AKO AY TSISMOSONG PINOY SA TRAIN

dito sa singapore, madali ka lang makakakita ng pinoy especially sa public transport tulad ng bus o train. sundan mo lang yung ingay.

kadalasan ang mga pinoy dito share flats to save on rent money. sabihin mo nang $1000 ang rent. kung apat kayo, tig $250 lang ang ambag. bukod sa naka tipid, may kaibigan ka pa na mauutangan pag na short ka ng padala sa pilipinas. since sama-sama sa tirahan, sama-sama ring umaalis papuntang opisina. kadalasan magka opisina rin kasi ang mga flatmates. this is why filipinos in singapore typically travel in packs.

sa train ko madalas makasabay ang mga pinoy. dahil tahimik sa loob, from 20 meters away, maririnig mo na ang malakas na pag-uusap – kung ano ang ulam nila kagabi, kung sino ang uuwi sa pilipinas. muntik na akong lumagpas once dahil i was listening intently sa dalawang pinoy. pinagkukwentuhan kasi nila yung ilong ng kaharap nilang pasahero.

ako? masaya lang na nakikinig. ito ang isa sa aking paraan upang maibsan ang pagka homesick: ang matawa sa mga kwentong pinoy sa loob ng train.

“EL BIMBO” PAG UMUULAN

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.

"EL BIMBO" PAG UMUULAN

what’s the word for feeling melancholic and happy at the same time? umuulan kasi ngayon dito sa singapore at ganoon ang nararamdaman ko. ak-shu-ly, it’s been raining non-stop for more than 24 hours. a rare occurence para sa isang (suwerteng) bansa na walang bagyo, lindol at volcano. pag ganitong ma-ulan, naaalala ko na naman ang pilipinas at yung mga masayang growing up years during the 1970’s. pag may bagyo at walang pasok, nahihiga lang ako sa kama ng buong araw at nagbabasa o kaya, i “spin the black circle” (naalala nyo pa ba yung mga itim na vinyl disks na yon? di pa naiimbento ang CD nung araw eh). mag di-digress tuloy ako.

nung mga ’70s, tuwang tuwa ako sa mga sayawan sa probinsya. kumakaskas pa lang yung karayom sa plaka, tayuan na at halos magtatakbo yung mga lalaki para kumuha ng mga partner nilang dilag. nung time na ‘yon, nauso ang dance craze na “salsa” at ang pinakasikat na salsa song ay ang walang kamatayang “El Bimbo” (malamang, dito galing ang kanta ng e-heads na “HULING EL BIMBO“). kinakanta namin ang “el bimbo” nung araw pero dahil spanish, nilalagyan na lang namin ng sariling lyrics: “el bimbo salsador… BIMBO! BIMBO! mahilig mag jakol…BIMBO! BIMBO!”

the word for feeling melancholic and happy at the same time? it’s called nostalgia.

SELLING IN

TAKEN DURING OUR VACATION LAST YEAR (please click to enlarge): a reuinion of sorts with my partners in crime for 12 years. si uly on my left at si ting on my right. so far, i have not found anybody as competent and fun loving as these guys. before i “sold out“, i worked as an engineer in the philippines. si ulysses yung nasa kaliwa at si ting yung nasa kanan. etong mga taong ito ang mga partners in crime ko for 12 years. simula 1989 hanggang 2001, inikot namin ang buong pilipinas doing projects sa halos lahat ng industria. from the rain forests of mount apo to the stinking industrial plants along the tullahan river. from power plants to breweries, amid erupting volcanoes, land slides, storms and gun toting soldiers. i’ve seen people fall off cliffs, get electricuted and get run over by pickup trucks all in the line of duty. we didn’t do it for the money. we did it because we loved our jobs. we loved the fact that we enjoyed each other’s company and that were doing something worthwhile.

one of these days, i will post the pictures taken back to the time when we were still building plants up in the mountains. when on sunday days-off like this, we’d all be huddled in our mess hall, drinking tequila and playing cards, wearing raincoats over jackets because it’s so cold and raining so hard and the damn roof is leaking like hell.

SELLING OUT

yung editorial ng inquirer kahapon talks about “A top notcher in the recent medical board exams (magna cum laude pa), who decided to be nurse for the money” . sabi nila doon sellout daw ito.

Sellout? PUTANGINA, anong sellout dito? marami akong kaibigang doctor ang nag-aaral ngayon maging nurse para makapunta sa america. some already are nurses, have taken the exams and are now waiting for the telephone call that will tell them it’s time to go. these are the best and the brightest doctors i know. gusto lang naman nila kasing magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga pamilya nila. here’s the choice – earn $60,000 a year (that’s 3.3+ million pesos depende sa exchange rate) as a nurse in exchange for the stethoscope, white lab coat, shirt and tie and a residency in a 1st class philippine hospital where you’ll get, at the very best: 200,000 pesos a year.

di ako doctor, at saka magna con yelo lang ako (dati, zuma cum galema. hehe). but i also opted to leave the philippines, albeit with a heavy heart, and yes, with a feeling that i was selling out. anong magagawa ko, i needed the money. pagod na rin akong maging marionette, dancing on the string held by my boss’ hand. always praying that his generosity would translate into a bonus i could use to pay the bills.

i’m 38 years old. i need to think about my future and the survival of my family. kung sellout ito, so be it. at least hindi ako magnanakaw.

