang hindi kumakain simula nang madukutan ng pitaka at maligaw sa central market. putangina kasing pikachu stuffed toy na yan na pinabibili ni helen. tapos narinig pa niya sa DZRH na nag quit na si kris aquino sa showbiz. magugunaw na ata ang mundo, isip-isip ni mang boy.

virgin birth

naging virgin ba si virgin mary dahil hindi siya nakipag sex kay god the father pero nabuntis pa rin siya kay jesus, o dahil lumabas sa tiyan niya si jesus pero nagmilagro si god the father at binalik niya ang pagka virgin ni mary?

turkey burger

sa wakas, narining na rin ng burger king ang hiling ng sambayanan na magkakaroon ng mas healthy option sa kanilang fastfood menu. simula ngayong lingo, maghahain na ang burger king ng turkey burger.

kaya lang daw, di mo siya pwedeng orderin na walang kasamang large fries, large coke at warm OREO® brownie sundae.