SINIGANG FOR THE SOUL

labor day last monday dito sa america kaya long weekend kami. pag mahaba ang bakasyon, nagluluto si jet ng masarap na pagkain para naman ma break yung monotony ng day to day meals namin. lately kasi, para kaming mga kuneho – panay ang sex at puro gulay lang ang kinakain. nag decide tuloy kami na magluto ng pork sinigang. ang problema lang nga minsan dito eh kung hindi ka bibili sa mga asian store ay hindi mo makikita ang gulay na gusto mo. kaya most of the time substitution ang lumalabas. halimbawa, walang siling pang sigang dito kaya jalapeno pepper ang pinapalit namin. walang kang-kong, kaya spinach ang nilalagay namin. kahit nagiging kulay lumot ang sabaw dahil sa green tint ng spinach ay masarap pa rin naman. soul food talaga ang sinigang. pag malungkot ka o pag gusto mong ma experience ang maging pinoy sa ibang bansa, kumain ka lang ng sinigang na may kanin at parang may magic wand na biglang mag-ta-transport sa iyo pabalik sa lugar na kung saan ka nakaramdam ng safety at kaligayahan.

ang problema rin sa mga grocery dito ay minsan hindi alam ng mga bagets na kahera kung ano ang pangalan ng mga gulay. palibhasa mga bata, hindi siguro sila mahilig kumain ng gulay. ang nangyayari tuloy minsan ay tinatanong pa nila sa iyo kung ano ang pangalan ng gulay na binibili mo para malagay nila ang tamang price sa total bill. eh minsan tuloy nakakatawa ang mga exchange ninyong dialog.

GROCERY CLERK: what’s this sir?

AKO: ah that’s YAM. in the philippines we call that GABI. when it’s colored purple, its UBI. sometimes you call it TARO. it belongs to the CAMOTE root crop family. all of them cause smelly wet farts.

GROCERY CLERK: causes what?

AKO: never mind.

GROCERY CLERK: how about this – what do you call this vegetable?

AKO: ah that’s OKRA. from the popular “YAN ANG TITI” joke.

GROCERY CLERK: from the what?

AKO: never mind.

yan ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa ako sa pagbili ng rekado sa sinigang, hindi mo kasi alam kung ano ang exciting na mangyayari. kaya nga masarap itong kainin dito sa america: enjoy na enjoy ka sa pag bili, sa paghanda at sa pagkain nito.

22 thoughts on “SINIGANG FOR THE SOUL

  1. You never fail, do you? There will always be some tale for you to tell in any little thing that happens to you, in the same manner that you never run out of things to be thankful for… yes, every little thing.

    You don’t know how gifted you are. Maybe that’s the secret for the charmed life we live… hehe.

    Labyu!

  2. bosing, subukan mo minsan ang brocolli (or is it broccoli? broccolli? a ewan, yung maliliit na puno) o kaya romaine lettuce sa sinigang, ansarap ng lasa sa sabaw, slurp.

    ngapala, in-email ko na yung utol ko sa pinas na ikalat sa buong faculty nila ang availability ng k.t. sa powerbooks atbp.

    (o jet, ano pa inaantay ng short stories natin? strike while camilo’s iron is hot!)

  3. para madali ang spelling “bro-ko-li” na lang. hmm… i never thought of that gulay for sinigang. talong pa minsan ang nakikita ko sa mga ibang sinigang.

    at maraming salamat sa pag-plug sa libro, senor. sana matuwa ang mga students ng utol mo.

    yan nga ang sinasabi ko – jet is a much better writer than i could ever be and she should be the one that should be publishing her work. kausapin ko nga ang publisher ko, pag nag click ang libro ko.

    ingat!

  4. thank you mylab.

    special child nga talaga ako. hehehe. masarap naman talaga yung niluto mong sinigang. kahit hindi na tayo gumagamit ng patis at sili na sawsawan, ok na ok pa rin. ang sarap durugin ng gabi doon sa kaning lumalangoy sa maasim na sabaw.

    lab U 2.

