OF MICE AND MEN

ngayon ang first day ng ‘rat attack’. ito ang bagong programa ng gobyerno para sa extermination ng mga daga sa buong isla. executed in a manner that is so typically singaporean, this 8 month long program is meant to eliminate all of singapore’s 12,950 rats (daga) living in 8,631 burrows (lungga). paano nila binilang ito? ewan ko. siguro, mayrong isang committee na ito lang ang trabaho – ie tagahanap ng lungga at tagabilang ng daga (uy, it rhymes).

the metrics of success shall be based on “the number of active burrows, bait consumption, the number of rodents trapped (dead or alive) and the absence of other signs of rodent infestation such as fresh droppings and gnaw marks”.

naalala nyo ba nung 70’s, yung balita na pinag bisikleta raw ng isang linggo ni marcos si ariel ureta dahil sinabi niya “sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan“, instead of “sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan“. true story ba ito o apocryphal (rhymes with kupal) lang? mangyari ay mayron kasing isa pang bagong lipunan slogan na niloloko namin nung araw, that’s related to this topic. eto yung “batas ay ginawa upang sundin at isagawa” na ginagawa naming “butas ay ginawa upang suotan ng mga daga“.

“and will there be rabbits, george?” “yeah, lennie. there’ll be rabbits.”

GOVERNMENT SPONSORED LONELY HEARTS CLUB

maraming mga matchmaking associations dito sa singapore na tinayo ng gobyerno. ang silbe sa buhay ng mga grupong ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga walang asawang singaporean na makapag interact sa isa’t-isa, at hopefully, to mate. tingnan nyo na lang ito na parang “captive breeding program” to propagate the species. isa pa rin ito sa mga programa ng gobyerno para dumami ang tao sa singapore.

puro trabaho kasi ang inaatupag eh, di na tuloy tinitigasan. ang ibig kong sabihin, masyado silang busy at wala nang time for romance.

INUTUSANG LANG BUMILI NG PATIS, KUNG SAAN SAAN PA NAGPUNTA

inutusan ako ni jet na bumili ng patis, kaya nagpunta ako sa lucky plaza. ang daming tao. lahat ata ng pinoy sa singapore ay naroon nakatambay kanina. pero masarap – para akong nasa pilipinas. nakipaglandian pa nga sa akin yung isang tindera.

batjay: magkano itong patis?
tindera: $3.50 papa! (sabay kindat sa akin)
batjay: ayos! sige samahan mo ng isang paketeng chocnut.
tindera: no problem, papa (sabay kindat ulit sa akin)
batjay: magkano lahat?
tindera: $7.50 lahat papa.
batjay: ang mahal naman.
tindera: darling, mas mahal pa ako sa binili mo (sabay kindat ulit)
batjay: mama naman, amoy lupa ka na (tawanan sa loob ng tindahan)
kasama ni tindera: sorry sir, ha. mahinhing talipandas yan, pero harmless naman.
batjay: ok lang, huwag mo lang ilapit sa akin at baka sunggaban ako.

MGA PINOY WEBSITES NA MAY KAAKIT-AKIT

imbes na nakatanga ka diyan sa harap ng monitor at nangungulangot, puntahan nyo na lang itong mga websites na masarap basahin. teka, maka digress nga muna at may naalala ako: huwag kayong mangungulangot sa harap ng computer, lalo na pag gumagamit kayo ng trackball. magbabara yung dumi ng ilong ninyo doon sa loob ng trackball at babagal ang pag-drag ng inyong pointer. maari pang mag corrode yung keyboard.

hokey, here’s my current ‘masarap basahin’ list:

My Life… A Cup of Deja Brew. unahin ko nang mylab ko. this is the site of my wife jet, my original all time best idol. simula pa lang kaming magkakilala (15 or so years ago), sinabi ko na sa kanya na magaling siyang magsulat. her site proves that it is indeed so true. i can never write as good as her. read about the typical life of a pinay housewife in singapore.

