EVEN MORE SNAPPY ANSWERS TO STUPID FOREIGNER'S QUESTIONS, PART 4

FOREIGNER: you speak good english!
BATJAY: fuck you! porke ganire ang kulay ng balat ko…

FOREIGNER: what did you just mumble?
BATJAY: ah nating. it’s my stomach – i ate curry in da airplane kasi.

FOREIGNER: your accent is so american!
BATJAY: yours is so australian!

FOREIGNER: are you american?
BATJAY: no. just look at my skin, stupid. i’m swedish.

FOREIGNER: but did you study in the US?
BATJAY: no, i studied in the low school of st. andrew fields!

FOREIGNER: the what?
BATJAY: mababang paaralan ng san andres bukid

Continue reading

THE GREAT BARRIER REEF

Tom, Ceci and BatJay ang highlight ng bisita ko sa australia last week ay ang day tour namin sa great barrier reef. it is an awesome place at talagang mapapa packingsheet ka sa kayang malaking size (in this case, it does matter). the reef stetches from townsville kung nasaan kami nag host ng conference, all the way up to the northeastern most point of australia. sumakay kami ng 2 hour ferry to get to the reef from townsville. masarap ang byahe at wala ka nang hahanapin pa – buffet meals, diving gear at magaling na staff. alam na nila ang magandang diving spots at talagang first class ang service – malinaw ang tubig at punong puno ng mga isda ang hinintuan namin. naghagis nga yung staff ng fish food from the deck. halos mabaliw yung mga isda sa pagsalubong sa kanilang free lunch. naikwento ko na ba na may lumapit sa akin na pating?

Continue reading

UMUUTOT DIN BA ANG ISDA?

maaga akong nagising kanina dahil alas sais ng umaga ang flight ko. alas kwatro y medya pa lang ay pababa na ako sa hotel lobby. pag sakay ko ng elevator ay hindi ko napigilan na mautot. iniisip ko, maaga pa naman… sana wala akong makasabay. medyo mabaho kasi. sa sobrang bahu nga eh pati ako ay nabahuan. siguro kasi enclosed ang space. isa pa ay di ko nailabas ang kinain ko kagabi but let’s not go there. anyway, nautot nga ako at ok na sana dahil ako lang mag-isa sa elevator. kaya lang a few floors after i farted, biglang bumukas ang pinto at may pumasok na stewardess sa emirates airline. nginitian niya ako pero bigla siyang napahinto at sumimangot. palagay ko ay naamoy rin niya ang utot. sasabihin ko sana eh – “nakikiamoy ka na nga lang, ikaw pa ang galit“. kaya lang, di ko alam itong sabihin sa english kaya dinedma ko na lang siya at yumuko. pag bukas ng pinto sa lobby ay tumakbo na lang ako papalabas. sana di ko na siya makita ulit.

TOWNSVILLE AND THE PINOY MAFIA

ang townsville ay isa sa mga siyudad sa queensland. pang tiningnan mo ang mapa ng australia, ito ay nasa bandang north east. just above brisbane and below cairnes. katulad ng maraming mga lugar sa australia, mayroong small town feel ang townsville. mababait ang mga tao rito at very accomodating. sa townsville nagsisimula ang isa sa pinakasikat ng natural wonder ng ating mundo – ang great barrier reef. multi cultural ang group namin as usual. si norman ay isang chinese south african na australian citizen. si tom ay german american. si ceci ay filipino american at ako naman ay pinoy kupal.

Continue reading

PERTH TO BRISBANE, BETLOG SA LEEG

narito na kami sa brisbane mylab. umalis kami ng perth ng pasado ala una ng hapon. dalayed dahil nagloko raw ang fuel guage ng eroplano at di nila malaman kung full tank na ang eroplano. sabi ko nga sa stewardess, kumuha na lang ng mahabang stick para masukat nila yung level ng gasolina. wala, tiningnan lang niya ako ng masama. mahaba ang byahe from perth at mahigit limang oras kami. medyo turbulent ang flight at para nga kaming nakasakay sa roller coaster. matagal na akong sumasakay by air pero ngayon lang ako naka experience na nag free fall ang eroplano dahil sa air pocket. umakyat talaga ang betlog ko sa leeg dahil sa matinding takot – akala ko talaga ay babagsak. sa takot ko nga, muntik ko nang akapin yung katabi kong bumbay na amoy sibuyas.

Continue reading

LIPAD, BATJAY, LIPAD!

