MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)
DATELINE SOUTH AFRICA. inihayag kamakailan ni president bill clinton na ang pagpapatuli raw ang sagot sa AIDS. ayon sa mga pagsusuri sa south africa na sinalihan ng 3,274 na magkahalong tuli at supot na lalaki: napagalaman nila na yung mga tuli raw ay may 60% lower risk na magkaroon ng HIV kaysa sa mga supot. ano ang ibig sabihin nito, bayan? ang ibig sabihin nito ay malas talaga ang mga supot: supot na nga sila at may kupal, mas malaki pa ang chance nilang magkasakit.
kaya ang tanong ng sambayanan simula nang lumabas ang mahalagang balita na ito ay (TAN-TA-NA-NAN torotot epeks): si bill clinton ba ay supot? ang kasagutan ay malalaman ninyo sa susunod na… MAHALAGANG BALITA BALITA BALITA (echo epeks)!
ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA.”
