Good friends, good books and a sleepy conscience: this is the ideal life

CLICK TO ENLARGE: from left to right - Sassy, Tito Rolly, Belle and BatJay

isa sa highlights of the week ang makasama ang mga hinahangaan kong mga bloggers – from left to right: si sassy lawyer, si tito rolly, si makatang belle at ako. dumalo sila sa munting salo salo sa aking version ng house on a hill sa antipolo. ang galing… parang pelikula ni dolphy ang nangyari – maraming kwentong may drama, may action, may kantahan, sayawan at punong puno ng katatawanan. eto ang mga quote nila:

TITO ROLLY: “Ang sarap ng buhay pag walang iniintindi no? You have a wondrful house. Thanks for accomodating us during our lunch. Ang saya saya. At ang food, ang sasarap. Naubos yata yung Carlos I ni Jay e dadalawa kaming uminom. First time i’ve been drunk for a long long time. Thanks again and happy birthday.”

BELLE: “ang galing talaga ni kuya batjay. naturuan niya akong gumamit ng chopstick sa pamamagitan ng kanyang world famous kulangot excercises.”

SASSY LAWYER: “Sorry there aren’t more (PHOTOS). Conversation was too good (hilarious) to stop and take more photos.”

JET: “enjoy ako kasi nagustuhan ni sassy at belle ang aking tiramisu

BORN FREE, TAXED TO DEATH

GENTLE READER: dear unkyel batjay, nasaan ka ba at ano ang ginagawa mo nung mabalitaan mong namatay na si FPJ?

BATJAY: dear gentle reader. siguro may gustong iparating sa akin ang tadhana. nasa singapore ako’t nakasakay sa taxi nang marinig sa radyo na namatay na si da king. papunta ako sa internal revenue authority dahil gusto nila akong idemanda – sa tutuo lang, nakatanggap ako ng court summons kaya medyo kinabahan ako. di raw kasi ako nagbayad ng taxes during my first year in singapore (which isn’t true). eventually, i was able to clear my name. pero ang experience na yan, kasama ng pagkamatay ni FPJ ay nagpatunay sa akin ng mga sumusunod: UNA, magaling maningil ang singapore sa mga may utang sa kanya na buwis. PANGALAWA, “Nothing is certain but death and taxes“.

ANG MGA KWENTONG KAPASKUHAN

ang isa sa aking mga unang ala-ala ng pasko ay yung time na bumisita ang aking mga pinsang sina bobby and bennet from the US. mahilig sila sa mga hayup kaya parati nila akong kasama kaya parati silang ipinapahuli ng daddy ko ng mga palaka sa kalaro kong si danteng duling. basahin ninyo ang aking kumpletong storya sa extra spesyal bery hot – PINOYEXPATS. mayroon ding sinulat si jet doon na tungkol sa kanyang christmas recollection. excellent writing as usual on her part. buti na lang nariyan ang asawa kong magaling na writer, at least complementary sa aking kwentong barbero.

if you have some free time today, imbes na mangulangot ay bakit di kayo magpunta roon. leave a note and say hi.

CATCH-22

BATJAY: gusto ko pong magbukas ng dollar savings account, miss.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: no problem sir. kailangan po ninyong ibigay sa amin ang mga sumusunod…2 ID cards at 1×1 photo. minimun deposit po natin ay US$100.

BATJAY: naku tamang tama. OFW po ako at mayroon akong singapore dollars dito.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sir di kami tumatanggap ng singapore dollars para sa dollar account.

BATJAY: eh di palitan nyo na lang from singapore to US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagpapalit ng singapore to US dollars.

BATJAY: o di bibili na lang ako ng US dollars.

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: hindi po kami nagbebenta ng US$ kung wala kayong savings account sa amin.

BATJAY: paano ako magkakaroon ng savings account kung hindi naman ninyo ako binibigyan ng pagkakataon na makapagbukas ng account sa inyo. nabasa mo na ba ang Catch-22?

NEW ACCOUNTS SEXY BABE: sorry sir, bank policy ito.

BATJAY: ARGH!

CHRISTMAS PARTY NG MGA BALIW SA ARAW NG PAGKAMATAY NI RIZAL

PinoyBlog Xmas Party iniimbita ko kayong lahat na pumunta sa cabalen, megamall para sa christmas party ng mga baliw sa 30 december. pupunta ako roon kaya kita-kita tayo. pag more than a 150 people come, magsasayaw ako sa taas ng table. pag more than 200 people come, magsasayaw ako sa taas ng table na naka DARNA costume. pag more than 300 people come, magsasayaw ako ng nakahubo para makita ninyo ang shortcomings ko magsi-uwi na kayong lahat.

YOUR FRIENDLY NEIGHBORHOOD

sabi doon sa isang binabasa kong comics na alias… “kung tutuo daw na mayroong spiderman, dapat daw eh yung sapot niya ay lumalabas sa pwet at hindi sa kamay“.

natigilan ako. it makes sense kasi pag talagang pinag-isipan mo.

THE NIGHT GALLOPS ON ITS SHADOWY MARE, SHEDDING BLUE TASSELS OVER THE LAND

muli na namang itatanghal ang paborito ninyong public service information program na pinamagatang… TAN-TA-NA-NAN! (torotot epeks): “ITANONG NYO KAY BATJAY“. Note: CLICK HERE to hear the audio version of this blog entry.

MAMANG MAY TANONG: “unkyel batjay, gusto ko lang pong malaman kung bakit nasa pagitan ng singit ang mga betlog nating mga kalalakihan?”

BATJAY: “pag tumubo kasi ang betlog sa gilid ng iyong ulo eh magmumukha kang pabo. next question please.”

maraming salamat sa inyong pakikinig. ang “ITANONG NYO KAY BATJAY” ay hatid sa inyo ng “RUBY BLADE POMADE – ang pomada ng mga nag-aahit”. muli kayong bumalik bukas para sa susunod na kabanata kung saan may magtatanong ng: “dear uncle batjay, saan po ba nanggagaling ang galis aso?”