DARNA! dear mylabopmayn, nagising ako kaninang umaga na malungkot. di kasi kita katabi. naalimpungatan siguro ako dahil sa pag-iisip sa iyo. kaya yon, imbis na amerikana eh yung darna costume ang naisuot ko sa conference namin. masaya naman dahil nung sinubo ko yung bato at sumigaw ng “DARNA” ay nagpalakpakan ang mga tao, lalo na ng biglang umusok. kamukha ko raw si wonder woman. “excuse me“, ang sabi ko sa kanila. “i am darna, the philippine super hero. wonder woman is a pussy“. di sila nakasagot sa akin. marami palang mga pilipino rito sa perth. yung mga electricians ng hotel at yung mga cleaning ladies ay puro pinoy. nagulat nga sila sa costume ko. kamukha ko raw si roderic paulate sa petrang kabayo. pero mababait naman sila sa amin. maganda talaga rito at sigurado magugustuhan mo. di bale, next year punta tayo rito for a vacation para makita mo firsthand. huwag nating itapat ng summer kasi hindi natatakot ang mga makulit na langaw sa headband kong may pakpak. o sige mylab, ingat ka na lang diyan. tawag na lang ako sa iyo mamaya. sana ok ang pag grocery mo kaninang umaga. lab u! batjay alyas darna (without the giants this time).

Blowing through the jasmine in my mind

fremantle doctor” ang tawag sa hangin na umiihip sa perth tuwing late afternoon pag summer. it is said to be the most consistent wind in the world and you can time your clocks by it’s arrival. tulad ng tutuong doctor na nakakapagbigay ng ginhawa sa mga maysakit, ang “freemantle doctor” ang nagbibigay ng ginhawa para sa biktima ng mainit na summer ng southwestern australia. na experience ko ito ngayong hapon dito sa perth… one moment dry heat na talaga namang napakainit. the next thing you know, bigla na lang darating ang walang patid na napaka maginhawang simoy ng hangin.

Continue reading

THE MOTORCYCLE DIARIES

tuwing aalis ako, parati akong may bitbit na mga libro at musika. para silang mga kaibigang travel companions. sa trip ko bukas, covered ko na ang music kasi dadalhin ko ang aking iPod. dito nakaload ang mahigit limanglibong kanta na galing sa music library namin ni jet. sinimulan namin itong kolektahin more than 14-15 years ago. sa sobrang tagal, di pa yata ako tuli noon. hehehe. ito ang musika na naging kaparte na ng aming pagsasama at di ko ipagpapalit kahit kay rio locsin ibebenta kung may mag offer man na bilhin ito. masarap na may dalang music player while you’re on the road. imagine mo na lang, nakasakay ka ng bus somewhere tapos kumakanta si springsteen ng “thunder road” sa background. or imagine you’re in an airport bar, tapos bigla mong maririnig si bruce hornsby na kumakanta ng “mandolin rain“. tatayo ang balahibo mo baby.

Continue reading

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND

AGENT X44, ANG PINSAN NI JAMES BOND narito ako sa opisina ngayong sabado. kinuha ko ang mga gamit ko dahil pupunta ako sa australia ng monday. nag bike lang ako kasi maganda ang panahon kahit tanghali na. lately nga medyo di na gaanong mainit dito sa singapore at kadalasan ay mahangin. this is the closest we have to winter kaya enjoy it baby, while it lasts. naglalabasan na naman nga ang mga nagpapaporma rito na gustong gusto kong tadyakan – sila yung mga kupal na mahilig mag suot ng bonnet, turtle neck sweater at leather jacket. hindi yata nila alam ang depenisyon ng “tropical country” at “humidity“. the other week, may nakasabay ako sa bus na nakabonnet na biglang tumayo at nalapit sa mukha ko ang ulo. tangina, muntik na akong mahimatay sa baho. pero next week, baka maging guilty rin ako ng inappropriate clothing. summer kasi sa australia pero kailangan ay formal ang damit kasi conference ang dadaluhan ko. kaya kung sakaling magawi kayo ng perth or brisbane next week at may nakita kayong lalaking may 1960’s hairdo na kamukha ni tony falcon, alyas agent x-44… paki tadyakan lang dahil ako yun.

THE BEST BLOGGER FOR 2004? AYOS!

GENTLE READER: dear unkyel batjay, balita ko nataihan ka ng ibon during lunch yesterday. napanood mo ba yung ibong adarna? pasalamat ka at hindi ka naging bato.

UNCLE BATJAY: gagi ka talaga gentle reader. wala namang ibong adarna rito sa singapore. kung mayron man, kailangan ay makatulog ka muna bago ka maging bato. pero alam mo, tama yata ang kasabihan: pag may tumae sa iyo na ibon ay may darating sa iyo na swerte. nalaman ko ngayon na nanalo pala ako ng “THE BEST BLOGGER FOR 2004” sa philippineblogawards. muntik na akong maihi sa harap ng computer nang mabasa ko ito. buti na lang at napigilan… baka masapak kasi ako ni jet. ayaw niyang nagkakalat ako sa bahay eh. doon po sa organizers ng award na ito, maraming salamat po sa inyong lahat.

THE BEST  BLOGGER  FOR 2004

Continue reading