lumaki ako sa barrio talipapa, novaliches.
hayan, nasabi ko na nang hindi ako nahihiya. nung araw kasi, pag tinatanong ako kung saan ako nakatira, ang sinasabi ko lang ay “sa novaliches”. hindi ko masabi ang “talipapa” kasi pinagtatawanan ako dahil nakatira raw ako sa palengke. hindi na siguro obvious ngayon dahil marami nang nag-bago, pero nung 1970’s, mayroon talagang maliit na palengke sa kanto, kaya nga tinawag na “talipapa” ang barrio namin. gustong gusto kong mamalengke doon kasi “pogi” ang tawag ng mga tindera sa akin. ang hindi ko alam eh pogi pala talaga ang tawag ng mga tindera sa lahat ng namamalengkeng lalaki roon in the hope na bibili sila ng mga paninda. sucker.
Continue reading

