Rust Never Sleeps

birthday ng daddy ko ngayon. kung buhay pa siya, he would have been 86 years old. pero maaga rin siyang kinuha ni lord. even then, i knew he wasn’t meant to live a long life. he and dante are so much alike. para sa kanila, “it’s better to burn out than to fade away“. mga bulalakaw na pagkaganda-ganda, sandali lang mag papakita tapos bigla na lang maglalaho.

saan na kaya sila ngayon? ewan ko. siguro may ka table na silang mga sexy babe saan mang lupalop sila naroon. iniisip ko nga kung ano ang magandang mensaheng ibibigay ko sa kanila na medyo makahulugan? siguro – lagi niyo lang tandaan ang safe sex at huwag kalimutang mag heavenly condom.

Putangina, nakatakbo ako ng marathon


sinong mag-aakala na kakayanin kong tapusin ang 26.2 miles? bwahaha. kung may nagtanong sa akin last year kung tatakbo ako ng marathon, baka natawa lang ako ng malakas at biglang nag ingles ng “you gotta be fucking kidding me”. pero last year was an eternity ago. maraming nangyari na nag udyok sa akin na tumakbo and i did. last sunday, around 12:10 PM, tinawid ko ang finish line ng san diego rock and roll marathon in 5 hours and 17 minutes.

Continue reading