maulan ngayong linggo, makulimlim, medyo malamig at katatapos lang naming kumain ni jet ng killer sinigang na pork ribs. bilang pampatanggal ng busog ay nag record ako ng bagong kanta. gumawa ako ng dalawang version ng “tell me why” ni neil young. don’t ask my why.
bata pa lang ako eh pangarap ko nang kumanta tulad ng idol ko. i always wished i had his distinct shrill voice kaya lang dahil sa genes ng daddy ko eh binigyan kami ng mga kapatid ko ng malalalim na boses na parang galing sa ilalim ng lupa. hindi ko naman pwedeng ipatanggal ang betlog ko kaya the best i could do is to speed up the recording during post production. eto ang resulta:
1. the original version using my natural voice
2. ang boses kiki version na neil young imitation
hmmm…. parang mas maganda ata ang boses kiki version. ano sa tingin n’yo?