A – N – G – S – T

yung unang araw ko sa singapore as a “native” was the most angst ridden time i had ever felt in my entire stay here. pagtapos kong mag check-in sa hotel, dali-dali akong pumunta sa opisina. at dahil feeling native, namasahe lang ako – sumakay sa train at bus at tuluyang naligaw.

pagbaba ko ng bus, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkalungkot – yung loneliness na binalutan ng depression, almost to the point that i was having thoughts of going back that day. back to my family and friends. back to my old job. back to everything that was precious to me. i was beginning to have serious doubts about this move. feeling ko eh, i made a major blunder.

eventually, i was able to ask directions na di ko maintindihan dahil “singlish” ang salita:

singaporean: “you go strit ahet!”
batjay: “huh, ahet?”
singaporean: “strit ahet! strit ahet!” (with matching turo ng kamay at nguso)
batjay: “ah, straight ahead”

nakita ko rin yung building namin. pagpasok na pagpasok ko sa opisina, sabi ng boss ko sakin: “why are you wearing jeans? our dress code here does not allow jeans“.

muntik ko nang sabihin sa kanya – “packingsheet naman eh, sana man lang ‘welcome to our company’ muna. kakalanding lang ng eroplanong sinakyan ko, di pa nga ako nanananghalian. dumeretso ako rito para lang makapunta sa opisina on the day of my arrival, sisitahin mo ako sa pantalon ko?” – pano ba inglisin to?

pero pagtagal, nawala rin yung lungkot. napalitan nga lang ng longing. di na kasing pait, pero punong puno pa rin ng mga “sana kung…”

sana kung patas lang ang labanan sa pilipinas, di na ako aalis para kumita ng pera.

sana kung maganda lang ang palakad ng gobyerno, sipag lang ang kailangan sa pag-asenso.

sana kung guwapo ako, pwede sanang mag-artista at tumakbong presidente ng pilipinas.

MY FIRST TWO WEEKS

dumating ako dito sa singapore to work nung august of 2001. ako lang munang mag-isa (jet would follow two months later). i took the morning flight from manila at dumiretso sa hotel 81. this will be my home for two weeks while i look for a more permanent place to stay. ang hotel 81 ay parang anito sa manila. it is basically a short time love motel, where couples can rent a room for a few hours of sex. and made love they did. kadalasan nagigising ako ng madaling araw sa lakas ng kalabog o kaya halinghing ng mga nagtatalik sa katabing mga kwarto. majority ng location ng mga motel dito sa singapore ay sa geylang area. kilalang kilala ito sa buong isla dahil, una, masarap ang pagkain dito. ikalawa, ang geylang ay ang center ng red light district ng siyudad. legal ang prostitution sa singapore at di nakapagtataka ang makakita ng mga nakaparadang mga kababaihan sa kalye ng geylang kahit sa tanghaling tapat. minsan may kalalakihan din, charing!

pag gabi sa geylang, punong puno ng tao sa kalye na paroon parito sa mga casa na nakapalibot sa buong area. ang mga casa (o whorehouse, huwag na nating pagandahin pa ang pangalan) ay mga three story structures na pinag hati hati sa maliliit na mga kuwarto – “paraisong parisukat”, ika nga ni basil valdez. may mga ilaw na pula ang entrance kaya talagang literally, “red light” building sa red light district.

the first two weeks were really hard for me. malungkot, homesick and in a strange place, muntik na akong mag backout at umuwi. buti na lang, nakakita agad ako ng malilipatan na HDB flat. before the two weeks were up, palipat na ako sa isang maliit na parang bahay ng kalapati sa west coast ng singapore. there, jet and i would have a great and happy stay for a year. but that of course, is another story. more next time…

A SAD STATISTIC

while we’re on the subject of falling bodies from highrise buildings, isang malungkot na statistic: ang laki ng percentage ng mga nahuhulog sa mga building (HDB flats) na mga domestic helper dito sa singapore. last year, there were 22 cases of helpers (mostly indonesians) who “fell to their deaths” habang nagsasampay or while cleaning the windows of their employer’s flats. yung iba sadyang tinutulak.

hirap kasi sa mga kinukuha nila minsan na mga DH, most especially sa mga indonesians: karamihan ay underage at galing sa province. siyempre di sila sanay tumira sa mga high rise. akala nila nasa bahay kubo pa rin sila at kapag nahulog sa bintana ay bukol lang ang inaabot. iba pag sa 12th floor ka ng building nahulog. for sure, you will be “morally, ethic’lly, spiritually, physically, positively, absolutely, undeniably and reliably dead“.

parang yung joke… ano ang pinagkaiba ng nahulog sa 2nd floor at yung nahulog sa 12th floor ng building?

nahulog sa 2nd floor:

(BLAGADAG!) Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!

nahulog sa 12th floor:

Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! (BLAGADAG!)

PAANO MAG-SAMPAY NG LABADA SA HIGHRISE

pag nakatira ka sa building dito sa singapore, ang sampayan ay nasa gilid ng bahay. literally, nakasampay ang mga labada sa gilid ng structure. para tuloy mayrong kang bandera sa labas ng tirahan mo. minsan, pag walang magawa, masarap panoorin ang iba ibang kulay. pag malakas ang hangin, masarap itong pagtripan.
pano nga ba mag-sampay ng labada ang mga singaporeans? kadalasan ay sa labas ng bahay. since majority ng mga taga-rito ay nakatira sa housing blocks, ang labada ay naka-sampay sa gilid ng building.

bukod sa sampay, marami pang mga nakabitin sa mga housing blocks dito – mga halaman, bisikleta, bird cage, durian (bakit durian?), etc. marami nang kaso rito sa singapore na mga taong namatay dahil tinamaan ng mga nahuhulog na kung ano-ano, galing sa matataas na mga floor. ang tawag sa mga bagay na nahuhulog from above ay “killer litter“. ang tawag naman doon sa mga nasa wrong place at wrong time na tinamaan ng killer litter ay “sobrang malas“.

Continue reading