Pansitan ni Ate Sienna. ang pinakauna naming nakilalang pinoy blogger and a dear friend. si ate sienna ang siya ring gumawa ng website namin ni jet. nakakatawa ang mga entry niya at pinoy na pinoy ang dating. natutulog na halos sa kanyang…

Pansitan.net, my favorite blogging community where you’ll find jim paredes and ate sienna’s other super friends tulad nina papa rodge, mariacelia, JaH at ayeza. one site may not be to your liking, but collectively, nakaka-aliw, dahil masaya silang nag-uusap at nag i-interact lahat (as a community should be).

A Taste Of Africa. bakit ko naging idol si ibet? di ko kasi kaya ang ginawa niya. would you leave your husband and daughter to work among the poorest of the poor in africa? this is a great read on the life of a gutsy pinay in somaliland, a non-country in the horn of africa. read this blog and be inspired.

Short*Poetry. ang world class poet ng UP. she produces really good short poems that always makes me smile sa sobrang ganda, gusto kong maihe touches the soul. proves to us that a few words can move the heart.

Renaissance Girl. blog site ng idol kong ate mona. her site is a lesson sa bloggers na may problema dahil walang mga bumibisita – keep your entries short and write beautiful funny stories. tall order but she succeeds magnificently, as i keep coming back for more.

The Prada Mama Chronicles. Prada Mama is a former newsbabe turned domestic goddess. my perskasin, dahil siya ang asawa ng aking showbiz pinsan na si lapu-lapu. read what’s it like living in the suburbs of modesto, california.

working mom. ano bang tagalog sa tigreng babae? sagot: AnP! ang sarap basahin ng mga kwento ni AnP tungkol sa buhay nilang mag-anak sa germany. kaya lang, magkakaroon kayo ng tendency na kurutin ang inyong monitor dahil sa kakyutan ng mga litrato ng kanyang anak.

Click Mo Mukha Mo! A Pinoy Blog About Nothing. isa pa ring model ng “how a blog should be”. it’s the content, stupid. siyempre, hindi rin nakakasakit na magaling magsulat si markmongmukhamo.

PARALLEL UNIVERSES. ang blog site ng dr. emer – he is the only doctor blogger (blogger doctor? which is which?) that i know of. di lang tungkol sa medicine ang sinusulat niya at masarap ding basahin. isang linggo ko na siyang gustong tanungin kung ano ang gamot sa tulo.

durgaspeak. dahil sa kanyang kakaibang sense of humor, ang site ni jop ay isa sa mga bagong favorite reads namin ni jet. alam nyo ba yung pinoy na kasabihan na “simple lang pero rock”? yan ang dating ni jop. pinoy na pinoy magsulat at isa sa mga parati kong binabalik balikan. pag binabasa ko ang mga sinulat nya, para akong nakikinig sa mga kaibigan kong nagkukwento sa akin.

hawhaw dekarabaw. sinabi ko na ito sa kanya – ang site ni ibalik is probably the best photoblog ever. siya rin ang host ng pinoy blog community na dekarabaw.com. makabayan kahit nasa estados unidos at tunay na pinoy.

Memento. “If a picture paints a thousand, then why can’t I paint yowowowowowow”, sabi nga sa kanta ng bread. isa pang peborit na photoblog. akshuli, dalawa lang sila ni ibalik na peborit ko.

Now What, Cat. ang peborit blog ni Manuel L. Quezon Trilogy na aking bagong peborit din. di lang dahil sa na special mention ako sa isa niyang entry, kundi dahil talagang magaling siyang magsulat. punta kayo rito sa nakakatawa pero may laman na site ng bago kong idol.

A Filipino Food, Cooking & Recipes Blog. cooking site ni sassy lawyer, the radical chef. isa rin sa mga bago kong idol. one of these days, mag-aaral akong magluto using her recipes. punta kayo rito, mga ginang ng tahanan at mapapa sigaw kayo ng “cooking ng ina nyo”.

Kiwipinay ~ Life of a Filipina Down Under. mga kwento ng isang pinay sa new zealand. medyo prolific si ateng ko na mag post kaya dapat parati kang pumunta sa site niya para up to date ka. sa pilipino rin siya nagsusulat kadalasan, at, masarap basahin ang kanyang mga minsan nakakatawa, minsan nakakaiyak na gulong ng palad na buhay.

Da Two. ito ang site ni gretch. pero actually, tungkol ito sa dalawa niyang anak na si pancho at maki. kung mahilig kayo sa mga cute at endearing na kuwento ng mga bata, this site is a great read and is indeed “written with love by mom”.

