dear unkyel batjay,
ano po ang gagawin ninyo kung nagising ka na lang isang umaga at nalaman mo na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo?
nagmamahal,
gentle reader
—————–
Continue reading
dear unkyel batjay,
ano po ang gagawin ninyo kung nagising ka na lang isang umaga at nalaman mo na ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa buong mundo?
nagmamahal,
gentle reader
—————–
Continue reading
isa sa mga nami miss ko simula nung lumipat kami rito sa amerika ay ang mamalengke. puro kasi mga costco, grocery at supermarket ang makikita mo rito. mga malalaking tindahan na although malinis at efficient ay wala namang masyadong kaluluwa. tapos, hindi ka pa pwedeng makipag landian sa mga tindera at bawal din tumawad.
at ewan ko ba, mas gusto ko ata yung amoy ng bagong katay na baboy at yung mabagsik na lansa ng daing at tinapa. gusto ko rin napuputikan yung tsinelas ko habang naglalakad ng paikot ikot sa isang maingay, magulo at puno ng taong palengkeng pinoy.
this weekend, eksaktong tatlong taon na kami ni jet dito sa america. parang kisap-mata lang. naalala ko pa nung pagdating namin, exciting at nakakatakot at the same time dahil hindi ko alam kung ano ang dadatnan dito sa amerika. pakiramdam ko, para kaming mga bagong panganak ni jet – walang kamuwang muwang sa takbo ng buhay amerika. naalala ko tuloy ang nakakatawang circumstances na typical na nangyayari sa mga tulad naming kakarating lang dito sa california.