  5. Masarap talaga ang sinigang lalo na kapag ika’y malungkot. Nagbibigay asim at ngiti sa ating buhay! Okay rin pala gumamit ng spinach sa sinigang? Try ko nga magluto ng ganun sa Pinas.

    I’ll return for more reads! You make me laugh Batjay! Heehee!

  6. hehe naalala ko misis ko nung nasa Toronto kami. Magluluto e kailangan ng bulaklak ng saging. Naghanap ng “banana flower” hehe

    nagtataka daw si gentle reader at dyan pala una mother’s day sa labor’s day? di ba daw labor muna bago maging mother?

  7. hmmmmm…..sinigang with chinese mustard…mas masarap! lalu na kung side pork (liempo)… ginugutom tuloy ako.

    Labor day tapos hindi nagtatarbaho? hmmm…OK
    Eh, kung sex day walang sex? hmmmm…Mali.

    ano ikaw say BJ, payag ka ba?

  8. spent that labor day wkend at my friend’s place, we also had sinigang na salmon & yes…with spinach! grabe ang sarrrap! korek ka, iba talaga ang sinigang. hmmm..soul food pala ang tawag mo dito 🙂

  9. FAFAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!

    hayyyyy.. sinigang… very pinoy soul food.

    si bossing, fafa, naglalagay ng bulaklak ng kalabasa, ang sarap!!! ang dami kasi nun sa tanim naming mga gulay. O diba kakaloka, ang asawa ko, may vegetable garden. 🙂

    hmmmm.. malayo ba ang asian store sa inyo, fafa? Kamusta na raw ang sales ng libro? I’m sure marami nang bumibili 🙂

  10. NINAAAAAAAAAAAAAAAANG! uy bago yan – bulaklak ng kalabasa. hmm, matagal na akong hindi nakakakain niyan. pwede nga siguro ano? medyo malayo kami sa asian store dito. may 99 ranch pero ayoko namang sadyain siya kung pwede nang alternative ang mga gulay sa regular grocery.

    hindi ko pa alam ang sales figures sa libro ninang – wala pang feedback sa akin. sana naman maganda.

    oo aleth with a “h”. soul food ang sinigang, either pork or fish. pero mas masarap ang spinach sa sinigang na salmon.

    chinese mustard – oo masarap. sinigang na isda sa miso, with white rice at malamig na tubig.

  11. Fave ko rin yang sinigang, lalo na with rice na maraming sabaw. Naku, marami palang pwedeng pang-sub sa gulay, lots of good tips here.

    btw, I will link you, ok? Thanks

  12. Sir Batjay,
    Congrats sa book mo, sana umabot dito sa SG yung distribution. Tungkol sa sinigang, kumpleto dito sa SG ng rekado. Pero may nabasa ako na pwede daw gawing replacement sa “laing” ang spinach, pero di pa namin sinubukan kasi may nabibiling dried laing sa Lucky Plaza eh.

  13. SPINACH LAING? hmm… pwede siguro.

    wala naman kayong problema sa singapore. nung nariyan kami, lahat ng gulay natin ay available sa mga palengke at grocery. hindi katulad dito, pupunta ka pa sa asian store.

    hi leah – basta ang importante sa sinigang ay dapat maasim siya. hindi importante masyado ang gulay na rekado basta nakuha ang tamang lasa.

  14. hi tanya. madali lang ang sinigang. tawag ka kay jet para mabigyan ka ng instructions. you can usually buy the ingredients in any asian store over there. there is a big pinoy community in seatlle so you won’d have a hard time.

    hi juls. minsan nga gusto kong mag joke kaya lang ang hirap sa english dahil maraming nawawala sa translation

  15. try nyo turnip greens…masarap din saka hindi nadudurog. ang siling gamit ko yung Italian na nasa bote…parang pinaksiw na sya. Peperoncini (sp) pangalan…malapit-lapit na sa siling haba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.