Second Thoughts. ang site ni don manuel ay isa ring pagpapatunay na “content is king” and that the “keep it simple, stupid (KISS)” maxim works. kalimutan nyo na yung eye candy style ng pagpapaganda ng site and focus on what really matters. bawasan din yung mga entries that go like this: “wala akong maisulat ngayon eh. kaya gusto kong ikuwento ang aking boring day…etc. etc.”

diS pinOy gOt suM iSsuEs. ang blog site that confirms na tama ang desisyon kong magsulat sa pilipino. di ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanya pero naaaliw talaga ako. kung sino ka man kaibigan, alam ko di mo ito sinasadya pero maraming salamat sa saya at katatawan na binigay mo sa akin. you really gave me some issues where there once were none. MABUHAY!

to be continous continue containyou tangnang spelling ko talaga, dyslexic: ITUTULOY…

WEEKEND PARENTING

ang maugong na balita ngayon sa dyaryo dito ay ang patuloy na problema sa mababang birth rate ng singapore. in spite of all the incentives na bininigay para sa mga mag-asawa na magparami ng anak, di pa rin nila ma-abot ang kanilang target na 2.1 babies per married couple to sustain their growth. last year was a historic low with only 31,171 babies being born or something like 1.2 babies per couple, which is exactly the average dito sa aming office. lima ang singaporean na may may asawa. doon sa lima, isa lang ang may dalawang anak. the rest are couples with one child.

ang naririnig kong reklamo ng mga ka-opisina ko ay ang malaking gastos sa pagpapalaki ng kanilang anak. singaporeans (like filipinos) have close family ties at normal for children na magpatuloy tumira sa bahay ng kanilang mga parents until they get married (15% of singaporeans between the ages of 40-44 are single. wow!). mahirap din ang child care for parents who both work and cannot afford a full time nanny.

dahil pareho silang nagtatrabaho ng kanilang mga asawa, yung dalawa sa officemates ko resorted to having their newborn babies being taken cared of by other people. ganito ang ginawa nila: nag avail yung sila ng nursery services malapit sa bahay nila, para may mag-alaga ng kanilang anak during the weekdays. nandoon yung bata, araw at gabi from monday to friday. kinukuha lang nila pag biyernes ng gabi. tapos, they return the child sa nursery ng sunday evening. in effect, mga weekend parents lang sila.

don’t ask me how they do it. i mean, hindi ko alam kung paano nila na te-take na wala sa tabi nila ang kanilang anak. ganoon lang siguro talaga – you train yourself to bear the absence of your children para makamit mo yung mga pinapangarap mo para sa iyong pamilya. ganon din naman ang karamihan nating mga sellout na OFW di ba? naiiwan ang asawa’t anak sa pilipinas para magkaroon ng magandang kinabukasan ang pamilya.

PISO NA LANG NASA IMPYERNO NA

nagpunta ako sa ministry of manpower kanina para ipa-transfer yung employment pass ko from my old to new passport. medyo malayo ito sa office kaya mga 11:30 pa lang ng umaga ay lumarga na ako. mahaba ang pila kaya mga 2:00 na ako hinarap ng processing officer. impressed nga ako sa service nila dahil inayos nila yung request ko in less than 5 minutes. sa harap ko pa ini-stamp at pinirmahan ang work permit ko sa bagong passport. palapit pa lang ako ay nakangiti na ang staff. either mabait talaga sila o nakakatawa ang mukha ko.

mahaba rin ang nilakad ko from the train station to the manpower office kaya nakabilad ako sa araw ng matagal. gusto ko na ngang mag shower para matanggal ang paninikit ng aking buong katawan. isasama ko na rin sa pagligo ang aking singit na kanina pa kinikiliti ng tumutulong pawis. eto lang ang masasabi ko tungkol sa panahon ngayon: bwakanginang sobrang init dito!

naalala ko tuloy one summer day, nung college ako: nagreklamo ako sa init sa loob ng classroom. from out of nowhere, biglang may sumigaw ng – “FREYZ GOD, BRADER! MAS MAINIT PA RITO SA IMPYERNO, KAYA MAG BALIK LOOB NA KAYO KAY LORD JEEEE-SAZ!”